CHAPTER THIRTEEN

1K 31 0
                                    

Hangga't maaari ayaw ni Casey na magtama man lang ang mga paningin nila ni JP, dahil naaalala lang niya ang nakaw na halik nito sa kanya. Minsan nahuhuli niya ang sariling dinadama ang sariling labi at napapangiti. She's crazy! Totally crazy!

At ngayon nga naghahanda sila para sa gaganaping search for Miss HSHS para lumaban sa interschool beauty pageant. Na aprobahan kasi ang demand nila for contest para fair sa lahat na gustong sumali. Si Sharmine ang pambato nila.

"Ang lalim nun, ah?" si Monique. Inaayos nito ang susuoting damit ni Sharmine.

"Don't mind me nalang," matamlay na sabi niya.

"Pwede ba yun? Girl I am not numb, okay? Obvious namang deadmahan kayo ni JP, eh. You act strangers from each other kaya."

Tumayo siya. "Where are they na ba?" pang-iiwas niya dito.

Now it's Monique's turn to sigh. "Just yes or no. Do you have feelings for JP?"

Natigil siya sa pag aayos ng make-up kit na gagamitin ni Shar.

"Monique—"

"Just a yes or no, Casey."

"Fine. I—I dunno! I should hate him. She's my enemy, because of him I can't be number one. Because of him, I have to give up my freedom—the freedom to choose kung sino ang gusto ko. I have to live with him at a young age and I become independent, bawat galaw ko pakiramdam ko may nakatingin and I hate it. I hate him, okay?" nauntog ni Casey ang noo sa mesa, kaagad naman siyang dinaluhan ni Monique.

Napahinto sa pagpasok si JP. Narinig niya lahat ang sinabi ni Casey. Kung ganoon hate na hate siya talaga nito. Is he ruining her life? Sinilip niya ito at nakita niya ang pagyugyog ng balikat nito habang inaalo ni Monique kaya mas bumigat ang dibdib niya.

Inaamin niyang gusto niya na ito, na totoo na lahat ng feelings niya para dito, na hindi na pagkukunwari lamang ang lahat. Nang tinanong siya ng Daddy Chris nito, totoong sagot ang sinagot niya dito. Pero anong magagawa niya kung talagang hindi siya ang gusto nito? Na ang tingin lang nito sa kanya ay isang malaking burden? Mabigat ang loob na umalis siya.

"Tahan na Casey. I'm sorry, dapat hindi nalang kita kinulit. Me and my big mouth!" inalo siya nito.

"Monique... I guess I really like him na," sa pagitan ng hikbi niya. "I just realized everything. If I don't really like him, hindi ako magtatagal na kasama siya sa bahay. Monique, I guess I love him and it bothers me now. I am not his type, he doesn't like me Monique and besides kaya lang naman siya nakikisama sa akin because of the same reason I thought I have."

"Casey, if you love him then tell him. If you can't do it then at least iparamdam mo sa kanya."

"But Rod confessed me. Si Rod ang ideal man ko. Akala ko magiging happy ako dahil at last sinabi niya ng gusto niya talaga ako, pero ngayon nahiling ko na sana hindi niya na lang sinabi iyon. Mababaliw na ako!"

Tumayo si Monique. "Si Rod ang ideal man mo, pero si JP ang mahal mo. Magkaibang bagay 'yon," pinahid nito ang luha niya. "Face them both, sundin mo kung ano talaga ang magpapasaya sayo. I know Rod matatanggap niya kung ano man ang maging sagot mo sa kanya. And about JP, lower your pride and ask him. Kung wala talaga siyang like sayo, then let him go and just stay in a flow."

"Thanks, Monique. Sorry for the short drama, ayusin na natin ito dahil ilalampaso pa natin si surot!" ngumiti siya. "Nasaan na kasi sina Sharmine?"

Ginulo nito ang bangs niya dahil kaagad nagbago ang mood niya.


Audition @ HSHS GYMNASIUM

Naghahanda na sila para sa isusuot ni Sharmine at ang magiging talent nito. Madami ang gustong sumubok at sumali sa search for Ms. HSHS nila, at kabilang na nga doon si surot. Sa lahat ng mga sasali, twelve lang ang pipiliin para maglaban-laban bukas at ang mananalo ang lalaban sa interschool beauty pageant.

At syempre moral support sila sa kaibigan. Nakita niyang tahimik lang si JP habang naka-upo sa tabi ni Vince na hawak-hawak ang camera ni Monique. Siniko siya ni Monique.

"Bakit?"

"Baka matunaw girl," tumawa ito.

"Sira," nakita niya si Rod na palapit sa kanya. Napangiti siya. "Rod, nakita mo ba si Jane? Parang hindi ko kayang mag make-up kay Shar, mas sanay siya, eh!" tinanggap niya ang ibinigay nitong mineral water. "Thanks."

"Yep, she's with Sharmine. Papunta na rin sila dito. Oh, nandito na sila!" kumaway si Rod sa dalawa.

"My god I'm so excited!" si Shar ng makalapit.

Sa kabilang grupo nandoon si Jinky. Nasa mukha nito ang confident na makakasama sa top twelve. Tinaasan nito ng kilay si Shar na hindi naman magpapatalo.

"Okay ladies, fix yourselves dahil magsisimula na tayo after thirty minutes. Make sure ready na kayo," sabi ng baklang host. Nang tumingin sila kay Jinky nag dirty finger ito sa kanila.

Tumaas tuloy ang blood pressure ni Shar. "Pigilan niyo ako guys at baka masapak ko ang bruhang iyon."

"Don't mind her, insecure lang siya sayo!" si Jane. "Ipagkatiwala mo lang sa akin ang face mo," kinuha na nito ang make-up kit. "Ready?"

"With maching nanginginig pa," si Shar.

Paglingon ni Casey nagkasalubong ang mga paningin nila ni JP. Parang may magnet na kahit gustuhin niyang umiwas ay hindi niya magawa-gawa. Totoo ba ang nakikita niyang sadness sa mga mata nito? Gustong-gusto niyang haplosin ang mukha nito para mabura ano mang lungkot na nadarama nito.

"Ehem!" si Monique.

Gusto niyang yakapin ito at sabihing mahal na niya ito na sana gustuhin siya nito, na sana totoo na lahat ang pinapakita at sinasabi nito sa harap ng ibang tao. Na sana...

"Ehem!" si Monique.

Hindi mo ba ako kayang magustuhan Casey? Sa isip ni JP habang nakatitig kay Casey. Bakit nasasaktan ako tuwing tinitingnan mo si Rod at hindi ako. Bakit kailangan ko pang maramdaman ito kahit sobrang nakakairita kana. Bakit mahal na kita kahit ilang beses ko ng narinig sayo na hinding-hindi mo ako magugustuhan.

"Ehem! Ehem! Ehem!" si Monique habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Napalingon si Rod. "Are you alright, Monique?" tanong nito.

"Ha? Ah y-yes, I'm fine very very fine!" inapakan nito ang mga paa ni Casey kaya nagising ito mula sa pagkakatitig kay JP.

"Aray ko! Bakit ka ba nang-aapak?"

"Masarap sa mata no?" bulong ni Monique.

"Ha?"

Inginuso nito si JP na busy na sa pakikinig sa headphone nito. Natahimik siya. Magkatabi kasi sila ni Rod na busy naman sa tablet nito habang si Vince naman inaayos na ang camera.

Lahat sila humanga pagkatapos ayusan ni Jane si Shar, nasa dugo nga nito si Miss Beauty. Pagkatapos ay pinagbihis na nila ito. Tinawag na ang mga contestants ng host. Kaya naman puwesto na sila sa pinakaharap ng stage. Pero hindi sa pageant kumakabog ang dibdib ni Casey kundi sa sitwasyon niya ngayon.

Nasa gitna lang naman siya nina JP at Rod, kaya kahit hindi gaanong mainit ay pinagpapawisan siya ng malapot. Nilingon niya si Monique at nakita niya ang mala-demonya nitong ngisi. Magkatabi naman sina Vince at Jane, kailan kaya magkaka official ang dalawang ito na obviously inlove naman sa isa't isa. MU lang ang drama.

Napatingin siya kay Rod ng abutan siya nito ng panyo. "Here, you're sweating," akmang kukunin niya na iyon ng biglang hablutin iyon ni JP at walang sabi sabing pinunas iyon sa mukha niya.

"I understand about your love affair but not here," anito at padabog na tumayo.

"Excuse me," paalam naman ni Rod at sinundan nito si JP sa labas. Tatayo na sana siya para sundan ang dalawa ng pigilan siya ni Monique.

Umiling ito.

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon