Chapter 7: Stay

21 2 0
                                    

Pagkatapos ng kanta namin ay tinulungan ako ni Zen na makapunta sa upuan ko habang todo palakpakan naman yung mga classmate namin.

"Are you fine now?" Tanong ni Zen.

"Yes, thank you.?" Nahihiyang pasalamat ko.

"Ayieeeehhhh.." Todo tukso naman yung mga kaklase namin. Hay.. Ano bang nakakakilig dun? Bumalik na si Zen sa upuan niya.

"Stop that class. Let's go back to our topic. But I admit Ms. Villair and Mr. Canen, you two have a chemistry and a future in singing." Sabi ni sir.

Hindi na kami kumibo pa. Aish pati ba naman si sir.

"Pshh." Bulong ng katabi ko.

Ano na naman kayang problema nito?

"Uy baest, marami ka ng utang sa akin ha?" Sabi ni Kaile.

Ano namang utang ang sinasabi niya?

"Utang?" Takang tanong ko.

"Marami ka nang hindi naikwekwento sa akin. Nagtatampo na kaya ako." Sabi ni Kaile.

"Aish. Wala naman akong dapat ikwento." Sabi ko sa kanya.

"Talaga lang girl ha? Ano naman yung kasweetan niyo ni Zen abir. May pa-pasan-pasan pa nga siya sayo eh." Panunukso ni Zera.

"Wala talaga yun. It's just pure accident." Sabi ko sa kanila para matigil na sila.

"What a sweet accident eh, Chloe?" Dagdag pa ni Blossom. Pati ba naman siya. >_<

"Oh guys, cut it out. Pinagtutulungan niyo na si Chloe ah." Sabi ni Alexa.

Oh my golly, thank you so much Alexa you're an angel. *_*

"Huwag niyo kasing masyadong ipressure. Let her fall slowly." Dagdag ni Alexa.

"Waaahhh! Pati ba naman ikaw Alexa?" Huhu nakakainis sila. Pinagtutulungan nila ako.

"Guys pabayaan niyo nga si Chloe, matakot pa yan sa mga mukha niyo." Biro ni Axl.

"Eh, baka sayo pa. Mas nakakatakot kaya mukha mo." Panunukso ni Xenon kay Axl.

"Ehhh. Xenon ha? Sumosobra ka na. Sa gwapo kong ito? Naku baka maglumpasay pa si Chloe sa sahig." Mayabang na sabi ni Axl.

Tsk tsk. Dinamay pa talaga ako.

"Aray." Daing ni Axl.

Binatukan lang naman kasi ni Alexa.

"Serves you right." Sabi ni Alexa.

"Tsk. Tomboy." Inis na sabi ni Axl.

"Tomboy pala ha?" Asar na sabi ni Alexa.

"Aray! Sumosobra ka na Alexa ha?" Inis na sabi ni Axl.

"Whatever." Walang ka emo-emosyong sabi ni Alexa.

Natawa naman kami sa inasal ng dalawa. Ang cute nila. xD

>>After 2 hours.

*Kringggg* *Kringggg*

Ayun! Yes! Sa wakas. Break time na rin. Makakakain na rin ako. Kanina pa kasi nagwawala yung tiyan ko eh.

"Baest tara na." Yaya ko kay Kaile.

"Yes baest. Guys ano tara na?" Yaya niya sa barkada.

"Uh sorry guys ah, di kami makakasabay ni Niko kasi may hihiramin pa kaming libro sa library para dun sa special project na inassign sa amin ng english teacher natin." Sabi ni Blossom. Tumango nalang kami. At umalis na sila.

"Kami din guys eh, di kami makakasabay kasi pinapupunta kami ni Ms. Rose sa office niya. Sa susunod na lang ah. Tara na Axl at Xenon. Lagot tayo kay ma'am pag nalate tayo." Sabi ni Alexa at umalis na sila.

