Chapter 15: Stronger than Ever!

6 0 0
                                    

Time flew so fast and it's already March 29, our recognition day. 
Abalang-abala ang lahat sa paghahanda sa program na mangyayari mamayang ala una.  And it is one hour to go.  Yes, it's still 12 noon and hindi pa ako kumakain. T.T
Naproprotesta na yung mga alaga ko sa tiyan ko. Tumutulong din kasi ako sa pagdedecorate ng stage kaya hindi ko napansing 12 na pala. Makapagpaalam na nga lang at talagang gutom na gutom na ako.

"Uy Cherry!  Kain muna ako ha, gutom na rin kasi ako eh. " Pagpapaalam ko Kay Cherry ang overall president ng level namin.

"Sige Chloe. Walang problema yan. Malapit na rin naman kaming matapos kaya kaya na namin to. Mauna ka na at baka mapano ka pa namumutla ka na oh."  Nag-aalalang sabi ni Cherry.

I nodded in response. 

Hindi ko alam na namumutla na pala ako. Naglakad na ako patungong gate when I suddenly felt dizzy. Munting pa nga akong matumba mabuti na lang at may nakasalo sa akin.  To my surprised it was someone I never expected.

It was Evo.

"E-Evo? Uhm t-thank you. " Sabi ko ng walong halong mga pang-aasar wala rin kasi akong panahon sa mga ganyan ngayon.

"Geez. I know you are weakling but don't make yourself fragile." He said in a serious tone.

Hindi ko alam kong maaasar ako o mato-touch sa sinabi niya but I can see worries behind his eyes.

What exactly are you feeling Evo?

"I'm fine. No need to tell me that I'm fragile." Iniwas ko ang tingin mula sa kanya because I know deep inside that I'm not. Totally not.

"Fine? Sa lagay na yan. Fine pala ha. Halika nga. "

Tanging sabi niya at hinila na niya ako sa kung saan hanggang makarating kami sa isang restaurant. Pinaupo niya ako sa isang table at biglang umalis.

"Ano to?  Pagkatapos niya akong hila-hilahin, iiwanan niya na lang ako ng ganun-ganon na lang? " Pabulong na sabi ko.

"Hindi kita iniwan may inasikaso lang ako. Wag kang  nakabusangot diyan." Hindi ko namalayang nandiyan na pala siya.

Tumahimik na lang ako wala rin talaga kasi akong ganang makipagbangayan. Hindi nagtagal at dumating na rin ang mga pagkain na inorder niya siguro. Tiningnan ko lang lahat ng pagkain na pwede ng pang-apat na tao.

"What are you waiting? Are going to stare at the foods all day? " Asar na sabi niya.

Tsk. Kung di lang talaga ako gutom eh nasapak ko na to.

"Para kanino yan? " Takang tanong ko baka hindi pala iyan para sa akin. Mapasubo pa ako.

"Tsk.  Bird brain, of course it's for you!"

Okay na sana eh kung wala lang talaga yung tsk niya at bird brain. Sinong bird brain? Bird brain ba ang tawag sa taong top 2 overall?  Well that's another story to tell. Makakain na nga lang.  Akmang susubo na sana ako ng bigla siyang nagsalita na talagang ikinanganga ko.

"Ubusin mo lahat. Dapat walang matitira. "

Based on his tone his dead serious.

"H-ha?  S-seryoso? "

Waaahhh di ko kaya to.  Help me Huhu.

"Do I look like I'm joking? " Seryosong sabi niya.

Hindi na ako nagsalita at kumain na lang.

Lumipas ang ilang minuto at it's quarter to one.  Hindi ko pa rin nauubos ang lahat ng pagkain. Nakakalahati pa nga lang ako eh.  Alam kong gutom ako pero sobra na yata to no! 

Secret FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon