Chapter 34

7K 171 18
                                    

Bea's POV

Kagigising ko lang ngayon. Pagkagising ko ay agad kong hinanap ang phone ko katulad ng nakasanayan ko para icheck kung nagtext na ba si Jhoana.

Napangiti ako ng bahagya ng makita ko ang lock screen ko. Yung picture namin ni Jho kasi ang lock screen ko.

Pero naalala ko, wala na pala siya sakin.

Napabalik na lang ulit ako sa pagpikit habang iniisip ko kung ano nang mangyayari sakin nito na wala na kami ni Jho.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung araw na wala na siya sa buhay ko. Masyado akong naattach sa kanya. Masyado na kong napamahal sa kanya pero ngayon ako ang gumawa ng dahilan para iwanan niya ako.

Hapong hapo yung pakiramdam ko. Di naman masama pakiramdam ko pero feeling ko pagod ako na pagod ako.

Hinanap ko sila Deanna at Ann pero paggising ko wala na sila.

Bumangon na ako para mag ayos para makakain na ng breakfast.

Habang naghihilamos ako sa cr may naririnig akong kaluskos na malamang ay sila Ann na yon. Kaya naman dinalian ko para maaya na silang kumain sa labas.

Pero paglabas ko ng cr...

"Surprise dadda! Kain ka na. Para sayo to. :)"

Sinurprise nila ako ng break. Pancake na may whipped cream at strawberry. Ito yung madalas kong kainin kapag nabobored ako or malungkot. May sticky notes pang kasama na may nakalagay na "good morning dadda. Cheer up! Life is so damn beautiful. We love you! -Deanna & Ann"

"Ugh. Ang sweet naman. Haha. Thank you. I love you too. Always remember that ha? Tara, share na tayong tatlo dito." Sabi ko sa kanila

"Teka lang. May makikisalo pa satin eh." Sabi naman ni Ann na nagtaka naman ako kung sino.

Kinuha niya ang laptop niya at inopen.

Yun pala ay makikisalo samin ang mga teammate ko. Hahahaha. Ang sweet nila.

"Good morning bey!" Bati sakin ni Trey

"Huy! Matulog na kayo! Anong oras palang dyan oh." Masyado pa kasing maaga don eh. Kawawa naman.

"Okay lang. Di rin naman kami makatulog." Sabi naman ni Syd.

"Sus. Haha. Miss you guys!!! Malapit na rin naman kami bumalik dyan. Let's hangout agad ha?" Pang aaya ko naman

After nung surprise nila ay naligo na ang dalawa dahil may lakad yata sila.

Maiiwan na naman ako dito. Panigurado wala akong ibang maiisip kundi si Jho.

Gusto ko mang labanan na di siya isipin, mas lalo ko lang siyang naiisip eh. The more na iniisip mo na wag syang isipin, the more na mas lalo siyang dadalaw sa isipan mo.

Kamusta na kaya siya? Masaya ba siya? Engage na kaya sila? Kailan kaya kasal nila?

Masaya ako para sa pamilya ni Jho dahil di sa kanila nawala ang mansion nila. Pero malungkot ako dahil sa kinahantungan ng lovestory namin.

Mala-fairy tale yung istorya namin no? Haha. Pero yung story namin, hindi naging happily ever after.

Siguro mas makakabuti sakin kung uuwi na agad ako sa Pilipinas. Kasi kung magstay pa ko dito, matetempt lang akong puntahan si Jho at alam nating hindi makakabuti sakin yon or samin ni Jho.

Hay Jho, sorry sa lahat ng nagawa ko. Napilitan lang naman akong pumayag pero di mo nakita yung effort ko don sa pagpayag ko dahil sa pamilya mo. Nakakasama lang ng loob pero don't worry, matatanggap ko rin. I'll be fine. Sana binigyan mo man lang ako ng time na magsorry at magthank you sayo. Pero sino nga namang tao ang gustong makita pa nila yung taong nanggago sa kanila? Haha

Okay, ito na naman yung mata ko. Malapit na naman umapaw ang mga luha ko sa mga mata ko.

--

Noong kinagabihan ay napagdesisyonan kong magbar tutal wala rin naman akong ginagawa. Di pa rin umuuwi sila Ann kaya mag iiwan na lang ako ng note.

After kong mailagay yung note sa table ay agad akong umalis.

Pagdating ko sa bar ang bumungad sakin ay yung dalawang couple na naghahalikan.

Hay. Iba talaga sa ibang bansa.

Umupo ako at humingi ng light beer lang.

Habang umiinom ako ay naiisip ko na naman si Jho.

Nang makarami na ako ay nakaramdam na ako ng hilo kaya naman yumuko ako habang hawak ang bote ng alak na hawak ko.

Naramdaman kong may tumabi sakin at umorder ng brandy pero di ko inaasahang tatapikin ako ng babaeng to.

"Hi! Are you okay?" Tanong niya sa akin

"Uhh. Yah, I'm okay. :)" nakangiting sagot ko naman sa kanya.

"Hmm. You look like my sister. :)" sabi niya sakin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil siya yata ang kauna-unahang nagsabi sakin non.

"Really? so, what brought you here?" Tanong ko sa kanya. Wala na akong matopic eh. Haha.

"Hmm. Just want to have fun. How about you?" Tanong niya sa akin.

"Are you a Filipina?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Dahil pang filipina talaga yung look niya.

"Yes, I am! Ikaw rin ba?" Nakaturo siya sakin habang tinanong niyo ako.

"Oo. Filipina din ako! Gosh, buti na lang nandito ka ngayon at may makakausap akong maayos na tao. So, hi! I'm Bea de Leon." Naexcite naman ako. Haha.

"Hello! I'm Maki Santos. :)"

Nagshake hands kami and beso beso.

"Hmm. Who's with you?" Tanong nya sakin.

"Wala eh. Ikaw ba?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ahh. I'm with my girlfriend. Wait, I'll call her. :)" ano ba yan! Couple na naman! Haha.

Tinawag niya yung girlfriend niya at pinakilala sakin.

"Babe, si Bea pala. Bea, si Tina, girlfriend ko." Masayang pagpapakilala niya sa akin.

"Teka. Ipakilala rin natin siya sa dalawang kasama natin couple. Ay engage na pala sila kahapon. wait lang ah? Tawagin ko." Nananadya ba talaga ang tadhana? Haha. Hay.

-------------

Sino kaya yung couple na yon? Hmm.

Sorry, short update. Sobrang busy talaga school. May film making pa kami.

Leave your comments guys!

Thank you!

Long Distance Relationship (JHOBEA) (COMPLETED)Where stories live. Discover now