Nakauwi na nga kami at natapos na kami magdinner...
"Mom, akyat na kami ah. Para makapagpahinga na si Jho. 8am kami aalis dito, 12nn flight niya eh. Baka matraffic kami."
"O sige. Magkwekwentuhan muna kami dito nila tita Lovel mo."Habang naglalakad kami papuntang kwarto naiisip ko na last day na naming magkasama ngayon pansamantala. Nakakalungkot man pero kailangan tanggapin.
Pagdating namin sa kwarto ay agad kaming humiga at nanood muna ng tv.
"Mahal, mamimiss kita ng sobra. Well, iisipin ko na lang na saglit lang yon. Iisipin ko na mga sampung tulog lang, at makakatabi na ulit kitang matulog at makakasama ng buong araw." sabi ko kay Jho
"Ako rin babe. Sobrang mamimiss talaga kita. Wag kang mag alala. Walang magbabago, okay? Promise. Mag aadjust tayo para sa isa't isa. KONTING TIIS LANG Babe. I love you." sabi naman ni Jho
"I love you too." sagot ko kay Jho at hinalikan ko siya sa noo.
"Ay baby, di pa pala ako nakakapagpaalam sa teammates natin at kila coach. Di bale, bukas na lang mg umaga. Nood tayo ng training nila then kapag 8 na, alis na tayo. Buti na lang pumayag ang ateneo na umalis ako. Suportado pa nga nila ako eh. Haha. Pero malay mo, makabalik ako next year diba. Team mates na ulit tayo!" sabi ni Jho
"Sana nga. Mamimiss ka non panigurado. Lalo na yang mata mong ang hilig tumirik. Hahaha. Sarap sundutin minsan eh." Pang aasar ko kay Jho
"Sus! Mamimiss niyo rin to! Hahanap hanapin niyo rin yung tumitirik kong mata. Haha." sabi ni Jho
"Oo na. Matulog na nga tayo." Sabi ko
"Sige. Good night baby. I love you" -Jho
"I love you too. Good night. Magpray na tayo." Me
After naming magpray ay natulog na nga kami.
Kinabukasan...
Nauna akong nagising kay Jho kasi di talaga ako makatulog. Hay. Aalis ka na. Wala na kong kasama kapag kakain. Wala na kong katabi matulog. Nalulungkot ako pero ayokong maipahalata kasi baka lalo kang mahirapan dahil iniisip mo ko.
Magising na nga to.
"Baby, gising na para makapunta tayong ateneo." panggigising ko kay Jho
Agad namang nagising si Jho.
"Good morning baby!" masigla niyang bati sakin.
"Bangon na dyan. Mag ayos na." sabi ko sa kanya
"Teka. Lilinisin muna natin yang sugat mo." Sabi ni Jho
"O sige. Pero bilisan natin ha?" -me
"Opo. Upo ka muna dyan. Maghihilamos lang ako at kukunin yung panlinis ng sugat mo." -Jho
At after 15 mins ay natapos na niyang linisin sugat ko.
Jho's POV
Hay Beatriz. Alam ko namang nalulungkot ka di mo lang pinapahalata. Lalo naman ako, nalulungkot pero di ko na pinapahalata sayo kasi baka lalo kang malungkot. Makaligo na nga.
After 35 mins...
"Baby, tagal mo namang maligo. Naunahan pa kitang natapos. sa baba na ko naligo para sana sabay tayo matapos kaso naunahan pa rin kita. Hahaha." -Bea
"Ay beh. Ito na. Nagtatapis na ko." sabi ko
"Sige. Nakaayos na lahat ng susuotin mo. At inayos ko na rin bagahe mo. Nilagay ko photo album natin don para kapag namimiss mo ko, tignan mo lang yon." -Beatriz
"Sige po!" -sabi ko
At after 20 mins ay nakapagbihis na nga kaming mag ayos at umalis na kami. Nag iwan na lang kami ng note sa ref para makita nila tita na umalis na kami. Papasunurin na lang namin sila sa ateneo.
Fast forward...
Nakarating na kami sa ateneo bago pa magsimula yung training nila.
"Jho! Bea!" sabi ni Ana
"Ana!" sabi ko naman.
at lumapit na rin silang lahat sa amin. Ag naggroup hug kami. :)
"Mga beh, aalis na ko. Pupunta na ako ng italy. Sorry, di ko agad nasabi sa inyo ah. Biglaan kasi talaga." sabi ko
Nang mapansin ng lady eagles ang sugat ni Bea
"Uy Bea, anong nangyari sayo?" -Jirah
"Ahh. Tumama ako sa kanto ng table nanin. Aksidente lang naman. But I'm super fine naman na. No need to worry guys. :)" -Bea
"Sure ka bea? Magtraining ka na bukas ah! We miss you na and ikaw rin, miss ka na nga namin tapos mamimiss ka ulit namin. :(" -Maddie
"Jho! Pasalubong ah! :))))" -G
"Hay nako ate G, syempre di kita makakalimutan. Haha. " -Jho
At dumating na nga sila coach Tai at nagsabi na rin ako na aalis ako.
Fast forward....
Dumating na sila mama at tita at 8:02am na kaya kailangan na namin umalis
"Girls! Aalis na kami. Mamimiss ko kayo, sobra! Group hug na mga bes!" -me
After non ay umalis na nga kami.
Habang nagdadrive si Bea pinatugtog niya yung "tabi"
"Mahal, wag ka na magsenti dyan. Wag ka ng malungkot. Sampung tulog lang nga yon diba?" sabi ko
"Di naman kaya baby. Hahaha. Oo naman, sobrang bilis lang non. Pasalubong ah! Nutella and chocolatesssss" -Bea
"Daming sssss non ha. Hahaha. Opo. Bibili rin ng mga damit don, bibili ako ng couple shirt for us. :)" -me
At nakarating na nga kami sa airport. And ito na yung iyakan moment lalo na to si Mama at Jaja. Hahahaha
"Anak, mag iingat ka doon ah. Wag kang magpapabaya sa sarili mo, balitaan mo ko ah. Mag aral ka ng mabuti doon. Alam mo namang doon ka muna mag aaral pansamantala diba? Oh. Kakain na maayos ah. I love you anak." -mama
"Opo mama. Noted na po yan. Kayo rin ah? Mag iingat kayo ni Jaja. Wag kakalimutan uminom ng vitamins ah. Ikaw naman Ja, alagaan mo si mama pansamantala ha? Umayos ka. Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Mama. Lagot ka sakin, tignan mo. Mag iingat kayo ah. Mag aral ng mabuti Ja. Wag kain ng kain. Haha. Shet. Naiiyak ako. Tama na ang drama. Oh basta ah? Mag ingat kayo. Mahal na mahal ko kayo." -me
"Sus ate. Makalait, for sure pagbalik mo dito, pareho na tayo botchog. Hahaha. Nasabi na lahat ni mama. Pasalubong na lang ah! Size 8 ate. :)) hahaha" -jaja
"Che! Haha. Oh. Baby, aalis na ko. Wag ka ng umiyak dyan. Oh wag na ideny nakikita ko na sa mukha mo, namumula na ilong mo tapos teary eyed ka na. Mag iingat ka lagi ah? Alagaan mo sarili mo habang wala ako, magtraining ka ng maayos. Wag pasaway kila tita at tito okay? Sampung tulog lang to baby. KONTING TIIS LANG. I love you" -me
"Di kaya. Kanina ka pa ah. Hahaha. Opo baby. Wag kang titingin sa ibang mata, sa mata ko lang. Hahaha. Sige na, pumasok ka na baka mag iba pa isip ko at di na kita patuluyin. Haha. Joke. Yes, konting tiis lang baby. I love you too." Niyakap niya ko ng mahigpit at hinalikan sa lips.
"Bye!" *kaway*
But nung pagpasok ko sa airport, dun ko na hinayaang tumulo luha ko. Hay, bahala na. Kaya mo to Jhoana, saglit lang to. Tiis tiis lang.
(A/N: 1k reads na! :) thank you readers! Sana po patuloy niyong suportahan to. :) vote and sana po magcomment din kayo. Thank you guys!"
YOU ARE READING
Long Distance Relationship (JHOBEA) (COMPLETED)
FanfictionMay dalawang taong magkarelasyon. ito ay sina Jhoana Louisse at Isabel Beatriz.