CHAPTER TWENTY-ONE

1.1K 34 1
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon nga buwan na. Pinipilit nilang makipag-ayos kay Rod pero nirerespeto nalang nila ito. Nanalo ang team nila JP sa basketball tournament dahil gaya ng pinangako nito, bumawi nga ito. Naging sports naman ang dalawa sa game. Habang taga-cheer naman siya nito. Pero sa exams hindi niya parin ito natatalo—as always, pero hindi na siya naiinis tuwing nalalamangan nito. Dumating din ang araw na pinakahihintay ni Sharmine—ang interschool beauty pageant.

Nandoroon sila para sumuporta at syempre pati ang buong school. Perfect na sana ang lahat kung sana okay na sila ni Rod. Nalulungkot parin siya.

Isang mabilis na kiss ang ginawa ni JP sa pisnge niya. "Okay lang ba ang honey ko?"

"Oo naman. Teka, why are you here? Kawawa si Vince doon hindi mo tinutulungan mag ayos ng tarpaulin ni Sharmine."

"Eh na miss ko kaagad ang honeybird ko. At isa pa..." hininaan nito ang boses. "Katulong niya si Jane doon, mas gusto naman ni Vince si Jane na makatulong than me, 'di ba?" niyakap siya nito. "Dito nalang ako sa honey ko."

"Magsilabas kayo dito!!!!" si Sharmine. "Bawal ang lovebirds dito. Nakaka-inggit!" tinaboy sila nito. "Saan na iyong make up artist ko?"

"Si Jane? Nandoon kay Vince," si Monique. "Hi, lovebirds!" bati nito sa kanilang dalawa.

"Huwag kanang maiinggit sa kanila, dahil may flowers ka," ini-abot nito ang bulaklak kay Sharmine.

"From whom?"

Nagkibit-balikat si Monique. Hinila na siya nito. "Hiramin ko muna si Casey, aayusin pa namin ang mga susuotin ni Sharmine."

Nagsimula na ang contest. Madaming taga-ibang schools ang nandoroon. Sumasakit ang ulo ni Casey dahil sa sobrang dami nila sa gymnasium kung saan gaganapin ang contest. Kanya kanya pa ng sigawan para sa mga pambato nito. Pati ang mga pa-girlie ay naki-cheer na rin para kay Sharmine.

"Go Sharmine Verde! Ilampaso mo sila!" hyper na sabi Monique. Katabi nito ang tahimik lang na si Rod. Nandoon ito para sumuporta kay Sharmine pero hindi para makipag-ayos sa kanila ni JP.

Napatingin siya kay JP. "Honey, kausapin mo na si Rod, oh. I know miss mo na rin ang samahan ninyo. Lower your pride."

Hindi ito nagsalita. "Pag ready na ako. But for now si Sharmine muna ang pagtuunan natin."

"OMG! Is that Marian Rivera and Dingdong Dantes?" tukoy nito sa dalawang judges. Katabi ng dalawa si Miss Rein na isa din sa mga judges. Sampo lahat ang judges para walang masabing dayaan sa botohan.

"Yup."

"I love you, DongYaaaan!" sigaw nito.

Napatakip sa tainga si JP sa lakas ng boses nito. Hindi niya mapigilang mapatingin kay Rod. Alam niyang nasaktan nila si Rod at nalulungkot si Casey dahil doon. Para kay Casey kakausapin niya na ito, ayaw niya rin na magkaroon sila ng samaan ng loob lalo na't malapit na ang kanilang graduation.

Kanya kanyang hiyawan tuwing tinatawag ang mga pambato nila, hindi sympre magpapatalo ang HSHS. Sharmine deserves to be crowned dahil sa ganda nito na naiiba sa lahat, she deserves the spot. Magaling din itong sumayaw na siyang ginawa nitong talent. Napahanga din nito ang mga judges sa Q&A portion. Lalo na sa pagdadala nito ng sarili. Ang high ng confidence nito na mananalo sa pageant. At sa huli ng patimpalak ito nga ang hinarang na nanalo. Natutuwa sila para dito at proud na proud sila para sa kaibigan.

"Congratulations, Sharmine. Ang ganda ganda mo girl!" si Jane.

"Ang galing mo kasing mag make up eh, and I just can't believe it's really happening now. Ako ang nanalo girls!"

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon