Chapter 19: Welcome Back

10 0 0
                                    

Warning: Short Update hehe Tamad si Ms. Author eh xD

Hindi rin nagtagal at natapos na ang klase namin. We all decided to go to a nearby cafe to interrogate Kaile. For the first time in a while kompleto kami and it seems like wala namang tension na nagaganap between us.

Tahimik kaming lahat at parang naghahanap lang ng tyempo para umimik. Ewan ko ang weird namin ngayon, side effects yata sa mga nagaganap nitong nakaraan.

"So Kaile, saan ka nanggaling?" Tanong ni Axl.

"Tanga lang te, sa States nga diba. Naku naman Axl pinaparusahan mo brain cells ko." Sabi ni Zera.

"Eto naman, warm-up lang yun. Alam ko naman kung saan siya nanggaling, sinubukan ko lang basagin yung katahimikan." Axl pouted.

"Hindi ka pa rin nagbabago Axl no, ang kuliiiiit at ang cute mo pa rin." Akmang pipisilin na sana ni Kaile ang pisngi ni Axl.

"Hep Hep. Naah don't you ever pinch my cheeks. At tsaka hindi ako cute kasi gwapo ako, GWAPO ako, capital G-W-A asdghhjk----- ."

"Tumahimik ka na nga lang. Wala nang lumalabas na matino diyan sa bibig mo eh." Sabi ni Blossom na tinakpan yung bibig ni Axl.

"Tama na nga muna yan, lumalayo na tayo sa punto eh. Ako na lang magsisimulang magtanong. So, Kaile ano nga bang nangyari sayo at hindi ka nagparamdam ng ilang buwan?" Paninimula ni Dem.

"'Yun, gusto ko rin sanang itanong yun alam mo kasi noon pa man  nag-----."

"Cut it out!" We all said in unison except Alexa who seems silent about how Axl acts and hindi na yata ako magtataka doon and also Xenon who seems busy with his phone at parang walang pake. Ano ba talagang problema nito?

"F-Fine. Grabe naman kayo makareact." Sabi ni Axl sabay taas ng dalawa niyang kamay na parang sumusurrender sa mga pulis.

"Okay, cut it out guys, I'll answer all of your questions one by one. So first kay Dem muna. What happened to me? Well its a very long story but to make it short I, back then, needed some space."

"So pumunta ka ng space te at ganun na lang katagal ang pagkawala at pananahimik mo? Ganern?" Zera was a little bit sarcastic I guess? Or was he just joking? Hayss ano ba 'tong iniisip ko.

"(sigh) There was some issue okay, I just felt like I needed to run, to run away from everything, from everyone..." Bahagyang yumuko si Kaile at parang gusto niyang umiyak pero pinipigilan lang niya.

"Shh, if hindi mo kayang sabihin lahat ngayon Kaile, it's okay we understand right guys?" I can see how she's having a hard time. Ohh baest, If only I know how to help you. All nodded their heads except for Xenon, what's wrong with this guy?

"Oo nga Chloe, if you need a little bit of time, we can give you that. No need to force yourself." Blossom tried approaching Kaile and hugged her which made her burst into tears.

"Mukhang mabigat yata ang pinagdadaanan ni Kaile, Chloe. I think she needs you more than anyone." Alexa said.

"I know Alexa, pero mas gagaan ang pakiramdam niya kapag tayong lahat ang dumamay sa kanya. She doesn't need me alone, she needs all of us." I faintly smiled.

"Chloe's right. Right this time Kaile needs some comfort and understanding." Sabi ni Zen.

"Kalerki naman kayo guys, let's try lifting up the mood here, "Delightsome Cafe" nga tawag sa place na ito diba? So dapat happy lang tayo bawal muna ang sad." Natatawang sabi ni Zera kahit halata namang naiiyak rin siya.

"Thanks guys, thank you so much for understanding kahit wala pa kayong kaalam-alam sa nagaganap. I appreciate it very much more than what you think." Sabi ni Kaile habang unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

Secret FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon