Chapter 28

7.7K 189 26
                                    

Bea's POV

Pagkagising ko ay agad kong chineck ang phone ko.

13 new messages and 10 missed calls from Babe.

Di na pala ako nakapagsabi sa kanya kagabi.
"Goodmorning babe. Sorry di na ko nakapagsabi sayo kagabi. Pupunta naman ako dyan. :)" reply ko sa mga text nya.

Parang wala akong gana. Parang wala akong lakas para makagalaw. Feeling ko something is missing kaya ako ganito or dahil lang nagooverthink ako? Sino ba naman kasi ang hindi mag ooverthink kung nasa ganito kang posisyon.

Hay. Babangon na nga ako para makapag ayos at makapunta kila Jho. Kakausapin ko na si tito about sa plano ko.

Hahayaan ko munang matulog yung dalawa. Mag iiwan na lang ako ng note.

-

Tapos na kong mag ayos at paalis na rin ako. Pero bago ako umalis tinitigan ko muna sila Deanna at Ann habang natutulog na magkayakap sila.

Sana hindi sila matulad samin. Ayoko maramdaman nila ang nararamdaman ko ngayon. Sana masaya lang sila at kung may darating mang problema sa kanila ay hindi kagaya sa problema namin ni Jho ngayon na ako palang yata ang nakakaalam.

Pumunta na ko sa parking lot para makasakay na sa kotse ko para makapunta na kila Jhoana.

Habang nagdadrive ako, nag eecho sa utak ko yung mga sinabi nila. "Kailangan namin si Jho. Kailangan niyang magpakasal kay Rex" lalong lalo na yang linya na yan.

Pinark ko muna saglit ang kotse ko sa tabi para kumalma.

"Inhale, exhale. Gawin mo na lang to Bea para kay Jhoana at sa pamilya niya." sabi ko sa sarili ko.

At noong medyo kumalma ako ay pinaandar ko na ang kotse ko.

Nang makarating ako sa bahay nila ay pinark ko sa harap ng bahay nila ang kotse ko dahil nasa village naman ito kaya safe.

Nagdoorbell ako, at si Jhoana naman ang nagbukas ng gate.

"Goodmorning babe!" Sabay yakap ng mahigpit. Mga 2 seconds muna ang nakalipas bago siya yakapin pabalik. Di ko alam kung bakit delay yung reaction ko. Siguro dahil alam kong malapit ng matapos to.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Dinama ko talaga kaya pumikit ako at binati siya ng "goodmorning Jhoana."

"Oh. Di ba maganda umaga mo babe?" Tanong ni Jho.

"Hindi ah. :) kagigising ko lang kasi kaya medyo di pa naseset mood ko." Pagpapalusot ko sa kanya.

"Nasan pala papa mo?" Bigla kong tinanong sa kanya.

"Nandun sa garden, nagcocoffee. Pumunta ka muna don. Maliligo lang ako ah? :)"

Sakto namang maliligo si Jho kaya perfect timing na to.

Pagpunta ko sa garden ay nandon nga si tito, nag-iisa at nagbabasa ng news paper. Umupo naman ako sa harap niya.

"Goodmorning po tito." Bati ko sa kanya.

"Goodmorning din. Ano ng napag isip isip mo?" Seryosong tanong niya sakin habang nagbabasa siyang dyaryo.

"Tito, ipapaubaya ko na po si Jhoana sa inyo. Masakit tito, pero.." di ko na natapos ang sinasabi ko nang dumating ang lola ni Jhoana.

"Goodmorning po." Tumayo pa ko para batiin siya.

"Bakit ka naparito?" Tanong ng lola ni Jho.

"Ipapaubaya ko na po si Jhoana sa inyo kahit ayoko. Pero sana po bigyan niyo ako ng 7 days par makasama pa si Jho at pagkatapos non ay lalayo na ko." sabi ko sa kanila.

"O sige. Pitong araw na lang ang ibibigay namin sayo para makasama pa ang apo ko at pagkatapos non ay maglalaho ka na. Maliwanag?" pagtataray ng lola niya.

"O-o-opo." Di ko alam kung bakit ganito ako kadali pumayag. Ang tanga ko ba kasi pumayag agad ako?

"Wala kang babanggitin na kahit ano kay Jhoana. Malinaw?" Kawawa naman si Jho.

"Opo." Nakayuko kong sinabi.

"Yung 7 days ko pong hinihingi sa inyo. Bukas po ang simula non ah?" Pagklaklaro ko sa kanila.

"O sige. Pagbibigyan ka namin." Sagot naman ni tito.

Mamaya na lang ako magpapatulong kila Deanna at Ann para magplano para sa gagawin ko sa loob ng 7 days na yon.

Ang martir ko na ba? Hay.

Ilang minuto ang lumipas ay natapos nang mag ayos si Jho at nakaalis na kami.

Habang nasa biyahe kami tinanong ko siya kung saan niya gustong pumunta.

"Babe, saan mo gustong pumunta?"

"Doon na lang tayo sa hotel na tinutuluyan niyo. Magmovie marathon na lang tayo nila Deanna doon pls?" Pag aaya niya sakin

"Pumorma ka pa talaga eh dun mo lang pala gustong pumunta. Haha. O sige, magpalit ka na lang mamaya pagdating don pahihiramin na lang kita ng damit. :)" pang aasar ko sa kanya.

Ilang minuto namayani ang katahimik sa aming dalawa.

"Bea, bakit parang kahapon ka pa wala sa sarili?" Bigla niya akong tinanong ng ganon kaya medyo nataranta ako.

"Huh? Ah- wala. Jetlag lang jetlag." Ang tanga ko magpalusot! Jetlag amp!

"Jetlag? Hanggang kahapon at ngayon may jetlag ka pa rin?" Nagtatakang tanong ni jho.

"Naninibago lang siguro ako." sagot ko sa kanya.

"Enjoyin mo lang vacation mo dito. Enjoyin lang natin to kasi baka matanggal pa ulit bago tayo magsama ulit after nito"

Nakaramdam ako ng lungkot at kirot sa dibdib ko. Gusto kong sabihin na "Jho, hindi matagal, mukhang di na talaga mangyayari to ulit kaya pinipilit ko ng enjoyin tong moment na to. Isasantabi ko muna lahat ng problema kapag ikaw ang kasama ko." Pero di ko masabi dahil may napagkasunduan nga kami ng pamilya ni Jho.

"Oo nga eh. Hayaan mo, kapag may time ulit kami or kahit ako lang, babalikan kita dito." Sagot ko kay Jho.

Di nagtagal ay nakarating na rin kami sa room namin.

Pagdating namin don ay tulog pa rin sila. Ang cute nilang tignan kasi magkayakap pa rin sila hanggang ngayon.

"Nakikita ko yung dating tayo sa kanila. Yung lagi na lang tulog habang magkayakap." Pagpalipas oras namin ni Jho ang pagtulog lalo na kapag free time kasi kulang talaga kami sa tulog.

"Pero sana hindi nila maranasan yung malayo sa isa't isa. Mahirap kasi eh. Ayokong maranasan nila yung nararanasan natin tuwing magkalayo tayo at yung nararanasan natin ngayon." Nagulat naman ako dun sa huling lumabas sa bibig ko.

Nako. Patay!

"Huh? Anong nararanasan natin ngayon? May problema talaga eh. Ano ba yon?" Pamimilit ni Jhoana sakin na sabihin ko.

"Wala. Ang ibig sabihin ko kasi ay yung nararanasan natin na limited lang yung oras na magkasama ulit tayo. Oo, yun yung gusto kong sabihin. Tara na nga, ihanda na natin yung panonoorin natin para pagkagising nung dalawa bababa na lang tayo para kumain tas pagbalik dito, rekta nood na."

"gusto kong panoorin ulit yung A Walk To Remember" nagpout pa siya.

"O sige. Yun na lang. :)"

------------------------------

Nakatulog ako kaninang 8pm at nagising ako ng 12 kaya ngayon lang ako nakapag update.

Love is Sacrifice.

Isasacrifice mo ang sarili mong kaligayahan para taong mahal mo lalo na kung alam mong mas makakabuti sa kanya yon kahit na ayaw mong gawin, mapipilitan kang gawin dahil mahal mo siya.

Leave your comments guys! TY!!

Long Distance Relationship (JHOBEA) (COMPLETED)Where stories live. Discover now