CHAPTER TWENTY-TWO

1.1K 34 0
                                    

Kanina pa nakatitig si Casey sa cellphone niya. Hinihintay niya ang tawag ng parents niya pero wala parin. Pina-alam niya sa mga ito na nandoroon sila sa hacienda nila JP thru email last week, pero hanggang ngayon hindi parin siya tinatawagan nito. Pag tumatawag naman siya laging secretary ang sumasagot sa kanya at sinasabing nasa meetings ang parents niya.

"Honey, let's go?" si JP.

Nakabihis na ito nakabihis na rin siya. Bago sila umuwi next next day gusto niyang makapunta sa dagat para masasabing niyang kompleto ang naging vacation nila. May kalayuan din ang dagat sa hacienda pero dahil gusto niya, talagang pupunta sila. May sasakyan naman ito na pwedeng gamitin.

Marahan siyang tumango dito. Bitbit ang cellphone niya sumunod siya kay JP. Napansin ni JP ang biglang pagtamlay niya habang nasa byahe na sila. Hinawakan nito ang kamay niya.

Napatingin siya sa malawak na karagatan, napayakap siya sa sarili ng lumakas ang ihip ng hangin. Umupo sila sa buhangin habang magkahawak kamay parin.

"Hey... bakit ang sad mo. What's bothering you?"

"Sila Daddy at Mommy kasi, eh. Parang di naman nila ako nami-miss. Lagi kong inaabangan ang tawag nila pero wala, eh!" pinahid niya ang luhang bigla nalang nalaglag sa mga mata niya.

Natahimik si JP. Inihilig niya ang ulo nito sa balikat niya habang nakaharap sila sa karagatan. "Honey, I have something to tell you about 'Dy Chris."

"Kay Daddy?"

"Yes. Hindi ko alam if dapat ko ba tong sabihin sayo pero I think kailangan mo ring malaman," hinawakan nito ang pisge niya. "The reason why they went there, is because your Dad need an operation—a heart transplant."

"No way! Si Daddy? Healthy si Daddy... so how come..."

"Ayaw nilang sabihin sayo dahil ayaw ka nilang mag alala pa. Kailan ko lang din nalaman mula kay Daddy. So please honey... tatagan mo ang loob mo para sa Daddy mo. Huwag mong ipakitang mahina ka."

Napahagulhol ng iyak si Casey. Niyakap naman siya ni JP. "Ang daya daya nila, eh. Wala ba talaga akong halaga sa kanila? Wha—what if hindi kinaya ni Daddy? mawawala nalang siya na hindi ko alam?!" galit at puno ng hinanakit sa boses ni Casey.

"Your dad is strong. Kaya niya iyon, kaya dapat you have to be strong, he needs you to be strong."

"JP..." ibinuhos niya ang sakit sa pag iyak. "Ayaw kong mawala si Daddy gusto ko pa siyang makasama."

"I know," kung pwede lang akuin niya ang sakit na nararamdaman ngayon ni Casey gagawin niya.

Phone Ringing

"Honey... si Mommy," naluluha parin si Casey.

"You want me to answer the call?"

Umiling si Casey. "I'm fine..." pinunasan niya ang luha nito sa pisnge.

"Mommy..." napakagat labi si Casey para pigilan ang mapa-iyak.

"Hi, baby! How are you there? Ngayon ko lang nabasa ang email mo. Ano nag enjoy ka ba diyan? Are you with JP?"

"Opo mommy. Where is Daddy?"

Natahimik saglit ito. "He's at the meeting right now, princess. Don't worry I will tell him na tawagan ka niya after his meeting."

Nailayo ni Casey ang phone ng hindi niya mapigilan ang maiyak.

"Baby? Are you crying? I hear you sobbing. What's wrong?"

"Namimiss ko na po kayo ni Daddy, Mommy."

"We miss you too, princess!"

Napayakap siya ng mahigpit kay JP nang matapos ang tawag ng Mommy Kiana niya.

"I love you. I love you. I love you. I will never leave your side, honey!" hinalikan ni JP sa bunbunan si Casey at ikinulong ito sa yakap niya.

Kanya-kanyang kwento sila ng naging vacation nila ng makabalik na sila sa campus at ngayon nasa kanilang tambayan. Ibinida ni Monique ang vacation nito sa Hongkong, habang nagpunta naman si Jane sa probinsiya nito sa Pampangga. Kakaibang Sharmine naman ang nakikita nila dahil halatang in-love ito, maya't maya kasi itong napapangiting mag-isa. Si Vince naman ay nag part time DJ sa radio station ng family nito. Habang sila ni JP, syempre pinagmalaki niya ang mga ginawa nila sa hacienda nito, lalo na ang paghahabol niya sa mga biik. Napuno ng masayang kwentuhan ang tambayan nila. Napansin din ng mga kaibigan nila ang engagement ring na suot-suot na nilang dalawa. Mas mataas ang tili ni Sharmine.

"How about me? Hindi niyo ba ako tatanongin kung saan ako nag bakasyon?" si Rod. Nakangiti ito habang may bitbit na cake at cupcakes.

"Rod!" nag unahan silang yakapin ito.

"Oops! Baka magselos ang honeybird mo," natatawang sabi ni Rod ng yayakapin na siya ni Casey.

"Hindi naman ako seloso," nakangiti na rin si JP at tinapik ito sa balikat. Ganun din ang ginawa ni Vince.

Nakayakap na si Casey dito. "We missed you!" humiwalay na si Casey ng akbayan siya ni JP.

"Peace offering ko sa inyo," inilagay nito ang dala sa table.

"Teka... familiar to ah?" binuksan ni Casey ang cupcakes. "Sabi ko na nga ba eh, look guys this is lovebirds cupcakes. This is made for us!"

Natawa si Rod. "Yeah. Actually ako ang gumawa niyan since hindi mo raw sinisipot si Tita para sa baking lesson niyo. Ako nalang ang tinuruan niya para daw anytime na gusto mong matuto eh, sa akin kana magpapaturo. If papayagan ka ng honey mo."

"Of course—not," si JP.

"Honey," si Casey.

Ngumiti si JP. "Biro lang, oo naman."

"Labas ilong," si Sharmine. Dinutdot na ng daliri nito ang cake.

"I'm sorry guys... pasensiya kana JP," si Rod.

"Kalimutan na natin ang nangyari, ang mahalaga nandito kana. Buo na ulit tayo."

"Tama!" si Jane at naki-dutdot na rin sa cake. Masayang nag unahan na sila sa pagkain ng cake at cupcakes.

Mabilis na lumipas ang mga araw, pasko, at bagong taon, at ngayon summer na. Malapit na rin ang araw ng kanilang graduation. Malapit na ang araw na magkanya kanya na silang aabutin ang kanilang mga pangarap.

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon