CHAPTER FIVE

1.8K 67 2
                                    

Kinabukasan wala silang pansinan. It's Monday kaya may pasok na sila sa school. Maaga palang naghanda na si Casey para pumasok. Sinundo naman sila ni Mang Ben dahil okay na ang pakiramdam nito. Naupo siya sa tabi ni Mang Ben at nasa mukha nito ang pagtatanong.

"Huwag ka na pong mag reklamo, Mang Ben. Dito muna ako uupo dahil na-miss kasi kita. Okay na po ba ang rayuma mo?"

Natawa ito. "Opo, Ma'am. Salamat," nilingon nito si JP. "Okay lang ba d'yan, Sir JP?"

Tumango si JP at nag iwas na ito ng tingin. Habang pinagmamasdan naman ni Casey ang noo sa side view mirror. May bangs naman siya kaya hindi masyadong halata ang noo niyang namamaga.

Napatingin siya sa kanyang mga palad dahil humahapdi iyon, kaya pa dahil nagkasugat-sugat iyon dahil sa detergent na ginamit niya at paggugusot ng mga damit nito. Itinago niya ang mga palad sa ilalim ng kanyang bag na nakapatong sa kanyang mga hita. Masama parin ang loob niya kay JP. Manigas ito dahil wala siyang balak kausapin ito buong araw.

HSHS (High Society High School)

Hindi niya na hinintay na pagbuksan siya ni JP ng makarating sila sa school. Kaagad siyang bumaba ng makarating sila sa gate.

"Mang Ben, mag-iingat po kayo," kumaway na si Casey dito. "Ah, Mang Ben, huwag niyo na po akong sunduin mamaya, ha? Si JP nalang po, kasi may group meeting kami ng mga kaibigan ko at baka matagalan pa. Magta-taxi nalang po ako pauwi."

"Oh, sige."

"Huwag niyo na rin akong sunduin Mang Ben. May laro kami after class ng basketball. Ipahinga niyo nalang po iyang tuhod ninyo," sabi naman ni JP.

"Sige kayo bahala, tatawagan ko nalang sina Ma'am at Sir para ipaalam sa kanila ito."

Nang maka-alis si Mang Ben ay dumeretso si Casey sa canteen para mag breakfast. Nine o'clock pa ang first-class nila pero seven-thirty palang iyon ng umaga. Wala naman sana siyang balak na magpasundo kay Mang Ben kanina pero mas nauna itong dumating sa bahay nila kaya wala na siyang choice.

Sumunod sa kanya si JP na gaya niya wala din itong balak na kausapin siya. Naiinis na nilingon niya ito. "Bakit ka ba buntot ng buntot sa akin?"

Hindi ito nagsalita at nauna na itong nag order sa kanya. Siya naman ang sumunod dito. "Bakit ka ba sunod ng sunod sa akin?" anito na ginaya pa ang tono niya.

Natawa sa kanila ang cashier ng canteen. Alam ng buong campus na engaged na silang dalawa dahil ibinalita iyon mismo ng Mommy Kiana niya sa school. Para daw wala ng magtangkang manligaw sa kanya at wala nang magpapa-cute kay JP.

Umikot ang mga mata niya at hindi na lamang ito pinansin pa. Coffee, rice, at kare-kare ang inorder niya for breakfast. Hindi kasi siya solve pag walang rice sa umaga ang tiyan niya.

Sandwich at milo naman ang inorder ni JP. Hindi siya tumabi dito at naupo sa bakanteng mesa pero tiningnan lang siya nito at umupo din sa kabilang mesa. Sarap na sarap na siya sa pagkain ng maramdaman ang aura ng isang bulto sa kanyang harapan.

"Hi! Can I join you here?" nag angat siya ng tingin at nakita niya ang maaliwalas na mukha ni Rod.

Napalunok siya. "Rod? Of course, you can!"

Ngumiti ito. "Para kang nakakita ng multo. Buhay pa ako," umupo na ito paharap sa kanya. Pero embes na kumain ay kinuha nito ang isang book at nagsimulang magbasa.

Napalingon siya kay JP, gusto niyang makitang naiinis ito dahil katabi niya si Rod sa mesa. Nakatingin nga ito sa gawi nila kaya diniwalan niya ito.

"Magkaaway na naman ba kayo?" puna ni Rod.

Bumalik ang atensiyon niya dito. "May bago pa ba?"

Muli itong ngumiti. Hay... smile palang nito ulam na, kahit wala siyang rice solve na siya.

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon