CHAPTER EIGHT

1.6K 49 0
                                    

"Really? That's good, at least mag i-enjoy kayo doon."

Kinuha ni JP ang isang pakpak ng fried chicken n amula parin sa Tasteful Restaurant na paborito nila. Nagdi-dinner sila habang sinasabi niya dito ang naging parusa nila sa rambolan na naganap sa restroom.

"Do you think we can make it? I know it's good to help others but by doing it personally, I don't think we can. Alam mo namang sanay na may mga maids ang mga 'yun. I'm sure mahihirapan silang alagaan ang iba especially grannies," pinapak niya ang hawak na leg part ng fried chicken. Ang naging parusa kasi sa kanila ay ang maging taga pag-alaga ng mga grannies sa Grand Home Foundation. Embes na pagwalisin sila sa mga lansangan iyon ang naisipan ni Miss Rein dahil at the same time daw may matututulungan pa sila.

"Why just them? How about you, do you think hindi ka mahihirapan?"

Inirapan niya ito. "Wala ka lang bilib sa akin. Nasanay na akong walang yaya, noh!"

"Pero wala ka paring natututunan."

"You're not helping," tinutok niya dito ang hawak na chicken.

"Kelan kayo mag i-start? Alisin mo nga yan!" tukoy nito sa chicken.

"Tomorrow 'till Friday after our class," nalungkot siya. Sabay ngatngat sa hawak na fried chicken. "Kasalanan ito ng malditang surot."

"Hindi ba siya kasama sa inyo?"

"She's the daughter of the most manhid man on earth, sa kanya na korona and besides nasampal ko lang naman siya kanina."

"Really? Wow! Katakot ka talaga, poor her," umiling-iling ito.

"JP..." tiningnan niya ito at nag puppy eyes.

"What?"

"JP..." muling sambit niya sa pangalan nito.

"Sinaltik kana naman."

"JP..." nag beautiful eyes muli siya.

"Are you going to kiss me again? Don't tell me na fa-fall kana sa akin?" tumaas ang gilid ng mga labi nito.

Namula si Casey, dahil ayaw niya na sanang alalahanin iyong stupid na ginawa niya kanina pero pinaalala pa nito.

"Kapal mo! FYI, I did it purposely para inisin iyong surot!" nanggigigil na hinati niya ang hita ng manok na halos lasog lasog na.

Natahimik si JP.

"JP..."

"What is it? Masakit na sa eardrum boses mo," asik nito.

"Don't tell this to mommy, ha. Mag pi-freak out 'yun at baka sugurin pa ang school. Alam mo namang napaka-warfreak nun. I don't want it to happen at school."

"San ka pa ba mag-mamana?"

Pok! (Binato ng buto ng manok)


GRAND HOME FOUNDATION (GHF)

Hinatid sila ng service ng school nila, kasama nila si Miss Rein para ilibot at ipakilala sila sa namamahala doon.

Nakarating sila sa pinaka office ng foundation, nalaman din nilang matagal ng nag vo-volunteer doon si Miss Rein. Mas humanga siya dito. Panay naman ang reklamo ng mga pa-girlie na nakilala nilang sina Pink, Shey, Beth, at Misty.

"Good evening, Dra. Verzosa!" bati ni Miss Rein dito. "Sila nga pala ang mga napili kong volunteers, mga student po sila ng HSHS," isa-isa na silang nagpakilala dito. "Sana po, tulungan niyo sila..." nasa mukha din ni Miss Rein ang pag alala sa kanila.

"I see. Mga anak ginto ang mga batang ito," ngumiti si Dra. Verzosa. "Don't worry Rein, kung ano ang itinuro ko sayo noon, ganoon din ang matututunan nila ngayon."

Nagkatinginan sila. Si Miss Rein? Sino ba talaga ito? Ang alam lang nila ay isa itong guidance councelor sa school nila.

"Girls behave kayo dito, okay? And please listen to Dra. V, she's good. I'm sure mag i-enjoy kayo dito."

Tumango sila. "Don't worry, Miss Rein. Hindi ka namin ipapahiya this time."

Nagpaalam na si Miss Rein. Nakatanggap siya ng text mula kay JP.

tx me if ur done there

Nag reply siya.

ok

Tinago niya na ang cellphone ng magsalita na si Dra. V. Pinasyal muna sila sa loob. Bawat silid ay may nakatirang mga lolo at lola na napabayaan na ng mga pamilya.

Huminto sila sa isang silid at tiningnan sila nito isa-isa. "Okay girls, group yourselves into two. Kayo na bahala kung sino ang magiging kasamahan niyo. Bawat grupo ay may itatalagang lider. At please lang, gamitin niyo ang salita natin kung kinakailangan, pinaka-bawal ang mag english pagkakausapin niyo na ang ating lolo't lola na hindi nakaka-intindi. Maliwanag ba?"

"Yes, Dra."

"Maliwanag ba?" ulit nito.

"Yes, Dra."

"Maliwanag ba?"

"We heard you and understand what you are talking. We are not deaf! Why do you always keep on repeating? Nakakairita!" si Shey.

"Watch you tounge hija, kung ayaw mong isang buwan magtrabaho dito."

Natahimik si Shey.

"Now, maliwanag ba?" ulit muli ni Dra.

"Maliwanag po," sagot ni Jane.

Siniko ito ni Shar. "Galing mo, ah?"

"Ulit!"

"Maliwanag po!" sabay-sabay na sagot nila dito.

Ngumiti si Dra. "Room six ang first group at ang pangalawa naman sa room eight. Sa bawat silid ay may nurse na naka-assign, at bawat silid ay may limang lolo or lola. Ang gagawin niyo lang ay kausapin sila, papakainin at papasiyahan. And girls one more thing, bawal na bawal dito ang pagmumura. You have to endure them dahil nga iba na sila kung mag isip dala ng katandaan nila. Kung may iba kayong tanong puntahan niyo lang ako sa office ko. Now, goodluck girls!"

Naunang pumasok ang pa-girlie sa room eight. Kaya doon sila sa room six. They decided na si Casey ang kanilang maging lider, since naging independent naman ito. Nakita ni Casey ang pagkamot ni Shar sa wrists nito. Habang panay naman ang bahing ni Monique.

"I'm sorry girls..." aniya.

Tinapik siya ni Monique. "Ako dapat ang mag sorry, dahil ako naman talaga ang unang pumatol sa bruhang iyon."

"Hindi siya bruha. Surot siya, isang malaking surot!" sagot niya.

Tawanan.

"Let's do this girls! Aja?"

"Aja! Fight! fight!"

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon