Chapter 19

9.1K 227 9
                                    

(A/N: ifafast forward ko na don sa pagkatapos na ng season nila ah.)

Bea's POV

Nasa dorm ako ngayon. Nakahiga lang at nag iisip.

Ilang buwan na rin mula nung simula ligawan ni Deanna si Ann. Kailangan na naming magplano para tanungin na ni Deanna si Ann kung pwede na ba silang maging official.

Tapos naman na ang season. May 2 weeks vacation naman na ibibigay samin para magpahinga. Ano kayang magandang gawin? Hmm.

Biglang may kumatok sa pinto.

"Pasok Deans!"

Pagbukas ng pinto at katok alam ko ng si Deanna eh. May tono yung pagkatok. Haha.

"Aba. Alam mong ako ah." natatawa niyang sinabi.

"Kilala ko na katok mo eh. Haha"

"Deanna, wala ka pa bang balak tanungin si Ann kung pwede na kayong maging official?" Bigla kong tanong kay Deanna.

"Naghahanap lang rin ako ng tiyempo eh. Sa tingin mo kaya ate Bel?"

Bel short for Isabel. Siya lang tumatawag sakin non.

"Hmm. I have an idea!"

"ano yon?" Nakataas na kilay na sagot sakin ni Deanna

"Deans, next week start naman ng 2 weeks vacation natin before tayo pumunta sa hongkong with our team. Pumunta tayong Italy! Kila Jho tapos dun mo tanungin si Ann. Sa may Colosseum or sa Vatican? Ang romantic non! Sige na, mayaman ka naman eh."

Gusto ko na kasing makita si Jho at maganda rin yon na don niya tanungin si Ann para di na makatanggi. Hahaha.

"Grabe! Tatanungin ko lang tapos gagastos pa ko ng daang libo? HAHA pero good idea. Sige, G na ko! Ako nang bahala kay Ann."

Ayun! Ipapaayos ko kay dad papers namin para mas madali. May kakilala naman si dad eh.

"Bigay mo sakin mga requirments mo. Si dad na mag aasikaso nyan. May kakilala naman siya " ang saya ko talaga. I can't wait na makita na si Jhoana!

"O sige. Ipapadala ko kay dad mamaya na agad para mabigay mo na kay tito pati yung kay Ann itatanong ko na rin sa mama niya. Close naman kami eh. Haha."

Pipilitin ko na makaalis kami agad next week.

"Oh. Sasabihin ko na kay ate Jho ah! Siguradong matutuwa yon" nagtatype na siya pero inagaw ko phone niya.

Pero nung pagkaagaw ko, di ko sinasadyang mapindot yung send! Fuck!

Buti na lang ang natatype niya palang ay "ate Jho, pupunta kami"

Agad kong dinugtungan yon ng "sa Jollibee" HAHAHA wala na kong naisip kasi nagpanic na ko. Gusto ko siyang isurprise.

"Bakit mo sinabi?! Isusurprise natin sya Deans!" Pinandilatan ko siya.

"Ay sorry. Di mo naman sinabi eh. Okay lang yan. Dinugtungan mo naman na eh"

Buti na lang nadugtungan ko agad.

Biglang nagvibrate phone ko.

"Jho is calling.." tinatawagan niya ko sa facetime. In-on ko yung camera para makapagvideo call kami.

Deanna: hi Ate Jho! *kaway*

Jho: hi Deanna love! *flying kiss*

Me: Ahh, kasali ba ko sa usapan dito? Kayo na lang oh. Labas muna ako tawagin niyo na lang ako kapag tapos na kayo.

Nagtawanan kaming tatlo kasi parang hangin lang ako. Di man lang naghi sakin girlfriend ko. Hahaha

Jho: gaga ka babe. Dyan ka lang. Gusto kitang makita. Teka, akala ko ba pupunta kayong jollibee?

Long Distance Relationship (JHOBEA) (COMPLETED)Where stories live. Discover now