Chapter 16: What Happened?

5 0 0
                                    

Chloe Sky Villair's POV

"Ayoko na!" nawawalang pag-asa na sabi ni Alexa.

"Kung ayaw mo na mas ayaw ko na Alexa. Bigla ka na lang nagbago. Binago ka ng lintik na Xander na yon! Hindi na nga kita mahalos makilala eh! Asan na yung Alexa na mukhang tomboy, yung Alexa na masungit, yung Alexa na palaban at higit sa lahat yung Alexa na hindi itong nasa harapan ko. " Unti-unting nawala ang galit sa mga mata ni Axl at napalitan ng panghihinayang, lungkot at sakit.

Natigilan si Alexa. Pero nang makabawi ay kaagad nitong nilapitan si Axl.

"Bakit Axl? Kasalanan ko ba?!  Kasalanan ba ang magbago para sa sarili ko?!  Kailanman ay hindi ko pinakealaman ang buhay mo Axl. Bakit? Ako lang ba ang nagbago?  Ako lang ba ha?! Wag kang magmalinis Axl dahil alam ko at pansin namin lahat ang pagbabago mo simula nang maging kayo ni Tania. At least ako nagbago man ay hindi ko kinalimutan ang barkada. Hindi ko sila kailan man pinabayaan, pero ikaw?!  Ikaw anong ginawa mo?!  Pinabayaan mo kami Axl na para bang wala kang mga kaibigan. Hindi mo alam kung gaano kasakit yun para sa amin Axl. Pero anong ginawa namin? Sinumbatan ka ba namin dahil sa pagpapabaya mo?!  Hindi Axl dahil pilit ka naming inintindi kahit mahirap inintindi ka namin Axl! Pero ngayon, susumbatan mo ako dahil sa pagbabago ko? HA?!  Ang lakas din naman talaga ng apog mo no?! " Kitang-kita ang galit sa mukha ni Alexa pero ganun na lamang ang pagkabigla naming lahat maliban kay Zera na tulala pa rin nang biglang kumawala ang isang butil ng luha mula sa mata ni Alexa.

Hindi na nakasagot si Axl.

Ilang minutong namutawi ang katahimikan sa pagitan naming lahat.  Naputol lamang ito nang padabog na umalis si Alexa.

Walang nagsalita maski isa sa amin. Kinain kami ng katahimikan.

Si Zera ay tulala sa hindi malamang dahilan pero batid kong hindi dahil sa nangyari kani-kanina lang. Si Blossom ay umiiyak habang yakap-yakap naman siya ni Dem.
Hindi mahagilap ng aking mata si Xenon. Hindi ko alam kung asan siya at wala na akong planong alamin pa. Si Zen naman ay kasalukuyang wala rito sapagkat may importante raw siyang lakad.

Ang katahimikan ay sadyang binasag nang bigla na lang tumunog ang phone ni Zera senyales na may tumatawag.

"Hello?" Sagot ni Zera.

Hindi namin alam kung ano ang naging sagot sa kabilang linya pero batid kong masama ang naging tugon nito dahil sa biglaang pagkabalisa ni Zera.

"Sige sige pupunta kaagad ako diyan. Hintayin niyo ako. " Pagkatapos ng ilang segundo ay binaba na ni Zera ang kanyang telepono.

Mabilis itong umalis ni hindi man lang nakapagpaalam sa amin dahilan upang magtaka ako at mag-alala sa ikinilos ni Zera.

Pansin naming lahat ang naging kilos ni Zera at ang pagkabalisa nito maliban kay Axl na hanggang ngayon ay nanatiling tulala.

Hindi ko malaman ang dapat sabihin. Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito. Kalahating minuto rin ang aming itinagal sa silid na iyon ng hindi man lang nagkikibuan. Hindi ko namalayan ang oras at ang pag-alis ng mga kasamahan ko. Nagising na lang ako mula sa malalim kong pag-iisip ng pumasok si manong janitor at sinabing kailangan ko ng umalis dahil isasarado na ang bawat silid sa paaralan. Naglalakad ako pero hindi ko maramdaman ang paggalaw ng aking katawan.

Natinag na lang ako sa marahas na paghila sa akin ng isang kamay upang yakapin ako.

"Kung magpapakamatay ka miss, wag kang mandamay. Tss.  Mga kabataan talaga ngayon oh! " Ang sabi ng driver bago tuluyang humarurot.

Ngayon ko lang napagtanto na malapit pa lang malagay sa bingit ng kamatayan ang aking buhay.

Tulala ako at pilit tinutunaw sa aking isip ang mga nangyayari. Hindi ko man lang namalayan na nanginginig na pala ako sa nerbyos.

Secret FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon