CHAPTER FOURTEEN

1K 29 0
                                    

Nagsalita na ang host, magsisimula na ang search pero wala sa patimpalak ang isipan niya. Kundi sa dalawang tao sa labas ng gymnasium ngayon.

Hindi maintindihan ni JP kung bakit ganun nalang ang naging reaksiyon niya kanina. Parang may kung anong demonyong sumanib sa katawan niya. Nagagalit siya na hindi niya maintindihan. He needs an air. Dumeretso siya sa likod kung saan kita mula doon ang malawak na football field.

"Bro," si Rod. Tinabihan siya nito sa pagkakatayo.

"Dapat hindi mo iniwanan si Casey sa loob."

"Do you like Casey?"

"She's my fiancee."

Napabuntong hininga si Rod. "I like her JP, and I'm willing to fight my feelings towards her if you don't like her. I respect you as my friend and also as a man. Ayaw ko ring maging complicated ang lahat at si Casey ang maiipit sa sitwasyon. That's why I am asking you now. Do you like her?"

"Pag sinabi ko bang gusto ko na siya titigilan mo na siya?"

Nagkibit balikat si Rod. "No. As long as Casey let me, but I am willing to give up if ikaw ang gusto niya," Rod extented his hands. "May the best man wins."

Tinanggap niya iyon. "Don't hurt her Rod, alam ko namang kaya siya nasa akin parin dahil sa kasunduan namin. I know she likes you, pero sana hangga't fiancee ko pa siya, know your limits," iniwan niya na ito.

Panay ang hiyawan ng makapasok siya ulit sa loob, kabilang na doon si Casey na sinisigaw ang number eight—si Shar. Tinatawag na ng host ang papasok sa top twelve pagkatapos rumampa ang lahat ng sumali.

"Eight! Eight!" chores nila Jane, Monique, at Casey.

Lumapit siya dito. "Take it easy baka mamaos ka."

Inirapan siya nito. "Cheer mo nalang kaya siya? Sigaw ka ng eight!!!"

Napailing siya. His hearts jumped ng bigla itong lumingon sa kanya. They are face to face he could breathe her breathings.

"Number eight!" ani ng host.

"Oh my gosh! Casey! Nakapasok si Sharmine!" niyugyog ni Jane si Casey sa sobrang tuwa hindi nito pansin ang namumuong pressure sa pagitan nila.

"Oh, r-really?" wala sa loob na sabi niya at ibinaling na ulit nito ang mukha sa stage. "I know you can make it Sharmine! We are so proud of you!"

Tinawag naman ang number eleven—si Jinky. Aba! Ang surot nakapasok din, down to last spot tinawag naman ang number two—si Shey, na isa sa mga pa-girlie.

Masayang niyakap sila ni Sharmine pagkatapos ng event.

"Huwag kang masyadong masaya hindi pa tapos ang pageant!" si Jinky.

"Alam mo napaka-insecure mo siguro, no? Dahil di hamak na mas maganda ako sayo, with or without make-up!" palaban na sagot ni Shar.

"Tama na Shar, huwag mo nalang pansinin," si Jane. Hinila na nito si Sharmine.

"Mang Ben, ingat po kayo!" kumaway si Casey ng makaalis na si Mang Ben. Without looking at JP ay nagtuloy tuloy na siya sa loob. Nakasunod naman sa kanya si JP.

"Casey, wait..." pigil ni JP sa braso niya. Huminto siya pero hindi siya humarap dito.

"Kung talagang gusto mo si Rod, okay lang. Go and date with him, pero sana huwag sa school. Pwede ba yon?"

Napakagat labi si Casey, wala talaga itong pakialam. "Wala kana bang ibang sasabihin?" iwinaksi niya ang brasong hawak nito ng hindi ito sumagot. Nagtuloy-tuloy na siya sa silid niya.

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon