Chapter 18

9.3K 211 7
                                    

Jho's POV

Walanghiya. Medyo napahiya ako don ah. Baka isipin nya masyado akong assuming. Eh kasi naman di ko naman talaga akalain na baklush pala yon. Pero okay lang at least may bff na ko dito. Haha.

Biglang pumunta samin ni mommy.

"Oh. Anong pinag uusapan nyong dalawa dyan?" Tanong samin ni mommy

"Ahh. Wala po mommy"

Aba. Biglang nagboses lalaki si bakla. HAHAHA

"Ah. O sige. Magsabi lang kayo ng kailangan niyo ah. Aakyat muna ako para magbasa."

Nagtawanan kami kasi nga biglang magtransform si Ged sa pagiging lalaki.

"Baks, di bagay. HAHAHA" pang aasar ko sa kanya

"Ano ba! Sakyan mo na lang pakulo ko bes." sabi nya sakin

Tumawa na lang ako.

"Bes, gusto kita make-upan. Can I?" nagpout pa siya. Bading bading ang datingan.

"Ehh. Wala naman akong masyadong make up."

"Nako. No problem! Meron ako sa kotse."

Bumaba na si Ged at sinundan ko siya hanggang sa sala.

Shocks! Nandito si mommy sana di niya mapansin.

Ilang saglit lang ay bumalik na agad si Ged.

"Oh Ged. Bakit may make up kang dala?" nagulag si mommy  haha

"Ah-ano mommy-ah regalo ko kay Jho to mommy. :)"

Aba. Galing magpalusot ni Ged don ah  hahaha.

"Ha? Ah. Oo mommy. Para sakin talaga yan. Haha."

"Aba. Mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa. Oh, baka may magselos nyan Jhoana ah. Haha. O sige na. Umakyat na kayo don."

Umakyat na kami agad sa kwarto.

Pag akyat namin, biglang nagbuntong hininga si Ged.

"Shocks bes! Muntikan na tayo don! Thank god. Hay."

Hahahaha. Grabe. Di ko talaga akalain na ganito sya!

"OA ng reaksyon mo bes ah."

"Hay. Lika na, pagagandahin na kita!!"

At nilagyan na nga nya ako ng make up.

Habang nagmamake up siya sakin. Napaisip ako kung legal ba siya.

"Hoy. Legal ka ba sa pamilya mo?"

"Di ba obvious na hindi? Jojombagin ako ng erpat ko kapag nalaman nya. Isang attorney tapos may anak na bakla? Jusko. Baka isumpa ako non."

Ay grabe sya!

"Aw. Kawawa ka naman beks."

Lalagyan na niya sana ako ng eyeliner kaya lang biglang may kumatok! Nagulat si bakla kaya na nag iba ng direction yung stroke. Punyeta para akong logo ng nike!

Nataranta siya. Magtatago na siya dapat sa ilalim ng kama pero sinita ko siya.

"Wag ka ngang masyadong magpanic. Mahahalata tayo nyan eh. Kalma. Umayos ka dyan. Chill ka lang. Akong bahala bakla." Yung boses ko na saktong maririnig nya.

"Wag mo nga akong tawaging bakla!" Pabulong na nanggigigil niyang sinabi sakin. HAHAHA.

Binuksan ko ang pinto at di ako nagkamali ng hinala. Si mommy nga yung kumatok.

Long Distance Relationship (JHOBEA) (COMPLETED)Where stories live. Discover now