Chapter 17: Hold me tight

5 0 0
                                    

Chloe Sky Villair's POV

Nagising ako sa tunog na nanggaling sa aking cell phone. Kinapa kapa ko ito habang nakapikit pa rin ang aking mga mata. Hindi na ako nag-abalang tingnan ang tumatawag at sa halip ay sinagot ko na lang ito bigla.

"Hello." Pagbati ko sa kabilang linya.

Ilang segundo rin akong naghintay pero walang sumagot sa kabilang linya.

"Hello? " Pag-uulit ko habang pikit na pikit pa rin ang mga mata.

Hindi rin naglaon ay sumagot din ito.

"Hey." Isang salita pero agad nakapagpagising sa aking diwa. Alam na alam ko ang boses niya kaya alam kong siya ito pero bakit?

Nang hindi ko nagawang makasagot ay nagsalita ito ulit.

"I heard what happen." Sabi niya.

"A-ah O-oo!" Hindi maipagkakaila ang gulat sa aking boses.

You never call me this early. Why are you doing this now Zen?

Kating-kati na akong itanong sa kanya yan pero hindi ko magawa kasi ayaw kong maisip niya na binibigyan ko ng kahulugan ang pagtawag niya. Eh baka nga wala lang sa kanya to eh. Bigla akong nakadama ng kaunting lungkot at panghihinayang sa aking naisip at hindi ko namalayang naglalakbay na naman ang aking isipan.

"Hey, Sky. Still there?"

Agad kong naalala na may kausap pa pala ako.

"Oo, sorry may iniisip lang."

"Kung tungkol yan kahapon, pwede naman nating pag-usapan ulit. Alam kong maisasaayos pa natin to. "

Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot ng sabihin ni Zen yun.

"Sana nga Zen. Sana nga. " Ang tanging naging tugon ko sa kanya.

"Cheer up Sky. Wag ka masyadong malungkot sige ka papangit ka niyan. " He joked.

"Tse, kahit na anong mangyari Zen hindi ako papangit kasi inborn to no, INBORN." Pag-eemphasize ko pa doon sa huling salita.

He chuckled,"Yeah, yeah whatever Ms. INBORN." Ganti ng mokong.

Bahagya kong nilayo ang telepono at bumulong. "Tss.  Kaiinis. Tumawa na nga lang bakit kailangan pang sa gwapong paraan. "

Ibinalik ko na ulit ang telepono at ganoon na lang ang pagkabigla ko nang tumatawa na ito sa kabilang linya at talagang bigay na bigay pa talaga.

"That is what you call "INBORN" Sky." Natatawang sabi nito.

Unti-unting lumaki ang aking mga mata. 

What the fudge, narinig niya?!

"Oo, yang kayabangan mo inborn na inborn! Tsk! " Sagot ko sa kanya at ibinaba kaagad ang telepono dahil sa kahihiyan.

"Huhu, for the first time in my life, how I wish I will not meet Zen, just for this day please." Pinagdaop ko pa aking palad, nagmumukha tuloy akong sira.

Nagulantang ako sa tatlong magkakasunod na katok sa aking pintuan. Baka si manang yan para ipaalam na nakahanda na ang pagkain. Hindi  rin naman kasi pwedeng sila mom at dad yun eh kasi nasa States sila busy sa work, as always tss.

"Iha? Bumangon ka na at handa na ang iyong almusal." See? Tama ako si manang na naman.

Bumangon na ako mula sa aking higaan at hindi na nag-abalang magsuklay at ayusin ang sarili dahil sanay naman na si manang na makita ako sa ganitong hitsura tuwing umaga.

Secret FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon