CHAPTER NINETEEN

1.1K 37 0
                                    

Kinakabahan si Casey. Paano pag natalo nito si Jay Bee? Magmumukha siyang timang mamaya sa basketball court!

Nagsimula na sila. Nauna silang mga girls, lahat sila pumunta na sa starting line. Malawak din ang running field nila kaya hindi siya sigurado if mananalo siya, it doesn't matter kung manalo at matalo siya what matter most is kay JP.

"On my count," sigaw ng bakla. Puwesto na sila. "One, two, and run!"

Nauuna sa kanila si Jinky. Hinayaan na lamang nila, kahit man lang sa takbuhan manalo ito. Pero para yatang hindi magpapatalo si Sharmine, dahil tinodo nito ang pagtakbo kaya in the end ito ang nanalo sa kanila. Humihingal na nahiga silang apat sa bermuda grass.

"Panira ka talaga sa buhay ko!" si Jinky kay Sharmine. Nag dirty finger sign si Shar. Ha-ha! Nakaganti din ito.

Ang mga boys naman. Kaya biglang napabangon si Casey.

"Go Jay Bee, kaya mo yan!" sigaw niya na ikinalingon ng lahat.

"Bakit si Jay Bee pinag-chi-cheer mo at hindi ang honeybird mo?" si Jane.

"Basta!" tumayo siya at pinag-cheer si Jay Bee. "Whatever it takes talonin niyo si JP! Ang makakatalo sa kanya ay may libreng date kay Sharmine!" binatukan siya ni Shar.

"Dinadamay mo pa ako sa kalokohan ninyong dalawa."

Puwesto na ang mga boys. "On my count... one, two, and go!"

Hindi niya napigilan ang magtatalon ng manguna si Jay Bee sa mga ito. Nasa pangatlo naman si JP.

"Kaya mo yan JP!" si Monique. "Boto ako sayo."

"Kawawa naman ang Vince ko, kulilat!" si Jane. Awang-awa ito habang nakatingin kay Vince na nasa pinakahuli. Natawa sila sa hitsura ni Jane.

"Yes! Go, JP!" nasa pangalawa na ito at malapit ng lagpasan si Jay Bee. Malapit narin ang finish line.

Tumango si Jay Bee kay JP ng nasa malapit na sila sa finish line. Binagalan ni Jay Bee ang pagtakbo kaya nanguna si JP sa kanya at ito ang nauna sa finish line.

"Bro. Let me win this time para kay Casey 'to," naalala niyang sabi nito habang nasa locker room sila kanina.

"Anong kapalit?"

"Two K," sabay abot sa kanya ng dalawang libo.

"Madali naman akong kausap, eh."

"Paano ba yan? Nanalo ako," si JP nilapitan nito ang nakabusangot na mukha ni Casey.

"May dayaan na nangyari!"

Tumawa si JP. "See you later, honey."

Isang malakas na "HAHA" ang ginawa ni Sharmine sa kanya ng makaalis na si JP.

"GRRR! Kainis!"


HSHS BASKETBALL COURT

Dumating si Rod kaya kaagad na tinapik ito ni Vince. "Akala namin di ka na darating, bro."

Tumingin si Rod kay Casey. "Rod anong nangyari at may pasa ka?" si Casey.

Akmang lalapitan niya si Rod ng humarang si JP. "Go back to your seat."

"Mga brad, ang personal matters huwag dalhin sa laro, ah? Sportmanship ang kailangan natin dito," paalala ni Vince na nakapansin sa tensiyon ng dalawa.

Bumalik naman sa pagkaka-upo si Casey, kahit hindi niya naiintidihan ang nangyayari sa dalawa.

Nagsimula na ang laro. Napansin ni Casey si Jinky na nakiki-cheer din sa kabilang side.

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon