CHAPTER ONE

3.6K 91 10
                                    

Inis na inihagis ni Casey ang gusot na papel sa trash can na malapit sa kanya. Akala niya nalamangan na niya si JP sa exam nila pero hindi parin pala. He got a perfect score samantalang dalawa naman ang mistakes niya sa Mathematics kaya padabog siyang naupo sa bench.

"Oh, Casey! Congrats pala, ah? Grabe nasa top two kana naman!" sabi sa kanya ni Sharmine sabay tabi sa kanya sa pag-upo sa bench.

"Pwede ba? Naiinis ako!"

"Bakit?" takang tanong ni Sharmine.

"That bastard just ruined my day!" inginuso niya sa 'di kalayuan si JP na busy sa pakikipag-usap kina Vince at Rod. Nagpaalam na kasi sina Monique at Jane na mauuna na pag-uwi dahil may family dinner ang mga ito.

"Oh, I see. Why don't you accept the truth na hindi mo talaga matatalo ang honeybird mo? You know mas sasaya ka pa and who knows baka tuluyan kang ma-fall in love sa kanya," tukso nito. "Girl wake up, ilang buwan nalang gra-graduate na tayo at hindi mo pa siya natatalo kahit sa mga quizzes natin," dagdag pa nito na mas lalong nagpainis kay Casey.

Inirapan niya ito. "Ako? Mafa-fall in love sa kanya? No way!"

"Pero engaged na kayo and sooner magiging Mrs. De La Fuentes kana. See? Why don't you learn to love him nalang at hindi iyong nakikipag-compete ka sa kanya? Parehas naman kayo magaling, eh!"

"Just shut up Sharmine, alam mo naman kung bakit kami nagsasama. And besides, he is not the type of guy na magugustuhan ko!" tumingin siya sa tatlo at natuon ang mga mata niya kay Rod.

"Okay, okay. But speaking of the bastard, he's coming."

"Sharmine, pakisabi sa katabi mo na uuwi na kami!" si JP. Pagkalapit na pagkalapit sa kanila, hindi ito tumingin kay Casey.

Tumaas ang kilay ni Casey. "Sharmine, pakisabi rin d'yan na kaya kong umuwi mag-isa!"

"Sharmine, pakisabi d'yan sa babaeng yan na sige maglakad siya pauwi!" ganti naman nito.

Tumayo si Sharmine na nasa pagitan nila. "Pakisabi sa inyong dalawa, na tigilan niyo na kaartehan niyo, pwede? Ayan oh, face-to-face na kayo, naririnig niyo naman ang isa't isa, 'di ba?" sabay turo sa mga mukha nila. "Bakit hindi niyo kaya subukan mag-usap? Ano akala niyo sa akin bluetooth? No, Wi-Fi na pala ngayon!" naglakad na ito palayo sa kanila.

Inis na kinuha niya ang books at nag-martsa papunta sa parking area. Sumunod naman sa kanya si JP na noo'y magkadikit din ang mga kilay. Mayroon silang personal driver—si Mang Ben. Pero hindi ito nakatira sa bahay nila, stay-out kasi ito, believe it or not they live under one roof!

Magka-close kasi ang family nila, ang Dela Fuentes – Go. Kaya naman bata palang sila ay pinagkasunduan nang both sides na sila ang magkakatuluyan. First year palang ay engaged na sila at pinatira na sila sa iisang bubong.

Can you imagine that? Pero they have to go in a flow. Mayroon naman silang privacy sa loob ng bahay, magkaiba ang kwarto nila. Hindi naman sila pinipilit na magsama, pero wala daw silang mamanahin if ever hindi sila sasang-ayon sa gusto ng kanilang mga magulang, they have to work hard for it at ayaw nila ng ganun. Kaya they decided to act as if they like each other 'till they get want they want and boom, tapos ang istorya.

"Honey, hurry..." ani Casey. Honey? Eww! Well... the acting is now begin because Mang Ben is watching them. Kumapit siya sa mga braso ni JP ng makalapit ito sa kanya.

Pinagbuksan naman siya ni JP ng sasakyan. "Ang sweet naman ng honey ko!" pang aasar niya.

Napailing naman ito. Inihilig ni JP ang ulo sa balikat niya. "You know what? You look stupid!" bulong nito.

Nag init ang ulo ni Casey. "Really?" she gives him a quick punch on his belly.

"Aw!" napayuko naman ito.

"Honey, okay ka lang ba? Sumakit ba ang tiyan mo? Gusto mong pumunta tayo sa hospital?" kunwaring pag-aalala niya tapos tiningnan nito si Mang Ben. "Mang Ben—"

"Hindi. Okay lang ako, H-O-N-E-Y!" pagdidiin ni JP sa endermeant nila. "Thanks for your concern," JP gritted his teeth.

"You're welcome!" matamis siyang ngumiti dito. Akala mo ha!

Tumingin sa front view mirror si Mang Ben para masilip sila. "Sir, Ma'am, sa Mansion raw po kayo bukas mag di-dinner."

Napaayos siya ng upo. " Naku! Mang Ben may lakad po kasi ako este kami ni JP bukas, eh..." napatingin siya kay JP. Napakagat-labi siya. May usapan na kasi sila ni Rod na manunuod ng sine bukas.

"San naman kayo pupunta?"

Aba'y napaka-chismoso talaga nito. "Mang Ben sabihin mo kina Dad at Mom na pupunta kami," JP held her hands sabay ngisi nito. "Right, honey?"

"Pero honey..." pinandilatan niya ito at bumulong ng "may lakad ako bukas!"

Mas lalong lumuwag ang pagkakangiti ni JP. "Honey, we can celebrate our Anniversary with them naman, eh. Pagbigyan na natin sila Daddy, minsan lang naman sila maglambing, hmmm?"

"A-anniversary?!" bulalas niya. Anong Anniversary ang pinagsasabi nito.

"Don't be stupid," anas ni JP para 'di sila marinig ni Mang Ben dahil may signal ang tainga nito. Bukod sa pagiging driver ay trabaho din nitong bantayan sila at i-report lahat ng mga nakita at narinig nito sa kanilang mga magulang. Tiningnan nito si Mang Ben. "Pupunta po kami."

Nagpaalam na si Mang Ben pagkahatid nito sa kanila.

Inis na kinuha niya ang throw pillow sa sofa at ibinato kay JP, sapol ito sa ulo. "I hate you! Alam mo namang may lakad ako bukas!"

"Then call Daddy to cancel," balewalang sagot nito sabay pulot ng throw pillow na binato niya at muling nilagay sa sofa.

"Grrr! Nakaka—" kinuha niya ang isa pang throw pillow at akmang ibabato ulit kay JP pero kapwa sila napatingin sa bandang kitchen just to find out that Mrs. Kiana is standing there while watching them. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila. "Mommy..."

"Anong nakaka si JP, anak?"

Nakita kaya ni Mom ang pagbato ko kay JP? Patay!

"Si Mommy talaga, nag lalambingan lang po kami ni JP. Nakaka-inlove po kasi siya." Eww! Yuck! Yuck! Pweee.

Nakita niya ang pagtaas ng kilay ni JP sa sinabi niya. Tseh! Kasuka kaya! Inakbayan siya nito while she put her arms around his waist.

"Mom, what brought you here?" pag-iiba niya sa topic.

"Well, nag grocery kasi ako at naisipan ko lang dalawin kayo dito. Nag grocery narin ako ng good for one week sa inyo, please baby you have to learn how to cook, hindi iyong puro nalang delivery ang pinapakain mo kay JP."

"You're right, 'My!" sang-ayon ni JP. Nasa mukha nito ang pa-awa epek.

"Mom, JP will understand me, he always will. We talked about this already. Nagfo-focus po kasi kami sa exams namin, 'di ba, honey?" hinigpitan niya ang pagkakayakap kay JP as a warning na 'wag na itong pumalag pa.

"Okay, pero kailangan mo paring matutong magluto. Bueno, aalis na ako. Mag-iingat kayo and please JP don't spoil her, okay?"

"Yes 'My. Take care po."

Inihatid nila si Mrs. Kiana sa pinto. She kiss her cheeks.

"Bye, Mom!"

Mabilis na naghiwalay silang dalawa ng sumara na ang pinto. Kunwaring nagkamot si Casey sa mga brasong kani-kanilang nakayakap kay JP.

"So itchy!"

"Maligo ka kasi, ayan oh, puro libag galing sa mga braso mo!" sabay talikod sa kanya at pumanhik na ito sa kwarto sa taas.

Boom basag siya.

"Jun Paolo De La fuentes may araw karin sa akin! Sinusumpa ko! G-R-R-R!"

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon