Chapter 29

7.5K 196 15
                                    

Bea's POV

Habang nanonood kami ay nakatulog na si Jho.

Agad ko namang sinamantala ang pagkakataon habang natutulog si Jho para makapagplano kami ni Deanna.

Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sakin ni Jho para makalabas kami ni Deanna at doon mag usap. Di namin maisasama si Ann kasi baka magising si Jho ng walang kasama at baka magtaka kaya.

"Deanna, tara lumabas muna tayo baka magising si Jho, baka marinig niya to." Pabulong kong sinabi kay Deanna.

"Tara! Starbucks!" Pag aaya niya naman.

Pumayag na lang ako para makaalis na kami agad.

Nang makarating na kami doon ay umorder na kami at umupo.

"Tulungan mo kong magplano. Gusto sa natitirang pitong araw namin ni Jho ay maging masaya. " sabi ko kay Deanna

"So, 7 days kailangan may 7 na plano rin tayo?" Tanong naman ni Deanna.

"Yes."

Nang biglang napatitig sakin si Deanna kaya naman nagtaka ako.

"Oh. Bakit? May dumi ba ako sa mukha Deans?" Hinawak hawakan ko ang mukha kasi titig na titig talaga siya sakin na parang ang lalim rin ng iniisip.

"Dadda, bakit mo pa to ginagawa kung pwede namang umalis na agad tayo para matapos na agad yung sakit." seryosong sabi sakin ni Deanna

"Oo, naisip na ko na rin. Pero gusto ko muna pasayahin si Jhoana for the last time kasi di ko alam kung may chance pa bang mangyari to ulit." Pagkatapos kong sabihin yon ay napayuko ako.

"Chin up da! Wala kang dapar ikayuko dyan. Okay, I will help you na mag isip. Hmm. What if kung mamasyal muna kayong dalawa bukas? I mean yung kayong dalawa lang then kami ni Ann magstay na lang sa hotel. :)"

Pwede rin. Di pa kasi kami nakakaalis ng kaming dalawa lang. Yung walang ibang iniisip kundi yung kaming dalawa kang.

"Sige. Nice idea! Itatype ko na sa notes ko. Mamaya ko na lang itatransfer sa paper. Eh sa second day, anong gagawin natin?"

"Let's hangout! Let's go to club! Hahaha." Mukhang gustong gustong pumunta don ni Deanna kasi yung mukha niya parang batang nag aaya lang na kumain sa jollibee.

"Sa club talaga? Di pwedeng magdinner na lang?" tanong ang kanang kilay ko habang tinatanong siya

"Hmm. Pwede naman gawin yon sa isang araw. Kumain tayo ng dinner then after non, party party" pinupush talaga ni Deanna kaya sige, papayag na ko.

"Sige na nga. halatang gustong gusto mong gumimik eh." Natatawa kong sinabi.

"Oh, sa day 3, anuna?" Tanong ko sa kanya.

"Magpicnic tayo then overnight. I mean magdala tayo ng tent tapos doon na tayo matulog. Mas maganda kung sa open na lugar. Yung makikita natin yung mga stars, yung buwan ang magbibigay ng liwanag satin, at hangin ang magbubugaw ng mga lamok na magtatangkang kagatin tayo. Haha. Nakakatawa yung last dadda, pero totoo yon."

May point si Deanna don ah. HAHAHA. Ang sweet nung naisip niya.

Nang biglang may nagtext.

" nako. Hinahanap na tayo ni Jho deans. Tara na, dun mo na lang ubusin yan."

Tinatanong na kasi ni Jho nasaan na raw ba kami.

Pagdating namin ng kwarto ay sinalubong ako ng yakap ni Jho.

"Akala ko iniwan mo na ako eh. :( next time, magpaalam ka kapag aalis ka ng tulog ako. Gisingin mo ako okay?" Sinabi niya yon habang nakasiya sya sakin.

Yun pa naman balak ko. Magkasama kaming matutulog sa last day namin dito at kinabukasan ay aalis na kami nila Deanna ng hindi magpapaalam kay Jho.

"I'm sorry. bumili lang naman kami ng frappe ni Deanna. Di naman kita iiwan eh." Hinalikan ko siya sa noo.

"Ehem! Ehem! Buti pa si dadda, may sumalubong na hug sa kanya samantalang sakin, wala. Ehem ehem! Makiramdam! Ehem!" Pagpaparinig ni Deanna kay Ann. Hahaha.

"Nagpaalam ka naman sakin kaya no worries and kasama mo naman si da pero sige, ihuhug na kita." Sabi ni Ann

Nasa kama si Ann noon at tumalon siya pagbaba ng kama pero di niya napansin na nalaglag pala yung unan kaya pagtalon ni Ann ay nagland siya sa unan kaya nadulas at dirediretso kay Deanna at di sa inaasahang pagkakataon ay nahalikan ni Ann si Deanna sa lips noong pagkasalo sa kanya ni Deanna.

Nanlaki ang mata naming dalawa ni Jho at pati na rin yung dalawa.

Pero di nila muna inalis ang pagkakalapat ng mga labi nila bagkus ay pumikit sila para madama nila ng lubusan ang labi ng isa't isa.

Napangiti naman kami ni Jhoana.

Makalipas ang ilang segundo ay dahang dahang inilayo ni Deanna ang labi niya kay Ann.

Lumuhod si deanna sa harap ni Ann at nagsalita:

"Ann, i know biglaan to. Actually, hindi talaga dapat to ngayon pero mukhang ito na yung ibinigay ni Lord na time para tanungin kita kung maaari na ba kitang maging girlfriend? Can you be my girlfriend Ann? Promise, di ka magreregret kapag sinagot mo ako ng oo. Pagsisilbihan kita, ituturing kitang prinsesa ko. Pls, Ann? Allow me to do that to you. I love you so much." Nakangiti si Ann habang sinasabi niya ito pero mukhang naluluha siya. Parang nagpropose na nga siya eh. Hahaha.

"Ang sweet mo talaga. Thank you sa pagtiyatiyaga mong ligawan ako, thank you sa mga efforts mo. Thank you sa pagpapasaya sakin every single day. Thank you for everything. This time, ako naman ang ang magsisilbi sayo, this time, mas papasayahin kita, and this time, mas lalo ko nang ipapadama sayo kung gaano kita kamahal. So, yes deanna, from now on, we're in a relatioship na.  I am your girlfriend na. I love you too."

Tumayo naman si Deanna nung narinig niya yon at niyakap ng mahigpit si Ann. Hindi na napigilan ni Deanna ang luha niya kaya tumulo na ito habang may ngiti sa kanya mga labi.

"Hoy! Sama niyo naman kami sa yakapan niyo no." Sumingit naman sa usapan si Jho.

Napatingin naman ako sa kanya ngumiti.

"Ay. Sorry, tara group hug!!!" Sigaw naman ni Ann.

Masaya ako para sa kanilang dalawa. Uuwi silang masaya samantalang ako uuwi ako ng sawi. Haha. Well, that's life. Magiging masaya na lang ako para sa dalawang to.

Pagkatapos nung moment na yon ay humiga na kami.

As usual, yumakap sakin si Jho habang nakahiga kami.

nang biglang pumasok sa isip ko si Rex.

Pano kaya kung mag asawa na sila? Baka mamaya saktan lang ni Rex to si jho. Baka mamaya kapag napikon siya kay Jho ay saktan niya. Pag nangyari yon, pupunta talaga ako dito para lang sapakin yang Rex yan.

Sana matutong mahalin ni Jho si Rex. Sana maging okay sila para sa mga magiging anak nila.

Hay bakit ba ako ganito? Sinasaktan ko sarili ko. Bahala na nga.

-------------------------

Leave your comments guys! Thank you! :)

Long Distance Relationship (JHOBEA) (COMPLETED)Where stories live. Discover now