Chapter 32

7K 182 18
                                    

Bea's POV

Nakarating na kami sa harap ng bahay nila.

"Babe, nandito na tayo sa inyo. Gising ka na." Mahinahon kong paggising ka sa kanya.

Gumising naman siya at nagkusot ng mata.

Pababa na sana ako ng bigla niya akong pigilan.

"Oh. Bakit babe?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hmm. May sasabihin kasi ako sayo." Seryosong sabi niya sakin.

Nacurious ako kasi parang seryoso yung sasabihin niya sakin.

Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.

"Ano yon?" Tanong ko sa kanya

"May narinig kasi ako kila.." naputol ang pagsasalita niya ng biglang may tumutok saming kotse kaya nasilaw kami pareho.

"Ang bastos naman. Tangina." Habang nakasalag ang kamay ko para di ako masyadong masilaw.

May bumabang lalaki mula don sa kotse. Naglakad siya papunta sa kotse na sinasakyan namin ni Jhoana.

Kumatok siya kaya naman binuksan ko ang bintana.

"Sino ka?" Mayabang tanong niya sakin.

Di ko rin naman siya kilala pero mukhang kilala yata siya ni Jhoana.

"Uy Rex, ikaw pala yan" biglang singit ni Jho.

Ahhh. Siya pala si Rex. Okay, maangas nga siya. Palagay lagay pa ng bandana sa ulo kala mo kinagwapo niya. Feeling cool amp!

"Ay Jho, nandyan ka pala. Sino tong kasama mo? Pakisabi naman sa kanya na umalis siya sa daanan. Di ako makapasok sa loob oh. Laking harang eh."

Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang siya umalis.

Napakayabang nga. Pano ko ipagkakatiwala si Jho sa ganong tao?

Napabuntong hininga na lang ako kahit pikon na pikon na ako at gusto ko siyang babain para hamunin ng suntukan kaso naalala kong nandito lang pala ako sa harap ng bahay nila Jho. Baka sabihin pa ng pamilya ni Jho na ako pa ang mayabang at basag ulo.

"Sige na babe. Mauuna na ako. Papasok na ako. Mag ingat ka sa pagmamaneho ah. Wag mo ng isipin si Rex. Ako ng bahala don." Sabi niya sakin.

Magsasalita na sana ako ng biglang may narinig akong kalabog.

Lumabas ako at ayun, sinipa pala ni Rex yung minamaneho kong kotse.

Nainis na ako ng husto kaya nasigawan ko siya.

"Ano bang problema mo ha?! Bakit ba napakayabang mo?!" Paninita ko sa kanya

"Ikaw ang problema ko. Ang tagal mong umalis naiinip na ko. Sinipa ko yung bulok mong kotse baka kasi nakatulog ka na eh. Don't worry, ipapagawa ko na lang or kung gusto mo palitan ko na lang. Yung mas maganda pa dyan." Mahinahon niya sinabi sakin pero alam kong pang iinsulto yung ganong tono.

Tss! Baka pag nakita niya ang buhay ko sa Pilipinas at makita niya ang mga kotse ko don baka manliit siya at malaman niyang mahirap pa siya. Pero di ko na papatulan to. Mas disiplinado pa rin talaga ang mga taong laki sa Pilipinas.

"No. Di ko kailangan ng paki mo. Siguro kulang ka lang sa pansin o kaya di ka pinalaki ng maayos ng magulang mo kaya ganyan ka umasta. Tss. Get a life bro!" Pagkasabi ko non ay pumasok na ako at nagpaalam kay Jho.

"Sige na. Pumasok ka na. Bukas na lang ulit tayo magkita." Pagkasabi ko non ay hinalikan ko siya sa noo.

Nang makalabas na siya ay hinarurot ko ang kotse paalis.

Naiinis ako. Hindi sa ibang tao kundi sa sarili ko mismo. Bakit ko hahayaang mapunta si Jho sa ganong tao? Sa ganon pala nakita ko na agad yung pagiging gago niya. Dapat na ba ang akong umurong sa deal namin ng parents niya at ipaglaban si Jho?

Nakabalik na ako sa hotel at humiga agad. Nag isip ako kung ano ba talagang dapat gawin? Magpaubaya o ipaglaban?

Hindi ko alam pero bigla na lang ako nabuhayan at pumunta ulit sa kotse para pumunta at bumalik kila Jhoana.

Di ko alam kung tama ba tong gagawin ko. Pero isa lang ang alam ko, ito talaga ang mas makakabuti kay Jho. Mali yung thinking ko na mas makakabuti kay Jho na ipakasal siya kay Rex dahil hindi naman talaga para kay Jhoana yon kundi para sa pamilya niya. Pwede naman akong tumulong financially. Kaya makukuha pa rin namin ang bahay nila kahit di siya magpakasal don.

Di ko na napapansin na bumibilis na pala ang pagpapatakbo ko ng kotse. Kaya naman ay tumigil ako saglit para huminga ng malalim at kumalma.

"Kalma Bea, Kalma. Hinay hinay sa pagmamaneho at baka maaksidente ka pa baka di mo pa masabi kay Jho ang dapat mong sabihin" sabi ko sa sarili ko

Maayos akong nakarating sa harap ng bahay nila Jho.

Nagdodoorbell ako pero walang nagbubukas. Sigaw ako ng sigaw.

"Jho!!!!"

"Jhoana!!!"

bigla namang may nagbukas ng gate.

Lola ni Jho ang nagbukas.

"Ano ba? Gabi na nanggugulo ka pa. Iniistorbo mo kami." Paninita sakin ng lola niya habang nakapamewang

"Nasan ho si Jhoana?" Malumanay ko pang tanong.

"bakit ba ha? Magkasama na kayo buong araw ha? Ano bang nangyayari sayo?!" Paninigaw sakin ng lola niya.

"Bakit ho ba ayaw pang ipaalam kay Jho ang plano niyo?" Napagtataasan ko na rin ng boses ang lola niya dahil napupuno na ko.

Mukhang narinig yata nila Jho ang pagtatalo namin kaya lumabas sila.

"Bea, bakit ka bumalik? Akala ko ba umuwi ka na?" Nagtatakang tanong sakin ni Jho.

"Jho, may gusto sana akong sabihin sayo.." naputol ang pagsasalita ko dahil umepal na naman tong walang modong Rex na to!

"Hoy, ikaw! Di kita kinakausap kaya manahimik ka dyan!" Dinuro ko si Rex dahil pikon na pikon na talaga ako.

"Teka nga! Sumusobra ka na Bea ah. Naiinsecure ka ba kay Rex dahil si Rex ang pakakasalan ni Jho ha?" Noong narinig ni Jho yon ang kumunot ang noo niya at nagulat siya.

"Ha?" Nagtatakang tanong ni Jho

"Oo, Jhoana. Magpapakasal kayo ni Rex. Wala ka ng magagawa kundi sumunod dahil kung hindi mawawala satin tong ipinundar namin ng lolo mo. Konsensya mo na yon kung magtatangka ka pang tumakas samin." Pananakot ng lola niya.

"At pumayag ka na rin naman Bea diba? Pinagplaplanuha mo na nga ang natitirang pitong araw sa inyo ni Jhoana diba? So meaning na pumapayag ka ng makipaghiwalay ka Jhoana." Dagdag pa ng lola niya

Gulong gulo pa rin si Jho ngayon pero mas naguluhan sya don sa huling sinabi sa kanya ng lola niya na pumayag ako.

"Beatriz?" Tanong sakin ni Jho.

Malapit  na akong sumabog kaya panigurado kapag umepal pa tong Rex na to, masasakapak ko na to.

Magsasalita na sana ako ng biglang sumingit na naman tong tukmol na to

"So, back off Beatriz. Shu!" Sabay hawak sa kamay ni Jho na mas lalong nag udyok sakin para sapakin si Rex.

Pagkasuntok ko kay Rex ay napaupo siya kaya  agad kong hinatak si Jho papunta sa sasakyan at hinarurot ko ito.

-------------------
Hala, nagalit na si Beatriz. Mukhang handa ng lumaban si Beatriz para sa pagmamahal niya kay Jho. Hanggang saan kaya ang makakaya upang ipaglaban ang pagmamahalan nila?

Leave your comments guys!

Thanks for reading!

Long Distance Relationship (JHOBEA) (COMPLETED)Where stories live. Discover now