Chapter 4: Perfect Match? Nah.

26 2 0
                                    

Chloe Sky Villair's POV

Pagkatapos nung nangyari ay di ko pa nakikita si Zen. Absent yata sya ngayon eh. Palibhasa getting to know each other lang ngayon. O di kaya absent siya dahil naging pakialamera ako sa buhay niya. Nagalit kaya siya sa akin? Well, I just really want to help him especially yesterday. Oh speaking of yesterday well nabwisit lang naman ako. Tsk. Walang hiya talaga yung mokong na yun. Ito lang naman kasi ang nangyari.

>>FLASHBACK

"You're wrong Zen. Even if I don't really know you as much as your friends do, I have the feeling of being responsible when it comes to you. I want to help you. To bring back your smile, the happiness in your eyes. I want to know you more Zen Ash Canen."

Damang-dama ko ang speech ko nang..

"Wew, ang drama mo ah. Di bagay sayo nagmumukha kang tanga." He smirked.

Sino pa nga ba ang makasisira ng araw ko. Edi yung si who know who? Eh sa hindi ko talaga alam pangalan niya eh.

"You don't care." I rolled my eyes.

"Lq ba? Haha marunong ka palang magmahal?"

Halata naman sa boses niya na nang-iirita siya.

"Lq? You're kidding me. Bingi ka ba o nagbibingihan lang talaga. Narinig mo naman yung speech ko na sinira mo diba? Diba nga sabi ko I Want To Know You Better. San ba dun ang di mo maintindihan. It only means na walang kami if hindi mo alam. So pano kami magkakaLQ ha? Tsk. Bobo."

He's getting in to my nerves.

"Woah, sorry naman noh? Sadyang wala lang talaga akong time para pakinggan yung speech mo. Bakit ba kasi ako mag-aaksaya ng oras para pakinggan yun? At saka eh kung hindi kayo, ano one sided love? Kawawa ka naman. M.U lang. Mag-isang Umiibig."

"You're wrong! I don't love him! I'm just being a good friend! Bakit ba? Masama? Palibhasa kasi ang kitid ng utak mo!"

Wala na sumabog na talaga ako. Sino ba kasi siya para pakialaman ako?

"You're so harsh. You're so inconsiderate. I mean no harm when I approach you. I think you misunderstood it all. I was just joking but you took it seriously. Sometimes you need to control yourself. Or else everyone will leave you because of that. Kaya ka nga niya iniwan diba?

He said coldly. And then he left. He left leaving me hanging. Pano? Paano  niya nalaman? Sino ka ba talaga? Paano mo nalaman yung sa KANYA?

<<END OF FLASHBACK

Urgggh!!!! Bwisit talaga siya. But.....

Naguilty rin ako kahapon eh. Kasi sinigawan ko siya. Ugh! Hindi ko na alam yung mararamdaman ko.

After 5 minutes.

Dumating na si sir M at wala pa rin yung katabi ko. Baka galit talaga sa akin. Nag good morning na kami Kay sir.

Nagstart na yung introduce yourself. Tapos na rin yung barkada and it's my time. Pumunta na ako sa harapan.

Magsasalita na sana ako nang biglang may pumasok. Dumeretso siya sa upuan niya which is tabi ng upuan ko. Yumuko siya, tutulog na naman yata. Tsk2 hindi ba siya natutulog sa kanila? Hays, bahala nga siya.

"Proceed Ms. Villair."

Sabi ni Sir.

Bigla siyang tumunghay.

"Hi! I'm Chloe Sky Villair. I love to sing and play guitar."

Pagkatapos ko ay umupo na ako sa seat ko. Bigla siyang nagsalita.

"Finally, Chloe Sky Villair pala ha?"

At yumuko na naman siya. Kinilabutan ako sa mga sinabi niya.

Hindi naglaon natapos na rin ang napakaboring namin na klase. Sa wakas ay makakauwi na rin. Ay! Oo nga pala may itatanong pa ako sa mokong na yun asan naba yun. Lumabas ako ng classroom.  Inilibot ko ang mga mata ko at yun naglalakad sa hallway. Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Hoy!"

Hindi pa rin nakinig ah! Palibhasa kasi naka headphones. Kaya naman hinablot ko yung kamay niya.

"Hoy! Tinatawag kita." Sabi ko sa kanya

Siya naman nakapokerface lang.

"Ano?" Walang kabuhay-buhay na sabi niya.

"Uhm pano mo yun..."

Hindi ko alam kung pano ko sasabihin ngayon pa talaga ako nawalan ng lakas ng loob.

"Paano ko nalaman? Marami akong nalalaman na hindi mo alam, Chloe. And hindi hoy ang pangalan ko. Evo! Evo ang pangalan ko. Tsaka bitawan mo na nga yung kamay ko. Chansing ka na ah." He smirked.

Binitawan ko na yung kamay niya. Chansing? Pwee in his dreams. Di ko lang talaga namalayan.

"Che! Kahit kailan di kita chachansingan no? Dream on!"

At umalis na sya, smirking. Winave niya yung kamay niya. At eto na naman ako. Inis na inis.

"Ayiiieeehhh!!" Sabi ng mga nasa likod ko except Kay Axl at Xenon na wala lang.

Nandiyan pala sila.

"Om kilig much!" Sabi ni Zera.

"Alam mo Baest bagay kayo!" Sabi ni Kaile.

"Na-ah hindi sila bagay. PERFECT MATCH SILA!" Sabi naman ni Blossom.

"Mas gwapo naman ako dun ah." Sabi naman ni Axl.

"Magtigil ka nga Axl baka liparin ka nang sarili mong hanging palayo rito at mapunta ka sa North Pole." Mapang-asar na sabi ni Xenon kay Axl.

"Naku! Di ako pwedi doon. Matutunaw lang ang mga yelo. Di nila kakayanin yung hotness ko." Mayabang na sabi ni Axl.

"Oh, will you shut up Axl." Galit na sabi ni Alexa.

Hindi na kumibo si Axe.

Natawa naman kami sa inasal ni Axe.

"So ano na Chloe, what can you say about your match isn't it perfect?" Sabi ni Kaile.

"Perfect match? Nah. We're not."

Secret FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon