Bea's POV
Nakabili na ako ng ring na pinapabili ni kuya.
Pagbalik ko ng condo ay naabutan kong nag aayos si Ann.
"Ann, may date kayo ni Deanna? Iiwan niyo na naman ako dito?" Pagdadrama ko.
"Drama 'da ah! Kung gusto mo sunod ka na lang. Mauuna na kami." sabi naman ni Ann.
"Saan ba kayo? Text niyo na lang address, susunod ako. Maliligo muna ako."
Nang makaalis na sila ay naligo na rin ako.
Jho's POV
Tss. Akala ko naman kung anong sasabihin nila. Gusto lang pala makita yung singsing.
Nandito ako ngayon sa kotse at nagdadrive papunta sa restaurant na napag usapan namin ni Ann. Di na siya nagpasundo dahil isasama niya na lang daw si Deanna.
Nang nagcolor red ang stop light ay kinuha ko muna ang phone ko nang bigla kong makita ang singsing na dapat ay ibibigay ko kay Bea na pinabili ko pa kay Ged sa Greece.
Kinuha ko ito at tinitigan.
"Sana suot mo na sana itong para sa yo na to." Sabi ko habang nakatingin sa singsing.
"Bakit kaya ganon? Nasa iisang bansa nga lang tayo, kaya naman nating magkita pero gumagawa talaga ng paraan ang tadhana para paglayuin tayo pero this time hindi na to matatawag na LONG DISTANCE RELATIONSHIP, dahil WALA ng TAYO." nakatitig pa rin ako sa singsing kaya hindi ko napansin na nakagreen light na pala kaya pala busina ng busina ang mga nasa likod kong mga sasakyan.
Nang makarating ako sa restaurant ay agad kong nakita si Deanna at Ann.
Nilapitan ko sila ng may ngiti sa aking mga labi dahil sobrang namiss ko talaga sila.
Paglapit ko ay niyakap ko silang dalawa ng mahigpit.
"Namiss ko kayong dalawa!" Sinabi ko habang nakayakap ako sa kanila.
Bumitaw ako sa kanila at umupo na kami.
"Buti na lang naisipan ni Ann naayain ako. After kasi nung mangyari yung samin ni Bea, nahiya na akong makipag-usap sa inyo dahil alam niyo na." Pagpapaliwanag ko sa kanilang dalawa.
"Mi, alam naman naming ayaw niyo pareho ni dadda ang nangyayari ngayon. Halata naman sa mga mata niyo at kilos niyo." Sabi naman ni Ann.
"Sa totoo lang ayoko talaga eh. Mahal ko pa rin si Bea pero siguro ito yung time na kailangan kong isakripisyo ang sarili kong kaligayahan para maisalba ang ari-arian ng pamilya ko."
Sakto namang dumating ang pagkain.
"Oh. Ito na pala yung pagkain. Nag order na kami para pagdating mo, kakain na lang tayo. Tara mi, maghugas muna tayo ng kamay." Aya sakin ni Deanna.
"Mauna na kayong dalawa. Walang magbabantay ng mga gamit dito kapag nagsabay tayong tatlo. Haha." Sagot ko naman
Pumunta na ang dalawa sa cr.
Tumingin tingin ako sa paligid at saktong pagtingin ko sa entrance ay nakita ko na naman si Beatriz.
Kasama ba nila Deanna to? O may imemeet rin siya dito.
Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya at napatingin na rin siya sakin.
Tinignan niya ako ng para bang nagtatanong kung bakit ako nandito.
Lumapit siya sa akin at tinanong ako.
"Oh. Nagkita na naman tayo. Kasama mo na naman yung utak butiki mong fiance no? " sabay nagsmirk siya.
YOU ARE READING
Long Distance Relationship (JHOBEA) (COMPLETED)
FanfictionMay dalawang taong magkarelasyon. ito ay sina Jhoana Louisse at Isabel Beatriz.