Chapter 18: Twisted

7 0 0
                                    

Chloe Sky Villair's POV

It's Monday, and I still can't get over about what happened between me and Zen last Saturday. Kahit ngayon, hindi ko pa rin maiwasang ngumiti sa tuwing naaalala ko ang nangyari. Geez, Zen being like that is so not him. I mean like hindi siya ganun ka sweet but hindi rin naman masama na maging sweeter siya.........uhm, physically maybe? But gosh mentally and especially emotionally? It's a BAD idea. Like capital B-A-D. Pinipigilan ko na ngang mahulog ng malalim eh ito na naman siya sa kanyang pagiging sweet without knowing na may nakasalalay na feelings. Hays tsk, hirap palang magkagusto sa best friend mo.

"Oh, Chloe anong nangyari sayo at makapagbuntong hininga ka naman diyan parang pasan-pasan mo ang problema ng lahat ng tao sa mundo ah?" Tanong ni Blossom.
I immediately look at her with a slight smile.

"*sigh* Just thinking 'bout things." I said.

"Hmmnn, tungkol ba to sa barkada? Alam ko iniisip mo Chloe. Alam ko ring nag-aalala ka. Kami din naman eh. Pero sa tingin ko, sa ngayon hayaan muna natin sila na solusyonan yung problema nila bago tayo makisawsaw, kasi baka lalo lang lumalala lang yung sitwasyon pag pumagitna tayo." Seryosong sabi niya.

I was taken aback. Makisawsaw? Pano nangyari yun eh magkaibigan kami at ang magkaibigan nagdadamayan at nagtutulungan. Karapatan namin, karapatan ko, na "makisawsaw" kasi kaibigan nila ako.

"I am worried for the possibilities Blossom. You don't what will happen next. Pano pag nabuwag tayo? Masira ang barkada? Dahil lang sa ayaw nating "makisawsaw" sa problema ng isang kaibigan?" Naaasar ako ngunit pilit kong pinigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Look Chloe, it's not what I meant. I just want to give them space, give US space because all I know right now.....is that we all need space." She meant what she said because base from what I see in her eyes, she, herself, doesn't only need space, she wants it.

"You don't only need space Blossom because from what I have observed, you want it. You wanted some space. Pansin ko na may dinadala ka rin. Ganito na lang ba tayong lahat? Magtataguan ng sekreto? Akala ko ba barkada to? Diba ang barkada nasasabihan ng problema? Eh bakit ganito? Bakit lahat kayo puno ng sekreto? Sabihin mo nga sa akin Blossom, ikaw ba, ano ba talagang problema mo?" May halong hinanakit at pagkadismaya ang pagsabi ko kay Blossom. She can't blame me. If she were in my place she'd understand.

"Chloe....." She was out of words. That proves it. May problema nga siya na hindi niya masabi-sabi.

"Come on Blossom, you could tell me. Spill it." I sincerely said.

"Chloe, I have a-----------. "

Chloe was about to tell me what she wanted to say but our teacher interrupted it when he walked in.

"Good morning class, before I start our class for today let me first introduce your new classmate from States." Sabi ni sir.

Then a gray-haired girl entered the room. She has a long straight hair except from its curly and bouncy ends. She's gorgeous and........ familiar?

Nagulat ako ng nagtagpo ang aming mga mata at ngumiti siya sa akin. Wait,magkakilala ba kami? Pinilit kong alalahanin kung saan ko siya nakita pero naunahan na niya ako ng ipakilala niya ang sarili niya.

"Hi guys, I'm Kaile Airy Sophea, you can call me Kai for short, pleased to meet you all. It's good to be back and oh a little piece of information, I once studied here back when I was on the 7th grade. That's all." She smiled and winked and it made the boys gawk at her and the girls adore here, well some were jealous though.

And me?  I was blown away. Hindi pa rin magsink in sa akin. My best friend who was
out of reach for months is now here in front of me?! I must be dreaming! Isang taon pa lang simula ng huli kaming nagkita, ang laki naman yata ng pinagbago niya. I doubt there's no reason behind that. Since vacant naman yung upuan sa tabi ko, dun niya napiliang umupo. Nilingon ko lang siya at tinitigan. She smiled at me but I didn't manage to smile back at her. Hindi ko magawa at hindi ko alam kung bakit. Ang alam ngayon ay puno ng katanungan ang isipan ko. Ang dami kong gustong itanong ngunit hindi ko alam kung saan magsisimula. It's like we've been apart for a decade. Gosh, I'm out of words para sabihin sa kanya.

Secret FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon