CHAPTER TWENTY-FOUR: FINALE

2.1K 61 8
                                    

AFTER FIVE YEARS

PMALL

"Sir may event na gaganapin tomorrow and they asked for your presence."

Nangunot ang noo ni JP sa sinabi ng secretary niya. "Anong klaseng event?"

"Anniversary po tomorrow ng Lovebirds Sweets and they want you to be there. Iko-confirm ko na po ba?"

Kumabog ang dibdib ni JP sa sinabi ng secretary niya. Ang Lovebirds Sweets ay ang kanilang dabarkads business. Last year lang nila nai-lunch ang Lovebirds Sweets na pinapangunahan ni Rod dahil isa na itong matagumapay na Chef ngayon. Mas pinili kasi nito ang pagluluto kaysa mag aral ng business management. Ito ang nakaisip sa business na iyon and they are all invested at ang specialty nito ay ang honeybird cupcakes na naging patok lalo na sa mga lovers.

Inunahan niya na kasi ito na hindi siya makakarating sa Anniversary dahil may meeting siya sa araw na iyon at bukas na pala ang araw na mag-iisang taon na ang Lovebirds Sweets. Nawala sa isip niya dahil excited siya masyado sa pagdating ng fiancee pero na cancel ang flight nito dahil hindi pa raw naayos ang dapat ayusin na papers nito. Haists. Two years ago nang tuluyan ng magpaalam ang Daddy Chris nito. Pumunta naman sila para makiramay dito pero dahil sa studies hindi ito pwedeng sumama sa kanya at siya kailangan din niyang bumalik kaagad dahil rin sa studies niya. Hindi naman ito pinabayaan ng Mommy Kiana nito kaya napanatag na rin siya.

"Okay. I'll attend. Cancel my meetings tomorrow."

"Yes, sir."

"Oh my God! Kayo naba yan Monique? Jane? Mas times ten na ang beauty ninyo, grabe!" masayang niyakap ni Sharmine ang dalawa.

"Ikaw din ang ganda ganda mo na. Pero parang tumaba ka yata..." si Jane. Wala na ang dating mahiyain na personality nito napalitan na iyon ng confidence at ang pagiging fashionista.

"Two months preggy. Pinaubaya ko na kay Jinky ang pageant," nagningning ang mga mata ni Sharmine. Laging magka-kompetensiya silang dalawa sa lahat ng pageant na sasalihan niya at lagi niya itong natatalo.

Last year nang mag stop siya sa pageant world at tumutok nalang sa kanyang dance studio at syempre sa kanyang love life. Nalaman din nilang may ari pala ng isang modeling agency si Miss Rein. Ito na ang may hawak ngayon kay Jinky at naging mga modelo din nito ang apat na pa-girlies.

"Wow really? Ang bilis mo, ah? Naunahan mo pa ang lovebirds. Congrats!"

"Anong magagawa ko, eh ang bagal bagal nila? Haha!" muli silang nagyakap.

Dumating naman si Vince na ngayon isa ng sikat na announcer sa isang sikat na TV station sa bansa. At sa wakas nakuha na nito ang pinakamatamis na oo ni Jane. One year na itong officially mag on. At si Monique naman laging sawi sa pag-ibig, last month lang ito may BF tapos ngayon wala na naman, pero hindi parin daw ito nawawalan ng pag-asa na makikita at makikilala ang Mr. Right na hinahanap nito. Isa na itong matagumpay na photographer ngayon. At ang unang inilabas nito sa isang Love Magazine ay ang picture nina Casey at JP na magka-hugged back sa araw ng pageant ni Sharmine.

Pumasok sila sa loob kung nasaan ang pinaka-special nilang bisita. Walang iba kundi si Casey.

"You are so beautiful! Ikaw na! I missed you. We missed you!" sinugod siya ng yakap ni Monique.

Isa isang niyakap ni Casey sina Monique, Jane, Sharmine, at Vince. Pumasok sa loob si Rod at humanga din ito ng makita siya.

"Pwede ka pang mag back out Casey..." biro nito.

Binatukan ito ni Sharmine. "Lumalandi kana naman, ilan na bang babae ang napaluha mo?"

"Wala kasi sila sa kalingkingan ng first love ko," niyakap nito si Casey. "Welcome back Casey. You are so beautiful."

"Thank you Rod. I owe you this one," ito kasi ang nag organize sa event na iyon.

"You're welcome. Be ready, he's coming!" lumabas na ito kasunod si Vince.

Muli silang nagyakap na apat.

Pakiramdam ni JP lahat ng tao nakatingin sa kanya o naging praning lang siya dahil di natuloy ang fiancee niya sa pag-uwi. Sumakay siya ng eskalator paakyat sa second floor kung nasaan naka pwesto ang Lovebirds Sweets Cafe.

(IKAW by Yeng Constantino)

"Humihinto sa bawat oras ng tagpo..." si Jane. May hawak itong wireless mic at nagsimulang kumanta.

"Ang pag-ikot ng mundo ngumingiti ng kusa aking puso." si Sharmine naman ang kumanta.

"Pagka't, nasagot na ang tanong nag-alala noon kung may magmamahal sa akin ng tunay... " si Monique.

Anong nangyayari sa mga ito at kumakanta? Dahan-dahang lumabas si Casey mula sa loob ng cafe. May hawak din siyang wireless mic, nagtama ang mga mata nila ni JP. Nasa mukha niya ang gulat at sorpresa ng makita si Casey na akala niya di makakarating ngayon.

Naiyak siya ganun din ito.

"Ikaw ang pag-ibig na hinintay, puso ay nalumbay ng kaytagal ngunit ngayo'y nandito na... ikaw..." unti-unting lumapit si Casey kay JP habang kumakanta.

"Ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng maykapal biyaya ka sa buhay ko ligaya't pag-ibig ko'y ikaw..." tuluyan na siyang nakalapit sa binata.

"Jun Paolo Dela Fuentes. Like what I've promised five years ago na babalik ako sayo, tinutupad ko na iyon ngayon. Gaya ng kanta, alam kong ikaw ang bigay ng maykapal sa akin. Ikaw ang true at great love ko. Mas tumibay ang pagmamahal ko sayo sa mga panahong magkalayo tayong dalawa, kaya sa araw ngayon sobrang mahal na mahal na mahal kita!" naiyak na rin siya.

"I can finally cook now. Hindi na delivery ang ipapakain ko sayo araw-araw. Kaya baka humina ang kita ng Tastefull Restaurant ngayon. Marunong na rin akong maglaba, hindi na makukulayan ng ibang kulay ang mga puting t-shirts mo, at malinis na rin ang kwarto ko ngayon."

Natawa ang mga audience nila.

Umatras siya ng isang dipa dito. "Jun Paolo Dela Fuentes. Are you willing to take me as your girl forever? Will you be mine? Will you be the father of my future kids?" ini-angat niya ang nakasaradong kaliwang kamay.

"Honey, will you marry me?" tumambad ang isang singsing sa kanyang palad.

Naluluha parin si JP. "Kahit kailan talaga baliw ka!" sinugod niya ito ng yakap. "Pakakasalan kita kahit ilang simbahan pa. Bibigyan kita kahit ilang anak ang gusto mo, huwag mo lang akong iiwan ulit. I missed you so badly, honey. Mahal na mahal kita."

Kinikilig na nakamasid ang mga kaibigan nila, hindi din nito napigilan ang mapaluha. Imagine? Ito na ang official na nagpropose sa lalaking iniibig nito.

"Mahal na mahal din kita honey at mula sa araw na ito. Pinapangako kong hinding-hindi na kita iiwan pa. I love you my honeybird!" and they kissed with so much love.

Thank you, Lord Jesus—for this wonderful gift of love.

Love forgives.

Love waits.

Love will let go.

Love never dies.

Love fights.

Love trust.

Love is HAPPINESS.


THE END ❤

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon