Chaper 8: Don't Move

14 2 0
                                    

Hindi ko alam, pero, tama ba yung narinig ko?

"Pakiulit?"

"Never mind ." sabi niya.

Aish. Makaalis na nga lang. Aalis na sana ako ng...

"I said stay." Seryosong sabi niya.

I can't believe this. Is this real?

"Really?"

"Yes. Hindi naman kasi sa akin ang rooftop nato, so anong karapatan kong paalisin ka diba?" Sarkastikong sabi niya.

Sabagay may punto siya akala ko pa naman. Tsk. Assuming ko talaga.

Bumalik na ako sa pwesto ko at pinagmasdan ulit ang tanawin. Nabaling yung tingin ko kay Zen. Nakapikit siya at halatang ini-enjoy ang hangin. Mukha siyang di masungit kapag nakapikit. Ang amo ng mukha niya at mas lalo siyang gumagwapo. Inilipat ko na ang tingin ko sa tanawin at baka masabihan na naman niya akong "don't state the obvious" kuno.

"Uhm, Zen?" Tawag ko sa kanya.

"Hmnn?" Sabi niya habang nakapikit pa rin.

"Thank you..Thank you kanina." Sabi ko.

Hindi na siya sumagot pa at nanatili pa ring nakapikit.

*Kringggg* *Kringggg*

Minulat niya ang mata niya. At tumalikod na. Bago siya umalis ay may sinabi siya na ikinagulat ko.

"Welcome." At umalis na siya.

One word. Only One word.

But that one word made my lips smile.

Natulala pa ako ng 3 minutes bago ko marealize na.....

"OM! Bell na pala!"

Dali-dali akong tumakbo at tinahak ang daan patungong room.

Hingal na hingal akong umupo sa upuan ko. Mabuti nalang wala pa si sir.

"Oh baest, napano ka?" Tanong ni Kaile.

"Wala. Just don't mind me." Sabi ko nalang.

"Uhm baest? Kanina, okay ka lang ba?" Alalang tanong niya.

"Ah, oo baest wag mo nalang yung isipin." Sinabi ko nalang sa kanya para di na siya mag-alala.

>>Fast forward

*Kringggg* *Kringgggg*

Sa wakas, uwian na. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at mga notebook ko.

"Baest tara na?" Tawag ni Kaile.

"Sig--"

Naputol yung sasabihin ko ng tinawag ako ni Mr. Gab.

"Vaeller." Tawag ni sir.

"Yes sir?" Sabay naming sabi ni Evo.

Huh? Bakit sumasabay tong mokong nato? Anong trip niya.

"No Ms. Villair. I'm asking Mr. Vaeller." Sabi ni Sir.

So magkatunog pala kami ng apelyido. Tsk. Pahiya ako dun ah.

Siniko ako ni Kaile at ngumiti. Alam ko na ang ngiti niyang yan. Tsk.

"And you too Ms. Villair."

Ako na yata yan Ms. eh. Tatawagin din pala ako ni sir, pinahiya pa ako.

"Bakit sir?" Tanong ko.

"Both of you come in to my office, right now. Follow me." Sabi ni sir.

At umalis na.

"Pano ba yan baest, kasama ka pala. Una nalang ako ha?" Sabi ni Kaile.

"Sige baest. Sa susunod nalang ah?"

She just smiled and winked at me.

Tsk. Si baest talaga.

Sinundan ko na si sir at baka mapagalitan pa ako.

>>After 1 hour.

Phew.. Lumabas na ako ng office ni sir, nakakabagot dun ah. Nadagdagan na naman yung mga pasanin ko. Hayss tsk tsk. Anong oras na ba? Time check, 5:00 pm? Aish ang tagal namin dun ah?

Narinig ko yung pagbukas at pagsara ng pintuan, si Evo siguro. Bahala nga siya diyan. Aalis na sana ako nang bigla niyang hablutin ang kamay ko. Nahulog yung mga notebook ko at bigla niya akong..


Niyakap ?

"Anong-----"

"Shhhh. Don't move. Let's remain like this even just for a minute." Seryosong sabi niya.

Bumilis yung tibok ng puso ko. Nervous? Maybe?

A/N

Whoo. Chapter 8 finally done. Hope you liked it guys ^_^ Feel free to comment and vote! xD Basahin niyo rin yung unWANTED love if gusto niyo. I'll try to update tomorrow kaya stay tuned.

<33Cya

Secret FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon