CHAPTER FIFTEEN

1K 36 0
                                    

Sa kanilang tambayan ay masayang binati nila si Sharmine, pagkatapos nag groufie sila para pang status sa facebook. May inihanda ding pagkain si Casey na delivery san pa? Sympre mula sa Tasteful Restaurant, free ba naman, eh.

"Casey pwede ba kitang makausap?" si Rod. Napatingin si Casey kay JP, pero lapakils ito.

Tumango siya. "Sure," naglakad lakad sila sa garden na 'di kalayuan sa kubo na pinagtatambayan nila.

"Casey. Pwede ba kitang maka-date ngayong Sunday?"

Huminto siya sa paglalakad. "Rod... alam mo ang sitwasyon ko, namin ni JP, 'di ba? What if may makakita sa atin at makarating pa sa pamilya namin?"

"I swear Casey, hindi mangyayari ang ikinakatakot mo and besides I can give you the good life too. Just give me a chance to do my thing. Gusto mo bang matali kay JP dahil sa kasunduan lamang? My God! Hindi na uso iyang arranged marriage ngayon. Alam kong maiintindihan ka rin ng family mo, hindi ka nila pipilitin sa bagay na bukal sa loob mong aayawan."

Natahimik si Casey dahil may point naman talaga si Rod. "Kakausapin ko muna si JP about this. Tatawagan nalang kita bukas if matutuloy tayo sa Sunday."

Napabuntong hininga si Rod. "Okay."

"Rod, Casey halina kayo at lalamig na itong pagkain!" sigaw ni Shar.

Napangiti sila ni Rod.

"Nandiyan na!" nagpaunahan na sila pabalik sa kubo.

Habang pilit na tinatago ni JP ang selos na nararamdaman sa pamamagitan ng poker face.

Kakatok o hindi? Katok bawi si Casey sa labas ng pinto ng silid ni JP. Naka panjama na siya.

"Teka bakit kailangan ko pang magpaalam sa kanya?" kausap niya sa sarili. Bumaba na siya ng hagdan at bumalik sa silid niya. Bangon higa naman ang ginawa niya. Mababaliw na talaga siya! Casey nasaan na ba ang utak mo? Why you're acting like an idiot! You are not stupid. Why I am being like this?

Kinuha niya ang cellphone at tinitigan ang number ni Rod. Call him or not? Date him or not? G-R-R ! Ini-umpog niya ang noo sa mga palad.

Hindi makatulog si JP sa silid niya. Laging sumusulpot sa isipan niya ang masayang mga mukha nina Rod at Casey kanina sa kubo. At naiinis siya. Bumalikwas siya ng bangon. Kailangan na niyang kausapin si Casey—once and for all! Balewala lang ba dito ang naging halik niya? Ang yakap niya? Hindi ba niya dito naiiparamdam na mahalaga na ito sa kanya? Jesus Christ, JP! What are you thinking? Sumasakit na ang ulo niya kakaisip. Bumaba siya para uminom ng tubig. Napabuga siya ng makitang may nakatitig na mga mata sa kanya—si Casey habang nakasandal ito sa dingding at nakamasid sa kanya. Puro puti pa naman ang suot nito.

"My God, Casey! You scared me! Para kang multo d'yan," ini-on niya ang ilaw sa kusina dahil sa salas lang ang may ilaw kaya nagmukha itong white lady. Hindi ito nagsalita at kinuha ang pitsel mula sa kamay niya at tinungga iyon. Gross, but he still like her.

Tinitigan siya nito. "JP may date kami sa Sunday ni Rod," walang kurap itong tumingin sa kanya.

"Oh, really? Good for you then," sagot niya. "At least may nagkamali pa pala sayo," sinabi niya lang iyon para pagtakpan ang sakit na nararamdaman niya.

"Are you really happy that I am dating him? Are you not mad? Is it okay with you?"

Ano ba talaga ang gusto nito? Hindi niya na mabasa ang nasa isip nito. Tinalikuran niya ito. "Casey gawin mo ang gusto mo. Wala akong pakialam."

Napakurap si Casey. Umalingawngaw sa pandinig niya ang sinabi ni JP. "Gawin mo ang gusto mo. Wala akong pakialam."

"Gawin mo ang gusto mo. Wala akong pakialam!" napatakip siya sa tainga. At patakbong pumasok sa silid niya. Hindi niya napigilan ang mapaluha, umaasa lang ba siya dito? Iniisip ba niyang magugustuhan siya nito? Na mahuhulog din ang feelings nito para sa kanya gaya ng nangyari sa kanya? O isa lang siyang assuming? Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Rod.

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon