Chapter 14: Unexpected Valentines Part 2

14 1 0
                                    

My best friend?"  He finally said.

Did I heard it right? He wants me to be his best friend. Pero bakit ganito. Bakit hindi ako masaya? I'm supposed to be happy because finally after a very long time of waiting, he also wants me to be his best friend. But why? Why do I have this feeling of disappointment? This is not right. I definitely shouldn't feel this kind of feeling.
I smiled to him even though I'm feeling a little bit weird.

"Please say you will.." He said with hope in his eyes and I couldn't do anything but to say...

"Yes Zen. Why not right? It's my pleasure to be your best friend. So why would I turn down your offer?"  I said as his face brightened.

He suddenly hug me which made me stiffened.

*Dug dug* *Dug dug*

" Thank you Sky. Promise you won't regret this." He said.

"I hope so Zen. I hope so.." I whispered to the air.

***

"Hatid na kita Sky." Alok ni Zen sa akin.

"Uh wag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa." Sabi ko nalang sa kanya.
Pero mapilit siya eh. Kesyo daw ang dami kong dala baka di ko daw kayanin kasi ang liit-liit ko daw. Kaya ko naman ang sarili ko ah kung wala lang tong human size na teddy bear na kasalukuyang binibitbit niya. Ang cute niya nga eh. Pauwi na kami nang bigla na lang tumunog yung cellphone niya.

*Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move*

The man who can't be move? Bakit naman ganun yung ringtone niya? Baka nagkataon lang I guess?

"Hello?" Sabi ni Zen sa kabilang linya.

"Yes manang, bakit po? Ah sige po  papunta na po ako diyan." He ended the call.

"May problema ba sa inyo?" Tinanong ko kaagad si Zen.

"Oo eh. Sorry Sky ha? Di na kita mahahatid ng tuluyan. Nagwawala kasi si mommy sa bahay. Death anniversary kasi ng daddy ko ngayong araw na to. Di niya pa rin matanggap na wala na si Daddy."

I saw a hint of sadness in his eyes. Masakit siguro mawalan ng mahal sa buhay. Tsk tsk ano ba tong tinatanong ko. I should've known better. Naranasan ko na yang feeling na yan eh. Masakit, sobrang masakit.

"Sabi ko naman sayong kaya ko na pauwi. Nagpumilit ka pa, death anniversary pala ng papa mo ngayon. You're supposed to be on her side not in my side idiot." Sabi ko sa kanya kahit na taliwas ang sinasabi nitong puso ko.

"Grabe ka ah. Di mo naman ako kailangan tawaging idiot. Oo na kasalanan ko na. Eto na nga oh uuwi na." May patampo-tampo pa siyang nalalaman.

"Gusto mong sapakin kita? Ang oa mo ha?" Pagbabanta ko sa kanya.

"Eto naman, nagbibiro lang sineryoso mo naman kaagad. Oo nga pala, paano ka maglalakad bitbit itong teddy bear na to?" Tanong niya sa akin. Oo nga no? Paano ko kaya dadalhin yan? Di bale na kakayanin ko nalang.

"Sus! Wala ka namang tiwala sa akin eh. Kayang-kaya ko yan." Sabi ko nalang sa kanya.

"Sabi mo yan ah." Sabi niya at saka inabot sa akin yung human size na teddy bear.

"Oo kaya umuwi ka na. Shoo!" I gestured my hand as if I'm shooing a dog.

"I'm not a dog. Sige na uuwi na ako. Goodbye Sky! Thank you for this day. Ingat ka pauwi." He said as we part ways. I waved my hands in return.

Secret FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon