CHAPTER ELEVEN

1.1K 35 0
                                    

Nangunot ang noo ni JP ng makitang pasinghot-singhot si Casey habang naka-upo sa likod bahay. Nakababad ang mga paa nito sa pool at ginagalaw ang tubig. Anong drama na naman kaya nito?

Nilapitan niya ito at binigyan ng tissue. "Sipon mo tumutulo na, kawawa naman yong tubig!" without looking at him kinuha ni ni Casey ang tissue at suminga doon.

"Kadiri ka."

"Pwede ba? HHuwag mong sisirain ang moment ko? Matulog ka nalang," asik nito sa kanya.

He is wondering why she hate him so much? Wala naman siyang ginagawa na ikakagalit nito. He took a sigh. "I can't sleep. Hearing your sobbing sucks," sa wakas lumingon ito sa kanya. Namamaga talaga mata nito.

"Hey, is that really serious?" napalitan ng pag-aalala ang pang aasar niya dito.

Hindi ito nagsalita basta lang ginagalaw-galaw nito ang mga paa sa pool. Malungkot na malungkot talaga ito. Tinabihan niya ito sa pag upo at ginaya ang ginagawa nito.

"What are you doing?" tanong nito sa kanya.

"Doing what are you doing—obviously!" sagot niya.

"JP, look. I am not in mood tonight para makipagtalo at bangayan sayo so—" nahinto ang sinasabi niya ng may iwinagayway si JP na invitation sa mukha niya.

"What is that?" akmang kukunin niya iyon pero iniiwas iyon ni JP.

"First, you have to tell me what's bothering you that makes you cry-cry. Second, stop sobbing na and please huwag kang sisimangot dahil ang pangit pangit mo."

Inirapan siya nito. "Kahit lukutin mo mukha ko, maganda parin ako noh!"

"Wala ka ring bilib sa sarili mo, noh? Anyway so ano na?" muli niyang iwinigayway ang sobre sa mukha nito.

"Tell me what is that first," turo nito sa sobre.

"Wais ka talaga, ayaw mong maisahan! Or may trust issue ka lang," napailing si JP. "Invitation from Tasteful Restaurant for their Anniversary, alam mon a eat all you can," hindi niya na binanggit ang date, dahil siguradong magwawala ito.

"Wow, that's great! Oh, my gosh! Gosh! I can believe it, you mean eat all you can? Desserts? Oh, gosh—so exciting!" napatayo si Casey at naglundag-lundag pa na akala mo hindi nag emote kani-kanina lang.

Napanganga naman si JP sa OA na reaksiyon nito. "Grabe ka! Basta pagkain nawawala ka sa katinuan mo. Oo na, big YES. But you need this," itinaas nito ang sobre. "So sit down here," tinapik niya ang tabi. "And tell me your drama earlier."

Sumunod naman kaagad si Casey. Maya-maya pa'y nalungkot ulit ito. Ha-ha! Transparent person talaga ito. Kung baka alam mo kaagad ang nararamdaman nito.

"I am being like this dahil naaawa ako kina Lolo Kel at sa ibang grannies sa GHF. Alam mo yong feeling na... kinakaawaan mo sila pero wala kana mang magagawa kundi ang patuloy na kaawaan sila, after what they did to their family, they left them alone!" tumingin si Casey sa tubig. "They has their own family pero iniwan sila, at their age kailangan nila ng kalinga at pag-aalaga galing mismo sa mga pamilya nila. Alam mo iyon... kaya nilang tiisin sila?" pinahid niya ang luha sa mga mata niya.

"Naisip ko tuloy if tatanda ba ako, may mag-aalaga ba sa akin? Aalagaan ba ako ng mga magiging anak ko o mga apo o pababayaan nila ako gaya ng nangyari sa mga granny doon sa GHF?"

Hinaplos ni JP ang likod niya, kaya naman naihilig ni Casey ang ulo sa balikat ni JP.

"I feel sorry for them, pero hindi naman lahat ganun na ang mangyayari, and besides don't pity them too much, they still lucky to have a home who taking good care of them, right? Have you seen old people lying in the street? In a cold night? Walang bahay, namamalimos ng pagkain, at hinihintay nalang ang araw na kunin sila ni Lord. Iyon ang mga taong dapat mong kaawaan at dapat tinututukan ng ating goberno."

Zz_zZ

"Casey?"

Zz_zZ

"Tinulugan na ako ng baliw na toh," inayos niya ang ulo nito sa balikat niya, hindi niya napigilan ang mapangiti ng bumuka na ang bibig nito at naglalabas ng maliliit na sounds. "Baliw talaga."

Nagising si Casey sa mismong silid niya, inaasahan niya nang magising sa sofa. Pero heto at nasa malambot siyang kama. Pumasok na siya sa loob ng banyo para maligo. Maghahanda siya para sa magiging breakfast nila ni JP. Pasasalamat na rin dahil hindi sinabi nito sa Mommy Kiana niya ang pagkasangkot niya sa rambolan sa school. At paumanhin na rin dahil tinulugan niya ito kagabi, hindi na niya kinaya pa ang antok.

Paglabas niya sa silid ay wala pa ito sa salas kaya naman tumungo na siya sa kitchen. Nangunot ang noo niya ng makita ang delivery ng Tastefull Restaurant na nakalagay sa loob ng ref, tiningnan niya ang date kung saan nakalagay pa doon. Teka.. noong isang araw pa ito, ah!

Nag isip siya. Yun 'yong time na nagpa-take out siya sa Mcdonald's! Nanulis ang nguso niya.

"Kunwari lang pala siya, sus! If I know may care naman talaga siya sa akin," she murmured. Well thanks to these foods dahil hindi na siya mahihirapang magluto! Mas lumuwag ang pagkakangiti niya.

"Init init lang ang katapat mo," kausap niya dito. "Ha-ha! Ang brainy ko talaga!"

Nagising si JP sa amoy nang niluluto ni Casey. Tumaas ang kilay niya, si Casey magluluto? Imposible yata 'yun. Sinuklay niya ng daliri ang buhok at nagsipilyo. Bumaba na siya dahil nagrarambolan na ang mga alaga niya sa tiyan.

Nangunot ang noo niya ng may kumakaluskos sa loob ng kusina.

"Casey?"

"Oh. Hi, good morning!" malapad itong ngumiti. "Sitdown," hinila nito ang upuan at pinaupo siya dito.

"May lagnat ka ba?" sa nagtatakang boses.

"Thank you," ngumiti ito.

Napatingin siya sa hinain nito. "Did you cook all of these foods?"

Ngumiti lamang ito. "I know your thankfull and you're welcome, so let's eat. Oh, I forgot to make your milo!" akmang tatayo si Casey.

"Nevermind. It's okay I will make one later."

Napabalik sa pag upo si Casey, humigop na muna siya ng kape. "Don't worry walang lason yan," hindi kasi ginagalaw ni JP ang pagkain.

"I just can't believe it. Am I still dreaming?" tinusok nito ang isang beef steak. "And these foods... look so familiar to me. I just can't figure it out—"

"Pwede ba? Dami mong arte at dada kumain kana lang kaya?" may inis na sabi ni Casey.

Natahimik si JP. Nagsimula na itong kumain, kaya kumain na rin siya. No comments from him, inaabangan niya ang comment nito sa food pero wala itong sinasabi hanggang sa matapos silang kumain.

"JP," tawag niya dito ng tapos na itong kumain at nagtitimpla na ng milo.

"Bakit?"

"Wala kalang bang sasabihin?"

"Sasabihin? Tungkol saan naman?"

Umikot ang mga mata niya. "Wala, nevermind!" niligpit niya ang pinagkainan nila. She can't believe herself doing stuff like what she is doing right now.

"Leave it. Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin," anito.

Nagkibit balikat siya. "Okay, sabi mo eh," padabog na inilapag niya ang pinggan at iniwan ito sa kitchen.

Napakamot si JP. "Ano na naman kaya problema nun?" napailing siya.

"Kainis! Kainis ka JP! kainissss!" pinagsusuntok niya ang unan. "Bweset ka! Nagpakahirap pa naman ako! Natalsikan pa ako ng mantika tapos wala man lang word of appreciation? Bweset ka talaga!"

May narinig siyang kumatok sa silid niya. Padabog na tumayo siya at pinagbuksan ito. "Ano?!"

"Thank you for the breakfast, although we both knew na pre-heated lang lahat iyon pwera sa rice syempre. But still, thank you for the effort and all."

Nawala bigla ang inis niya dito. Tumikhim siya dahil parang may bumara sa lalamunan niya. Ngumiti lang siya dito.

Binatukan siya nito. "Reyna ka talaga ng tampororot," tinalikuran na siya nito.

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon