CHAPTER TWO

2.5K 72 3
                                    

Kanina pa siya palakad-lakad sa salas. Nagdadalawang isip kasi siya kung tatawagan o hindi si Rod para ipaalam dito na hindi na matutuloy ang lakad nila bukas.

"Pwede ba? Para kang kabute diyan! Umupo ka nga, nakaharang ka, oh!" sita sa kanya ni JP, nanunuod ito ng basketball.

Inirapan niya ito at padabog na naupo sa sofa. "This is your fault!"

"Ows? You know pwede namang tawagan mo si Dad, eh," sabay abot sa kanya ng cellphone. "Here take it, para matuloy iyong date mo bukas."

Inis na tinabig niya ang kamay nito. "Nevermind!" tiningnan niya ang cellphone na hawak. Should I call him or not? No no! I need to tell him!

"Hello? Oh, Rod."

Bigla siyang napatingin kay JP ng marinig ang pangalan ni Rod.

"Oh, sorry ha? Hindi siya matutuloy bukas kasi may ka-date siyang iba."

Nanlaki ang mga mata niya at hinablot ang cellphone nito just to find out that he was just teasing her. Hindi naman talaga kausap nito si Rod. Inis na ibinalik niya dito ang cellphone nito.

"Bweset ka talaga!"

"You're welcome!" tumawa si JP.

Rod's calling...

"OMG! He's calling!" napatayo siya then she cleared her throat first. "H-hi, Rod."

"Hi, good evening. Are you ready for tomorrow?"

"Ahm... Rod, about tomorrow... sorry pero hindi na tayo matutuloy. Bigla kasing pinapapunta kami sa bahay nila Mommy, eh. May dinner kasi kami sa bahay nila JP," napakagat-kuku siya habang nag i-explain dito. Sayang, dream pa naman niyang makasama ito sa sinehan, hindi iyong puro JP nalang.

"Ganun, ba? Sige next time nalang," may panghihinayang sa boses nito.

"Sorry, talaga."

"No, it's okay. I understand. You don't have to apologize."

"Thank you," ibinaba niya na ang cellphone at pabagsak na naupo ulit sa sofa.

"May plano ka bang sirain itong sofa?"

"Just shut up! Dahil kung may plano man ako, hindi sofa iyon kundi iyang pagmumukha mo!"

"Mayroon ka ba ngayon?"

Naiiritang hinarap niya ito. "Bakit?!"

"Ayon oh, tagos!" JP pointed her butt. Nanlaki ang mga mata ni Casey at patakbong pumasok sa kanyang kwarto ng makumpirmang may tagos nga siya. Naririnig pa niya ang malakas na pagtawa ni JP sa salas.

Panay parin ang tawa ni JP habang lulan sila sa sasakyan. Buong araw nag kulong si Casey at lumabas lang ito nang sinundo na sila ni Mang Ben.

"Will you just shut up?" she hissed.

"I just can't help it!" natatawa parin ito tuwing naaalala ang tagos niya, pero nanahimik na ito ng makarating na sila sa mansiyon. Hinawakan ni JP ang mga kamay ni Casey. "We're here honey, are you ready?"

She took a deep sigh because they need to act again. Tumango si Casey kaya lumabas na ito ng sasakyan at inalalayan naman siya kaagad ni JP. See? Ang galing talaga nitong umarte, bakit ang hindi? Lahat ng kanto ay may mga CCTV! Kaya the moment na lalabas sila ng sasakyan, dapat naka-acting on mode na sila. Sasakit na naman ang panga nila kaka-ngiti sa isa't isa.

"This is sucks!" bulong ni Casey.

"Hell, yeah!" ganti ni JP. Bumati sa kanila ang mga kasambahay na naka-line up pagpasok nila sa bulwagan.

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon