Chapter 14

8.8K 197 12
                                    

Bea's POV

Nasa biyahe na kami pabalik ng dorm.

Lasing na lasing si Ann. Halata naman kasi tulog na tulog siya.

Nakatingin ako sa kanya. Ang daming pumapasok sa isip ko. Ann, bakit mo ko hinalikan? Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung dampi ng labi niya sa labi ko. Macoconsider ba to as cheat? Di ko naman ginusto yung nangyari eh. Dapat ba akong magalit kay Ann? Hay.

Maya maya ay nakarating na rin kami sa dorm. Ang galing ah, kahit lasing si Ate Ana nakauwi pa kami ng ligtas at matiwasay. Haha.

"Oh. Beatriz, ikaw na maghatid kay Ann sa kwarto. Inaantok na kami ni Mich. Bye! Goodnight, sleep well." sabi ni ate Ana sakin.

Di naman na ko nagreklamo kasi kaibigan ko naman to si Ann.

Hindi na kaya maglakad ni Ann kaya binuhat ko na siya. Yung buhat pang kasal. Imagine niyo na lang. Haha.

Pagdating ko sa harap ng kwarto nila

"Shet bakit nakalock." Bulong ko. Kumatok ako pero walang nagbubukas baka mahimbing na tulog nila kaya sa kwarto ko na lang. Dun muna siya sa kama ni Jho.

Hiniga ko siya sa kama at naalimpungatan yata dahil na iinitan. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng maligamgam na tubig at towel para punasan siya.

Pero nung pagbalik ko...

"SHET!" Nagulay ako kasi pagkabalik ko ay shirtless na siya. Nakabra na lang siya.

"Ann, gumising ka nga." ginigising ko siya para magdamit. Kumuha muna ako sa cabinet ko para pahiramin siya ng damit. Wala na kong makitang damit dahil nasa labahan na yung iba kong mga damit kaya yung jersey ko na lang sa poveda yung ipapahiram ko sa kanya.

"Hmmm. Ano ba. Matulog ka na nga" paingit niyang sinabi.

Hay. Ako na nga magsusuot nito sayo. Sama sama pa kasi di naman pala kaya.

Ito na naman ako, napatitig sa kanya. "Ann, bakit mo ba ako hinalikan?" Nang hindi ko mapansin na nasa pintuan pala si Deanna!

"What Ate Bea?!! Hinalikan ka ni Ann?!!!" Nagulat si Deanna sa narinig niya kaya ganon siyang magtanong.

"Deanna! Pls! Don't tell this to anyone! Hayaan mo akong magsabi sa kanila lalo na kay Jho. Pls?" Pagmamakaawa ko kay Deanna

"No!! You're cheating kay Ate Jho! How dare you?! Dapat malaman agad to ni Ate Jho!" Galit na sinabi sakin ni Deanna

Umalis agad siya at pumunta sa kwarto niya at lock ang pinto. Kinatok ko ng kinatok si Deanna.

Deanna's POV

Mga walanghiya! Lalo na si Ate Bea, niloloko niya si Ate Jho!

tatawagan ko na si Ate Jho.

Calling Ate Jho...

Me: ate Jho!

J: oh bakit ganyan tono mo? Anong problema?

M: nasan ka?

J: pauwi na ko kami ng lola ko galing kaming restaurant. Malapit na kami. Nasan si Bea?

M: Sige. Call me when you get home! I have something to tell you! Gosh!

J: bakit may maingay? May pumupukpok?

M: yup. It's ate Bea.

J: sige, nandito na kami. Teka lang, aakyat muna ako. Wag mo ibaba ah.

After 10 mins

J: okay na Deanna

M: ate Jho, galing sila Bea and Ann sa club. Lasing sila pareho. At narinig ko mismo kay Ate Bea na hinalikan raw siya ni ate Ann!

Long Distance Relationship (JHOBEA) (COMPLETED)Where stories live. Discover now