CHAPTER FOUR

2K 61 2
                                    

11:45 AM | Bell's Buzzing

Paglabas ni Casey sa silid niya ay nakita niyang nakasalampak ng upo si JP sa sofa. Palipat-lipat ito ng channel at nasa mukha nito ang pagkabagot.

"Are you deaf? Someone's buzzing outside. Care to look?"

Tiningnan lang siya nito at ibinalik ulit ang tingin sa TV. "You should did not put bandage on that. Mas mamamaga 'yan," anito. Tinutukoy nito ang noo niya na nilagyan niya ng bandage.

Umikot lang ang mga mata niya. Hinablot niya mula dito ang remote. "I can't go outside, ikaw na ang lumabas," pinindot niya ang channel ng Cartoon Network. Maya-maya pa'y tawang-tawa na siya sa kulitan nina Oggie and the Cocroaches.

Muling tumunog ang buzz sa gate.

Naiinis na nilingon niya si JP, pero nahuli niya itong nakatingin lamang sa kanya. "What?" nakangunot-noong tanong niya dito.

Inilapit nito ang mukha sa mukha niya kaya napasandal siya sa sofa. Mabilis na napakurap siya dahil gadangkal nalang ang pagitan ng kanilang mga labi.

"J-JP, what are you trying to do?"

Tumaas ang kanang kamay nito kaya napapikit siya. Is he going to kiss her? No way! Hindi niya ito pwedeng maging first kiss! NEVER!

Napa-aray siya ng tanggalin nito ang bandage sa noo niya. Napahawak pa siya doon. Nahampas niya ito. "Ano ba talaga ang problema mo, ha?" singhal niya dito na noo'y tumayo na. Hindi na siya nito pinansin pa.

"Ang suplado! Madapa ka sana!" sabi niya ng tumalikod na ito. Dinama niya ulit ang noo. "Ouch!"

Pagbukas ng gate ni JP ay nakita niyang papaalis na sana ang delivery man ng Tastefull Restaurant—ang paboritong restaurant ni Casey ng minsang mag food trip sila kasama ang pamilya. Simula ng matikman nito ang pagkain doon, ay naging regular customer na ito ng naturang kainan. At lahat ng kinakain nila ay mula sa Restaurant na iyon.

"Oh, Sir. Akala ko po wala kayo dito, eh." bumaba ito sa motorcycle at iniabot sa kanya ang paper bag.

"Kakagising lang po namin, pasensiya na po," matapos pirmahan ang dala nitong receive logbook ay isinara na niya ang gate pero muli iyong nag buzz, kaya binuksan niya ulit iyon.

"I'm sorry Sir, pero nakalimutan ko pong sabihin sa inyo na may libre po kayong date sa restaurant namin together with Ma'am Casey. Ito po ay bilang papasalamat narin namin sa patuloy ninyong pagtangkilik sa pagkain namin," iniabot nito ang isang sobre sa kanya. "Next week po, Saturday gaganapin ang aming sixteeth anniversary. Sana po makapunta kayo ni Ma'am Casey."

"Thank you!" muli niyang isinara ang gate ng magpaalam na ito ng tuluyan.

Rinig na rinig niya ang tawa ni Casey habang tutuk na tutuk ang mukha sa TV. May pahampas-hampas pa ito sa sofa at mukhang pinanggigigilan ang throw pillow dahil gusot na gusot na iyon.

"O.A," bulong ni JP. Inilapag niya ang paper bag sa center table at naupo na sa tabi nito. Hindi nito alintana na nasa tabi na siya nito dahil patuloy parin ito sa pag bumunghalit ng tawa.

Napapailing na binuksan niya ang paper bag. Kakain na lamang siya kaysa maubos ang energy sa kakulitan nito. "Ang hirap talaga pag may kasama kang baliw."

"Narinig ko 'yun," anito at matalim siyang tiningnan nito. Kinuha nito ang isang styrofoam. "Tamang tama, gutom na ako!" hindi na nito pinansin ang pinanuod dahil busy na ito sa pagkain.

"Para kang patay gutom kumain," ani JP. "Alam mo, siguro naturn-off sayo si Rod pag ganyan ka kumain sa harapan niya."

Pinitik nito ang kamay niya ng akmang kukunin niya ang leg part ng fried chicken.

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon