CHAPTER SEVEN

1.6K 55 0
                                    

GUIDANCE ROOM

Nagkaharap-harap sila sa loob habang nakaharap sa mesa ni Miss Rein.

"They started Ma'am!" sabi kaagad ni Jinky, katabi nito ang mga pa-girlie na sabog-sabog ang mga buhok.

"Napaka-sinungaling mo!" si Sharmine.

"Tumigil kayo!" pulang-pula na ang mukha ni Miss Rein. "My God! kung kailan fourth year na kayo, saka pa kayo magkakaroon ng bad records sa akin! Casey, kayo naman, bakit niyo pa kasi pinatulan?"

"Nanahimik po kami Ma'am. Kaya lang siya po talaga ang umuna, winisikan niya po ang mukha namin ni Shar ng tubig," paliwanag niya.

"Totoo ba iyon, Jinky?" baling nito.

"Hindi po, they started it first. Dahil hindi nila matanggap na ako ang lalaban sa interschool beauty pageant. Naiinggit po kasi sila sa akin," mabilis na sagot nito at nagsinungaling pa.

"Aba't—" mabilis na pinigilan ni Rod si Shar dahil balak ulit nitong sabunutan ang una.

"Shar, calm down."

"Gusto niyo bang ipatawag ko ang mga parents ninyo?" banta ni Miss Rein.

Mabilis silang umiling. "No, Ma'am!"

"Dahil sa gulong ginawa niyo. Casey, Sharmine, Monique, Jane, Jinky, at kayo—" tinuro nito ang mga pa-girlie. "You ko-community service kayong lahat."

"No waaaay! I will tell this to Daddy!" banta ni Jinky.

"Go ahead Jinky," sabi ni Rein. "Tell your Daddy, let's see kung sino ang papanigan niya sa ating dalawa."

Natahimik si Jinky at galit na tiningnan sila. Nagmartsa na ito palabas sa guidance. Nagkatinginan naman sila dahil napataob nito ang mayabang at maarteng si Jinky.

"You disappointed me girls," si Miss Rein at pinalabas na sila.

"Watta bad day!" padapang nahiga si Casey sa sofa pagkadating nila sa bahay. Hinatid sila ng service ni Vincent sa bahay nila. Nakatikim din sila nang katakot-takot na sermon mula kay Mr. Bitoon dahil hindi nila natapos ang subject nito dahil nga sa nangyaring rambolan. Ipapaskil nalang daw nito ang results sa kanilang naging exam, at ang hindi matanggap-tanggap ni Casey ay ang minus daw nito sa kanilang magiging score.

"Bakit niyo pa kasi pinatulan," lumapit si JP sa kanya. "Look at your face, para kang palaboy-laboy sa kalye."

"At least magandang palaboy!" nanghaba ang nguso niya. Umayos siya ng upo. "Are you okay? Can I see your back?"

Umiling ito. "I'm fine, parang langgam lang naman iyong hampas niya sa akin, eh!" itinaas niya ang braso at pinalaki ang muscle. "See?"

Hindi napigilan ni Casey ang matawa sa inakto nito.

---

Napasandal si JP pagkapasok niya sa loob ng silid niya. Pero bigla din niyang iniwas ang likod sa pagkakadikit. Napahawak siya sa likod dahil ang totoo masakit talaga iyon, tumama kasi ang singsing nito sa likod niya. Hinubad niya ang uniform at tiningnan ang likod sa salamin.

May pasa nga. Pero mas okay na iyon kaysa naman si Casey ang natamaan kanina. Teka, nag-aalala ba siya dahil baka nasaktan ito kung hindi niya naiharang ang sarili kaagad?

Napahilamos siya. "No, JP wake up!" sinampal-sampal niya ang pisnge at padapang nahiga sa kama niya. Matutulog na lang siya at kung baka ano pa ang pumasok sa isipan niya.

---

"Hey..."

Napayakap sa unan si Casey ng marinig ang boses ni Rod sa kabilang linya.

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon