Bea's POV
Pagdating ko don sa room ay agad ako umupo at sumandal.
Nagbuntong hininga muna ako sabay pikit.
Hay Jhoana, miss na miss na kita. I'm sorry kung masyado na akong nagiging harsh sayo pero di mo naman ako masisisi, masyado lang talaga akong kinakain ng galit ko sa nangyari.
Napamulat naman ako ng mata ng marinig kong bumukas na ang pinto at nakita kong si Jho na pala yon.
Umurong ako ng konti para bigyan siya ng space para makaupo.
"Dito ka na lang. Hayaan mo na yung dalawa don." Aya ko sa kanya.
Tatlo ang sofa don. Yung dalawang sofa, pang 4 persons and then isang, pang 1 person lang.
"Dito na lang ako. Okay na ako dito." Refering to the sofa na pang isahan lang.
"Jhoana, dito ka na." Pagmamatigas ko na.
Napilitan naman siya kaya umupo na lang siya sa tabi ko.
"Wait niyo lang yung beer ah. Magsaya tayo ngayon!" Naeexcite namang sabi ni Ann.
Ang lupet naman nitong restaurant na to. Formal sa labas pero pag pumasok ka, may ganitong ganap pala dito.
Maya maya ay dumating na rin ang beer.
Si Deanna ang nagdistribute ng beer.
"Oh. Magsasaya lang tayo ngayon ah. No dramas muna ha?" Nakangiting sabi ni Deanna.
"Sure! Cheers tayo Jho!" Sabi ko kay Jho.
Sinabi ko yon para naman gumaan yung mood sa aming dalawa.
Nakipagcheers naman sakin si Jho pero halata sa ngiti niyang nag aalangan siya.
"Gawin mong komportable ang sarili mo." Pasimpleng bulong ko sa kanya.
Gusto kong maging okay ang lahat kahit ngayong gabi lang. Gusto ko na ulit makausap si Jho na para bang dati lang.
"Deanna, wag na kaya tayo manood? Magpatugtog na lang tayo para mas masaya!" Nakangiting alok ko sa kanila.
Nag agree naman yung dalawa pero si Jho walang reaction. Nakatingin lang siya sa amin.
"Sa tingin mo Jho? Magparty na lang tayo no? :)" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ahh. Oo sige. Kayo bahala." Nakangiting sabi niya.
Gusto kong magsorry sa kanya sa lahat ng nagawa kong masama sa kanya pero hahanap muna ako ng timing para sabihin sa kanya yon.
Makalipas ang ilang kanta ay biglang natapat sa kantang pang slow dance.
Biglang tumugtog ang Can I have This Dance.
Bigla namang nagkatinginan si Ann at Deanna ng may ngiti sa mga labi na para bang nag aayaan silang sumayaw.
Hinawakan ni Deanna si Ann sa bewang at hinawakan ang kamay nito at tinignan nila ang isa't isa na nagpapakita kung gaano sila kainlove. Kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Nang di ko napigilan na tumingin kay Jhoana.
Dapat ko bang ayain siyang sumayaw?
Di ko na namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.
"Bea, okay ka lang? May mali na naman ba akong nagawa?" Nagtataka nyang sagot.
Di ko na siya tinanong at hinatak ko siya para tumayo.
Tinignan ko muna siya for 5 seconds sa mata at nakita ko namang nagtataka siya sa ginagawa ko.
Hindi na ako nagsalita. Agad kong inilagay ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong balikat at inilagay ko naman ang mga kamay ko sa bewang niya.
Hindi ko tinanggal ang pagkatitig ko sa kanya na naging dahilan para yumuko siya. Nacoconcious yata siya.
"Jho, tumingin ka sa mata ko, please? I'm really sorry sa mga nagawa ko. I admit, mahal na mahal pa rin kita. Kahit na anong tanggi ko sa sarili, di ko pa rin mapigilan. Jho, please? Lumaban tayo." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Bigla niya namang tinanggal ang pagkakahawak niya sa balikat ko at kinuha ang gamit niya sabay takbo papalabas.
Natulala ako sa naging reaction niya pero biglang nagsalita si Ann.
"Dadda, what are you waiting for? Habulin mo!!" Natatarantang sabi ni Ann.
Hinabol ko si Jho at naabutan ko siya sa hall way.
"Jhoana! Kausapin mo ko. Alam kong ako pa rin ang mahal mo. Alam kong napipilitan ka lang sa mga nangyayari. Akala ko nag eexpect ka sakin na ipaglalaban kita sa ganitong sitwasyon pero bakit ngayon, ikaw naman ang pilit na umaatras? Jhoana, lumaban ka at hindi ako mawawala sa tabi ko. I love you Jho. I love you so much."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya sa labi.
Yung halik na mararamdaman niya kung gaano ko siya kamahal at yung halik na mag-uudyok sa kanyang ipaglaban kung anong meron kami.
Hindi naman siya pumalag at nararamdaman kong gusto niya rin tong ginawa ko dahil nagreresponse siya sa halik na binibigay ko sa kanya.
Pagkatapos ang ilang segundo ay tumigil ako sa paghalik sa kanya pero nananatiling nakadikit ang noo ko sa noo niya.
Tinignan ko siya sa mata.
"Mahal na mahal na mahal kita Jhoana. Ipagpatuloy natin to? Please? I promise, magiging worth it ito." Sincere kong sinabi kay Jho.
Yakap ang isinagot sakin ni Jhoana at in-assume ko ng oo ang sagot niya kaya naman napangiti ako.
"Thank you Jho. Thank you." Napapikit ako habang sinabi ko iyon.
Bigla namang humiwalay si Jho sa pagkakayakap.
"Teka bea, wag tayo dito baka may makakita pa sa atin na nakakakilala sakin at kay Rex." Medyo napapanic
Bumalik kami sa room kung nasaan kami kanina.
"Teka. ano namang kung makita tayo? Wala naman siyang magagawa eh. " sabi ko kay Jho
"Sabi kasi ni Rex kapag nalaman niyang nagkikita tayo ng palihim, ikukulong niya ako sa amin at hindi paaalisin ng walang pahintulot or kapag hindi ko siya kasama." Pagpapaliwanag sakin ni Jho.
"Anak ng! Di naman pwede yon!" Pasigaw kong sagot dahil nakakagago yung pagbabanta ni Rex kay Jhoana.
"Kumalma ka. Kaya natin to." Sagot naman ni Jho.
"Bati na kayo?! Yey! Buo na ulit yung pamilya!" Sabat naman ni Ann na parang batang binigyan ng 2 pesos.
Napatingin naman kami kay Ann na para bang nagulat pero napangiti rin kami dahil natuwa kami dahil kundi dahil sa kanila ay hindi mangyayari na magkakaayos kami ni Jhoana.
Buti na lang dumating tong dalawang to sa buhay namin. Thank you, Lord for these people!
--------------------------------
nakadalawang update ako ngayong araw. :)
Bumawi lang ako dahil 6 days akong walang paramdam. Haha.
Bad news, malapit ng matapos tong story na to. :(
Leave your comments guys!
Thank you!
YOU ARE READING
Long Distance Relationship (JHOBEA) (COMPLETED)
FanfictionMay dalawang taong magkarelasyon. ito ay sina Jhoana Louisse at Isabel Beatriz.