Chapter 9: Dream

13 2 2
                                    

Amoy na amoy ko yung perfume niya. Nakakaadik gaya ng kay Zen.

Really Chloe? Zen na naman.

Nanatili kami sa ganung posisyon for 1 minute.

I still can't believe this is happening. Anong nakain nito?

Hindi naglaon ay unti-unti na niya akong pinakawalan. Habang ako tulala pa rin.

"Phew. Sana tigilan na ako nun. Sa nakita ba naman niya?" Sabi ni Evo na parang na nabunutan ng tinik.

Anong pinagsasabi nito?

Tinulak ko siya.

"Anong pinagsasabi mo ha? At bakit bigla-bigla ka nalang nangyayakap? Baliw ka ba?" Inis na sabi ko.

"Oh, dumaan kasi si Bell yung taga section purple? Obsess kasi sa akin yun at saka stalker ko yun. Kaya para matigil siya ay pinakita ko sa kanya na may nagugustuhan akong iba kaya niyakap kita. But wag ka mag-assume, di kita gusto." He smirked.

Ugh! Nakakainis siya. Kala mo kung sino. Marahas kung pinulot yung notebooks ko na nahulog kanina. Tumayo ako at...

*Pak!*

"Serves you right, JERK!"

At dali-dali akong umalis at iniwan siyang nakatayo dun. Well, sinampal ko lang naman siya. Suits him, duh?

Teka nga lang? Bakit ba ako nagagalit? Ewan ko pero napaisip ako dun.

Ah! Well, niyakap lang naman kasi niya ako ng walang permiso at kahit humingi pa siya ng permiso ay di ko siya papayagan. Tama! Yun yung dahilan kung bakit ako nag-aalburuto.

Di naglaon ay narating ko na rin ang parking lot.

"Manong! Tara na po!" Sigaw ko kay manong. Wala eh. Wala ako sa mood.

"Sige po ma'am." Sabi ni Manong Driver.

Sumakay na ako sa sasakyan namin.

>>After 10 minutes.

Lumabas na ako ng sasakyan at dali-dali tinahak ang daan patungo sa room ko.

"Good evening ma'am." Bati ng mga kasambahay sa akin. If you don't know mag-isa lang akong nakatira sa bahay namin. Kasi yung dad at mom ko eh nasa states inaasikaso yung company namin. Only child lang din pala ako.

Hindi na ako ngumiti sa kanila kasi bad mood nga ako.

Dali-dali kong binuksan ang pintuan ko at pabagsak itong sinira. Tinapon ko ang bag ko sa gilid ng study table at inilapag ang notebooks ko sa study table.

Agad akong nagbihis ng pantulog. Pabagsak akong humiga sa kama ko. Humiga ako ng maayos at nagmuni-muni. Hmmnn? Anong oras na ba?

6:00 pm? Makatulog na nga lang muna at mamaya na ako magdidinner.

Unti-unting bumagsak ang talukap ng mga mata ko hanggang sa nakaidlip na nga ako.

.

.

.

.

.

.

.

.

May nakikita akong umiiyak na batang babae, binubully siya ng mga kaklase niya.

"Wahahaha! Pangit! Pandak!" Sabi nung batang mataba.

"Hahahahaha tingnan mo siya oh! Umiiyak! Hahahaha ang weak mo. Weak!" Tukso pa nung isa.

"Hahaha nyenyenyenye! Bleehhhh!!"

Kawawa naman yung bata pinagtutulungan siya. Sinubukan kong tulungan siya pero hindi ko sila mahawakan ni hindi nga siguro ako nakikita nila eh.

Hanggang sa may dumating na batang lalaki.

"Hey stop it! Lubayan niyo siya kung di malilintikan kayo sa akin!" Sabi nung batang lalaki. Wait lang.

ZA is that you?
Eh kung si ZA yun? Ako yung batang babae...

"Are you okay little miss?" Tanong ni ZA.

"Yes. Thank you." Sabi ng maliit na ako. I think 5 years old pa lang ako dito.

"Can you be my friend?" Tanong ni Za sa maliit na ako.

"Yes! I would like to!" Masayang sabi ng maliit na ako.

"Hmmnn, what about best friends?" Masayang sabi ni ZA.

"Hmmnn." Nag-iisip pa yung batang ako. Ang cute lang.

"I would love to! By the way I'm Chloe Sky Villair. How about you, what's your name?"

"Oh, that's good! I'm-------












*Ringggg* *Ringggg*


A/N

Ano guys? Nabitin ba kayo? Well abangan nalang sa next chapter kung anong nangyari xD Sana ay nagustuhan niyo ang chapter na ito? Sinong gusto niyo para kay Chloe, si Zen o si Evo? Feel free to comment and vote. Till next update ^_^

<33 Cya

Secret FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon