Jho's POV
Nandito pa rin ako ngayon kung saan kami nag usap ni Bea.
Nakaupo pa rin ako ako at nakayuko habang lumuluha.
Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kalawakan.
Lord, bakit ganito ang nangyayari? Bakit nagkakasakitan na lang kami.
Teka. Ako naman ang may gawa bakit ko kwekwestyunin ang Diyos. Nahihirapan ako ngayon. Lalo na nung nakita kong nagmamakaawa sa akin si Bea na sabihin kong mahal ko siya.
Hindi na ako babalik sa club sigurado namang ang madadatnan ko lang don ay si Rex habang nakikipaghalikan sa ibang babae.
Siguro nagtataka kayo kung bakit wala akong paki kung makipaghalikan man siya sa ibang babae no? Well, simple lang. Di ko naman talaga siya mahal at di rin naman ako nagpapahalik sa kanya. Ew. Mahirap na baka magka-AIDS pa ko.
Pagkauwi ko ng bahay ay nakita ko ang lola ko.
Nagmano ako.
"Oh. Bakit di mo kasama si Rex?" Nagtatakang tanong nya.
"Masakit po ulo ko. Nauna na po ako sa kanya." Pagpapalusot ko.
Pagtapos naming mag usapcay umakyat na ako sa kwarto ko.
Ganon pa rin, pagkahiga ko ay si Bea na naman ang nasa isip ko.
Di ko na alam yung ginagawa ko. Gusto ko ng makapag isip ng maayos. Gulong gulo na ko.
Bea's POV
Tumakbo ako palayo kay Jhoana nung sinabi niyang hindi na niya ako mahal at pumunta dito kung saan niya ako iniwan ako kahapon.
Bago ako pumunta doon ay dumaan muna ako sa convience store para bumili ulit ng beer."Hindi na kita mahal!" Paulit ulit na nage-echo sa utak ko yung sinabi ni Jho na iyon.
Binuksan ko ang beer at uminom.
Nag umpisa na namang tumulo ang luha ko.
Sa mga oras na to, parang gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa o maging manhid na lang. Di ko kaya yung sakit. Feeling ko madedepress na ko.
Habang nakayuko ako ay may naaninag akong ilaw ng kotse mula sa likod na parang nakatapat sakin. Kaya lumingon ako at nasilaw. Sinalag ko ang liwanag gamit ang kamay ko.
May bumaba sa kotse. Babae. Mahaba ang buhok.
"Jho, ikaw ba yan?" Bulong ko sa sarili ko habang tinitignan kung sino ba tong babaeng to.
"Nandito ka lang pala dadda." Si Deanna pala.
"Pano mo nalamang nandito ako?" Tumayo ako at lumapit sa kanya."Hinahanap kita. Kaya nag ikot ikot ako. Lasing ka na. Umuwi na tayo." Seryosong sabi sakin ni Deanna.
"Bakit ganyan ka? Ang seryoso mo naman. Halika, uminom muna tayo. Nasan si Ann?" Pangungulit ko sa kanya.
"Kasi ganyan ka. Nandon sa hotel, hinihintay ka. Di ako pwedeng uminom dahil ako ang magdadrive." Lumapit siya sakin at hinablot ang kamay ko pero pumalag ako dahil ayoko pang umuwi.
Gusto kong lunurin sa alak ang sarili ko. Gusto kong mawala tong nararamdaman ko. Di ko na kaya eh. :(
"Ano ba! Bitawan mo ko. Kung gusto mong umalis, go! Iwan mo na ako dito. Psh!"
Noong pagkasabi ko non ay hinablot niya ang hawak hawak kong bote ng beer at hinagis.
"Ano ba dadda! Ganyan ka na lang ba? Okay lang na magdrama pero yung lulunurin mo yang sarili mo sa alak, mali yan! Alalahanin mo namang hindi lang si ate Jho ang nagmamahal sakin. Nandito kami oh. Di porket natapos na kayo, tatapusin mo na rin ang buhay mo. Tandaan mo, nabuhay ka ng wala si ate Jho. Kaya wag mong sabihin o isipin na di mo kayang mabuhay ng wala siya. Sana bukas, wag ka ng ganito. I mean maiintindahan naming malungkot ka ngayon pero wag mo lunurin ang sarili mo don. Maglibang ka. Wag mong ibaling ang atensyon sa mga bagay na mas makapagpapaalala sayo kay Ate Jho. Nandito kami ni Ann, ng family mo, ng teammates mo. Nandito kami para tulungan ka para malagpasan mo yan. Kaya halika na, umuwi na tayo at magpahinga ka para bukas masimulan na natin ang pagsasaya."
Noong marinig ko ang sinabing iyon ni Deanna ay natauhan ako. Oo nga, bakit nagiging selfish ako. Di ko na iniisip ang mga taong nag aalala sakin ngayon. Masyado na akong nagpakain sa lungkot at sakit na mas lalo lang nakasama sakin. Sabi ako ng sabi na gusto ko ng matapos to pero ako mismo ang gumagawa ng paraan para mas lalo ko siyang maalala.
Siguro nga tama si Deanna na ayusin ko na ang sarili ko. Kailangan ko ng magmove on. Kailangan ko ng magmove forward para sa sarili ko at para sa kanila.
"I'm sorry Deanna. Di ko na napapansin na masyado na pala akong nagiging selfish. Hindi ko na naiisip ang nararamdaman niyo dahil pinag aalala ko kayo. Iniisip ko lang ang sarili, ang nararamdaman ko. Di ko inisip na may ibang tao pa palang katulad niyo ang nagmamahal sakin ng sobra. I'm sorry." Niyakap ko siya at di ko na naman napigilang umiyak dahil sa guilty.
"Shh. Oh tara na. Lasing ka na talaga."
Inalalayan niya ako at isinakay sa kotse.
Nang makarating kami sa hotel ay inakay niya ako papuntang room namin dahil di ko na kaya at hilong hilo na ako.
"Oh. Saan ka galing dadda? Kanina pa kami nag aalala sayo. Deanna, ihiga mo siya na siya dito. Kukuha lang ako maligamgam na tubig at alcohol at bimpo." sabi ni Ann.
Hiniga ako ni Deanna at tinanggal niya ang sapatos ko.
Naramdamab kong pinupunasan na ako ni Ann. Pero si Jhoana ang naiisip ko na gumagawa sakin nito.
"Jho.." bulong ko.
At maya maya ay nakatulog na rin ako.
-
Jho's POV
Pagkagising ko ay bumangon agad ako at nag ayos para makababa na. Pagkababa ko ay nakita ko si Rex na nasa dinning area.
At nakaupo siya sa upuan ni Bea...
"Goodmorning Rex." bati ko sa kanya pero siya di niya ako binati. Parang dedma lang.
"Bakit mo ko iniwan kahapon?" Tanong niya sakin habang nakatingin at busy siya sa kinakain niya.
"Sorry, sumakit ulo ko eh." humawak ako sa ulo ko na at hinilot ko ng bahagya para ipakita sa kanyang totoo yon.
"Psh. Oo nga pala, mag ayos ka na pagkatapos mong kumain. Maligo ka. Magdamit at mag ayos ka ng maayos. Bibili tayo ng wedding ring ngayon sabi ng lola mo. Ayusin mo damit mo ah, ayoko ng gusgusin ka. Nakakahiya sa mga nakakakilala sakin."
Pagkasabi niya non ay umalis siya ng walang paalam. Ang bastos diba?
Hay. Pwede bang trangkasuhin na lang ako buong linggo? Ayokong umalis. Ayokong bumili ng wedding ring kasama si REX.
Pagkatapos kong kumain ay sinunod ko ang sinabi ni Rex. Naligo na ako at nag ayos.
Ang isinuot ko ay gray na dress na binigay ni Bea.
Ilang sandali lang ay dumating na rin si Rex.
"Dalian mo. Pumasok ka na sa kotse"
Di niya man lang ako pinagbuksan ng pinto ng kotse. Napaka-ungentleman talaga. Buti pa si Bea.
Nang makarating kami ron ay may nag assist sa amin para maipakita ang mga design ng mga mga singsing.
-------------
Abangan niyo bukas yung next chapter guys. May ganap na naman don.
Thank you pala don sa nagconfess ulit sa Jhobea confessions. Haha. Nagulat at natuwa naman ako ng makita ko yon. :)
Thanks for reading and appreciating my story guys! God bless you all. :)
YOU ARE READING
Long Distance Relationship (JHOBEA) (COMPLETED)
FanfictionMay dalawang taong magkarelasyon. ito ay sina Jhoana Louisse at Isabel Beatriz.