May kumatok bigla sa pintuan...

"Zera, girl, tayo na. Hinihintay na tayo ni Sir Kale." Sabi nung bakla.

"Yes girl. Bilisan mo na. Dali..!" Tili nung isa pang bakla.

"Coming. Uhm guys mauna na ko ha? Importante lang talaga. Next time nalang promise." Sabi ni Zera. Ngumiti nalang kami sa kanya at tumango. Umalis na siya kasama ang mga bakla.

Tatlo nalang kaming natitira dito. Ako, si Zen, at si Kaile. Spell Akward. K-A-M-I.

Si Kaile ang bumasag ng katahimikan.

"Sama ka Zen?" Kaile asked.

"Uh, no thanks. May pupuntahan pa kasi ako. Sige mauna na ko." At umalis na siya.

"Tara na baest." I said.

"Tara."

Nakarating na kami sa cafeteria at halos mapuno na ito. Marami ang binili kong pagkain dahil gutom na gutom ako eh. Naghanap kami ng table at siniswerte nga naman ay mayroon pang bakante. May tatlo itong upuan kaya okay lang. Inilapag ko na ang mga dala kong pagkain at umupo.

"Hindi ka naman masyadong gutom baest noh?" Kaile said sarcastically.

"Tsk. Eh sa gutom ako eh."

Ano bang magagawa ko? Makakain na nga lang.

Busy ako sa pagkain ng....

"Can I sit here?" Tanong ng mokong.

Ano siya siniswerte? No way! Manigas siya. Hindi siya pweding umupo rito.

"Definitely N---"

"Yes" Paniningit ni Kaile. Kaya naman siniko ko siya.

"What? I'm just being kind." Bulong niya sa akin.

"Thanks." At umupo nga ang mokong. Tsk. Bahala nga siya diyan. Hindi ko na lang siya papansinin.

>>After 5 minutes.

"So, Chloe, kamusta naman kayo ni Zen."

Tsk. Anong pakialam mong mokong ka.

"We're friends."  I said.

Bigla siyang natawa ng mahina.

"Really? Tinatanong lang naman kita kung kamusta ka ah. Iba naman yata yung sagot mo sa tanong ko." Mapang-asar na sabi niya.

Anong gusto mong palabasin Evo?

"What do you mean?" Seryoso kong sabi.

"Nothing. Anyway kamusta naman yung 'I want to know you better' mo ha, Chloe?" Meaningful na sabi niya.

"Sino ka ba talaga ha, Evo?!" Hindi ko namalayan na napatayo at napasigaw na pala ako. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito. Nakakahiya.

"You know what just leave me and stay away from me!" Umalis na ako. Gusto kong lumayo sa lugar na yun. Narinig ko pa yung tawag ni Kaile.

"Chloe!" Tawag ni Kaile sa akin.

Nakalayo-layo na rin ako. Saan ba pweding magrelax. Saan ba ako magkakaroon ng peace of mind.

Hmmmnn.. Alam ko na! Sa rooftop na lang. Nagsimula na akong maglakad.

>>After 5 minutes.

Narating ko na rin ang rooftop sa wakas. Nakakapagod ah.

*screech*

Binuksan ko ang pintuan at ang unang nakita ko ay si Zen.  Nakasandal siya sa pader habang nakasalampak yung headphones niya sa tenga niya at nilalanghap ang preskong hangin.

Hindi na ako lumapit sa kanya, sa halip ay pumunta ako sa other side ng rooftop. Nilanghap ko yung sariwang hangin. Pinagmasdan ko yung magandang tanawin. Woah! The view is breathtaking. Kasalukuyan kong pinagmasdan ang tanawin ng biglang may nagsalita sa tabi ko.

"What are you doing here?"

Si Zen pala at mukhang galit siya.

"Uh sorry kong nakaistorbo ako. Sige aalis na lang ako."

Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.






"No. Stay."

Secret FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon