Chapter 10: Under the tree

16 1 0
                                    

Ugh! Bwisit na alarm clock yan. Marahas ko itong pinatay.

"Aish! Ano ba yan. Tsk. Malalaman ko na sana yung pangalan ni ZA eh?!" Nayayamot kung sabi.

"Anong oras na ba? 5:30 am? Umaga na? Ang bilis naman yata."

Nagtataka siguro kayo noh? Kung bakit hindi ko alam ang pangalan ni ZA kahit na best friends kami. Dati naman alam ko yung pangalan niya. Sabi kasi ng doctor sa amin ay nakalimutan ko yung pangalan ni ZA dahil nagkaamnesia ako at saka hindi ko pa gaanong naaalala yung connection namin ni ZA with each other. Although naaalala ko na magbest friends kami, at naaalala ko rin yung katangahan ko. Nang dahil sa akin ay....

*Snift*

"No, you should accept the fact Chloe. What's done is done. Move on. I have to move on..." Bulong ko sa sarili ko.

Pero? Di ko kaya. Di ko pa rin kaya. Hindi ko pa rin matanggap kung bakit, bakit.....

*Ringggg* *Ringggg*

Ugh?! Sino na naman to?

*Calling unknown number*

Padabog kong kinuha ang phone ko at sinagot ang kung sino mang asungot ang tumatawag.

"Hello?!" I grumpily said.

"Napakagandang bati naman yata niyan sa akin huh? Chloe Sky Villair."

Sino ba tong asungot na to at ginulo pa ang pagmuni-muni ko.

"Sino ka ba ha?! Anong kailangan mo? Tss."

Umagang-umaga binibwisit ako.

"Bad morning I guess? Well, ipapaalam ko lang sayo na magdala ka ng mga books na related sa ipinagawa sa atin ni sir." Sabi niya.

Teka lang. Nalilito ako.

"Ha?" Yun lang ang nasabi ko. Hindi pa rin mag-sink in sa utak ko eh.

"Tss. Bird brain. If you still don't know who's this, well this is ONLY Evo. Meet me at the lobby at 6:30 am sharp. Don't you ever be late Ms. Villair, or else!"

Utos niya na parang boss. Tsk. Sino ba siya para utos- utosan ako ha?!

"Or else what?!" Matapang na sagot ko.

"Just don't be late, kung hindi magsisisi ka talaga." Seryoso niyang sabi.

"Fine!" Pasigaw na sabi ko at binabaan siya.

Anong oras na ba? Tumingin ako sa orasan at.....

"Oh my gosh, it's already 6:00 am !"

Dali-dali akong tumakbo sa banyo at naligo.

>>After 10 minutes.

Time check, 6:10 in the morning?! Dali-dali akong nagbihis nga uniporme at kinuha ko na yung mga books na related sa studies namin. Ipinasok ko ito sa backpack ko at dali-daling bumaba.

"Manang mauna na po ako!" Sabi ko kay manang Ely na tinuturing ko na ring nanay-nanayan. Siya ang naging malapit sa puso ko sa lahat ng kasambahay dahil siya ang nag-alaga sa akin sa mga panahong wala ang parents ko.

"Eh anak, kumain ka muna. Hindi ka naghapunan ka gabii pati ba naman agahan ay papalagpasin mo rin?" Nag-aalalang tanong ni manang Ely.

"Manang importante lang po eh. Sige po mauna na ako." Sabi ko.

"Ey teka teka. Ito may binalot akong baon mo rito. Kainin mo nalang ito mamaya pag nagka-oras ka na ha?"

Kinuha ko na yung baon ko at isinilid sa bag ko.

Secret FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon