Chapter 13: Unexpected Valentines Part 1

11 1 0
                                    

As I walk on the corridor, I can see lovers around. Ang sweet nila sa isa't isa, halatang mga in love. Hindi lang mga in relationship ang masaya ngayon kasi may nakikita rin akong estudyanteng nagbibigayan ng rose, chocolates at iba pang mga bagay. Samantalang ako dakilang single, ni wala man lang nagbibigay sa akin ng chocolates or card. Hahays, maganda naman ako ah. Tss. Bahala nga sila diyan, magiging dakilang bitter na lang ako ngayon, pshh. I forgot to tell you guys, if you're not aware of what's happening, it's February 14. Araw ng mga naniniwala sa forever.

I headed straight to our room.

Papasok na ako at kitang-kita ko sila Blossom at ang baest ko na maraming dinadala. Some were cards, chocolates, and stuff toys. Oh and Alexa too. Maraming chocolates at rose ang nakapatong sa desk niya. Hindi naman rin nakakagulat ang bagay na iyon sapagkat maganda naman talaga si Alexa kahit na may pagkaboyish siya.

Mabuti pa sila. Ngumiti ako ng hilaw.

"Hi guys. Good morning." I greeted.

Nakita kong nakabusangot ang mukha ni Zera.

"Napano ka Zera?" I asked.

"Eh kasi naman eh. Kita nilang bakla ako pinagpipilitan pa rin nung mga girl na yun na pwedi kami as in no way!! Over my hot dead body."  Nandidiri na sabi ni Zera habang nakatingin sa mga cards at chocolates niya sa upuan.

"Kasi naman Zera, nagpakabakla ka pa eh sayang yung kagwapohan mo. Hindi mo ba yun alam?" Blossom said.

"Excuse me Blossom, MAGANDA. Hindi gwapo kundi MA-GAN-DA. Hay naku nakakastress kayo."  Sabi ni Zera habang umaakto na parang hihimatayin.

"Ewan namin sayo Zera. Hindi ka na yata talaga magbabago." Sabi ni Alexa.

"Kung makapagsalita ka naman Lex ha? Parang hindi ka rin naman tinamaan sa sinabi mo." Mapang-asar na sabi ni Zera.

"Tse! Ipakain ko kaya sayo tong mga natanggap ko, nang sa ganun tumahimik ka na."Banta ni Alexa.

"Eto namang  si Alexa hindi mabiro. Nagbibiro lang kaya ako." Takot na sabi ni Zera.

Natawa naman kaming lahat kay Zera.

"Alam niyo guys. Hindi dapat kayo magalit. Dapat pa nga eh proud pa kayo dahil may nagbibigay sa mga itsura niyong yan. Well, hindi na ako magugulat na marami akong natanggap. No one could resist my charm." Mayabang na sabi ni Axl.

"Mahiya ka nga sa mga pinagsasabi mo Axl. Bigwasan kita eh." Nakakatakot na sabi ni Xenon.

"Stop it guys. Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa." Natatawang sabi ko.

"Ewan ko sayo baest. Anyway hindi mo ba kasama si Zen?" Kaile asked.

Ngayon ko lang rin napansin. Asan si Zen?

"I don't know. Ngayon ko nga lang rin napansin na wala siya eh. Hindi pa ba kayo nagkikita?" I asked.

"Hindi eh." Blossom said.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagdaan ang buong araw na wala akong nakitang Zen ni anino niya hindi ko mahagilap. It's strange. Hindi rin nagpakita si Evo sa akin ngayong araw na ito.

Iniisip ko kung saan kaya pweding nagpunta si Zen nang bigla may sumulpot na nerd sa harapan ko.
Not the nerd I saw on TV or read in the books. Ayos naman yung porma niya. Nagmumukha lang siyang nerd dahil sa malaki niyang salamin at malaki niyang bag. The rest is okay naman siya.

"A-ahh. Ch-chloe, p-para s-sayo."

He handed me a card, chocolates and a human size teddy bear.

"T-thank you?" I awkwardly said.

Secret FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon