Chapter 27

7.9K 241 27
                                    

Bea's POV

Pauwi na kami galing sa pamamasyal at di na rin na kami magtatagal sa bahay nila Jho dahil kukunin lang namin ang mga bagahe namin at aalis na rin para pumunta sa hotel.

Nang makauwi na kami ay agad kaming dumiretso sa kwarto ni Jhoana.

"Oh. Deanna, ayusin niyo na gamit niyo ni Ann para makapunta na tayo sa hotel na tutuluyan natin habang nag i-stay tayo dito." sabi ko kila Deanna

"Opo 'da. Ito na." sabi naman ni Deanna.

Deanna's POV

Nagshower muna si dadda bago kami umalis.
"Ann, may napapansin ka ba kay dadda?" Tanong ko kay Ann. Napapansin ko kasi na parang may bumabagabag sa kanya simula kanina pa. Kaya tinanong ko si Ann baka kasi napapansin niya rin.

"Napansin mo rin pala yon! Nakikita ko sa mata niya na may mali eh. May problema. May bumabagabag pero tanungin kaya natin siya para masigurado natin?" Napansin rin pala ni Ann yon. Ano kayang problema ng dadda namin? :( mukhang okay naman sila ni Mimi. Hay.

Nang biglang may kumatok sa pinto at binuksan ko naman ito.

"Ay. Bakit po tito?" Papa pala ni Jhoana ang kumakatok

"Nasan si Bea? May sasabihin sana ako. :)" sagot naman ng papa ni Jho.

"Ay. Naliligo pa po. Sabihin ko na lang po after niyang maligo. :)"

Nagnod naman at nagthank you si tito.

Ang bait talaga ng pamilya ni Jho. Mukhang walang magiging problema. Sana ganon rin yung amin ni Ann.

Bea's POV

Gusto ko mang magtagal dito sa cr upang makapag isip ng maayos ay hindi pwede. Pabigat na kami dito eh. Nakakahiya naman.

Nang matapos akong maligo ay biglang nagsalita si Deanna

"Dadda, may sasabihin daw sayo si tito." Nagulat naman ako. Tungkol kaya to don sa narinig ko? Totoo ba yon? Sana guni guni ko lang lahat nang yon.

"Bakit daw?" Tanong ko kay Deanna baka kasi nasabi sa kanya kung bakit

"Hindi sinabi eh. Pero mukhang good news kasi nakangiti si tito. Ang bait nila no? Lalo na sayo mukhang botong boto!" sabi naman ni Deanna. Sobrang confident niya pa

"Sus. Akala mo lang" bulong ko naman sa sarili ko.

Pero mukhang narinig yata ni Ann

"Ano yon 'da?"

"Sabi ko oo nga." Pagpapalusot ko naman.

After kong magbihis ay agad ako pinuntahan si tito para kausapin.

Pagbaba ko ay agad siya nakita na nakaupo sa sala.

"Good evening po tito. Pinapatawag niyo daw po ako? :)" magalang kong tanong sa kanya.

"Tara. Doon tayo sa garden. Nandon ang lola ni Jho at ang asawa ko. May pag uusapan lang tayo" nung marinig yan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako. Parang ayokong sundin ang sabihin niya dahil sa tingin ko may masamang balita or mangyayari pero napilitan akong pumunta don sa garden at nakita ko ngang nandon sila.

"Umupo ka Bea." Sabi naman ng nanay ni Jho

Feeling ko namumulta na ko. Ang lamig na ng dalawang kamay ko.

Umupo naman ako at di pa rin ako nagsasalita.

"Bea, alam kong mahal na mahal mo ang anak namin." sabi ni tita Lovel

Long Distance Relationship (JHOBEA) (COMPLETED)Where stories live. Discover now