CHAPTER SEVENTEEN

1K 24 0
                                    

Luxury Hotel and Restaurant

A romantic dinner.

"Hindi mo ba nagustuhan ang food?" tanong ni Rod. Hindi niya kasi ginagalaw ang pagkain na nakahain sa mesa nila. Lumilipad ang isip niya. Ito ang pangarap niyang date. A romantic date. Pero bakit wala siyang makapang kasiyahan?

Ipinasyal siya nito sa ocean park. Tuwang tuwa siya kanina. Pero ngayong nasa reality na siya. Ngayong kaharap na niya ito sa table, nawala ang excitement niya. Ang nasa isipan niya kung sino ang ka-date o kasama ni JP sa mga sandaling iyon.

"Casey, are you with me?"

"Ha? Aah. Yes. I'm sorry hindi parin kasi mawala-wala sa isip ko ang dolphin kanina. Ang galing niya no?" pagdadahilan niya.

Mataman siyang tinitigan ni Rod. "Casey. I will make you happy all the time. So please—"

"Rod. Let's not spoil the night. Alam mo naman ang magiging sagot ko, 'di ba?" tinusok niya ang steak.

Natahimik ito. Tumunog ng sweet dance sa dance floor. May mga pareha ding nakasayaw na. Tumayo si Rod at inilahad ang mga kamay sa kanya. "Can I have this dance with you?"

Ngumiti siya. Tinanggap niya ang mga palad nito. Rod is a nice man. A man. He wasn't a boy anymore. Hindi katulad ni JP na isip bata parin. Oh, dear she's thinking JP again.

Napunta sila sa gitna. Dahan-dahan na siyang sinasayaw ni Rod. He is not her first dance, dahil naisayaw na siya ni JP nung birthday party ng Don. Hay... si JP na naman. Naalala pa niya noon kung paano niya inapak apakan ang mga paa ni JP dahil ayaw niyang kasayaw ito. Inaway din siya nito nang mapag solo sila dahil namaga ang mga paa nito. Natawa siya sa alaalang iyon.

"Casey, you're laughing," si Rod.

Napakurap si Casey. "M-Masaya lang ako."

Mula sa kung saan sumulpot si JP. Nagkatinginan sila ni Rod. Anong ginagawa ni JP sa lugar na iyon? Kinuha nito ang kamay niyang nakapatong sa mga balikat ni Rod. Pinigilan naman ni Rod ang braso niya. "JP, we are not in campus right now. Let her go. I am her date."

Nakipagtitigan si JP kay Rod. "Ka-date kalang niya pero ako ang finacee niya. So let her go, Rod."

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki. Siya na ang kusang kumiwala sa dalawa dahil nasa gitna din siya ng bulwagan.

"JP, anong ginagawa mo dito?" mahinang sabi niya.

"Someone is watching us. Daddy's spy, so kailangan na nating umarte dito."

Nanlaki ang mga mata niya. "What? How did he know?"

Tumingin si JP kay Rod. "Isasayaw ko lang ang fiancee ko," kinuha niya ang kamay ni Casey at ipinatong iyon sa mga balikat niya. Tiningnan naman ng may pag unawang tingin ni Casey si Rod.

Tumango ito at tinalikuran na sila. Humarap siya kay JP. "JP this is so embarrasing for Rod."

"Shut up and just smile."

"Smile? What for?" inikot ikot na siya nito.

"Pretend as if your happy being with me," he commanded.

Lumikot ang mga mata niya. Tama nga ito parang may nakamasid sa kanila. Ngumiti siya kay JP, but it wasn't pretending anymore it is her real smile. Then camera's flashing.

"Why his taking us a picture?" anas niya dito.

"For evidence," maya-maya pa'y huminto ito sa pagsayaw sa kanya. "I think his gone!" umalis na ito sa dance floor.

Iniwan siya nito sa gitna! Napaka-ungentleman talag. Bumalik na siya sa table nila ni Rod. "Bweset talaga!" kinuha niya ang sling bag na dala niya.

"Ihahatid na kita pauwi," si Rod.

Nahihiyang tumango siya.

"Casey, get inside," si JP ng makalabas na sila. Dala parin nito ang kotse ni Monique.

"No. Ako ang maghahatid sa kanya," si Rod. "Siguro naman wala na ang spy ng Daddy mo?" nagsukatan ng tingin si Rod.

"Tama na yan. Let's go Rod," saway ni Casey sa dalawa. Sumunod siya kung saan nakaparada ang kotse ni Rod.

Nahampas ni JP ang manebela. "Shit!" kanina pa siya nakamasid sa dalawa sa loob ng hotel. At parang may kung anong karayom na tumusok sa dibdib niya ng sumayaw na ang mga ito.

May kumatok sa kotse. Ibinaba niya ang salamin. May iniabot itong sobre. Kumuha siya ng ilang libo sa wallet niya at ibinigay iyon doon.

"Thanks," tiningnan niya ang sobre. Napabuntong hininga siya. "JP, stop acting like a boy!" pinaandar na niya ang makina. Ihahatid niya nalang kina Monique ang kotse nito at matata-taxi nalang siya pauwi.

Napayuko si Casey habang lulan sa sasakyan ni Rod. Tahimik lang din ito habang nagmamaneho.

"Rod, I'm sorry... hindi ko alam na nandoroon pala siya."

"It's not your fault. It's okay. I just feel bad that I didn't make you happy."

Tumawa siya. "Ano ka ba? Sympre napasaya mo ako at nag enjoy ako ng sobra. Nakita mo ba iyong dolphin? Ang galing galing niya 'di ba? Tapos dami pa natin kinain," totoo sa loob na sabi niya dito. "So Rod. I had fun with you. Thank you."

Ngumiti lang ito. Nagulat siya ng hawakan nito ang mga kamay niya habang ang isa naman nasa manibela.

"Let me hold your hand even just for now."

Tumango siya at hinayaan na lamang ito sa gusto nito. Ini-on niya ang radio pero ang pagkakataon nga naman.

-Sino ang pipiliin ko? Ikaw ba na pangarap ko? O siya bang kumakatok sa puso ko. Oh, ano ang paiiralin ko isip ba o ang puso ko. Litong lito... sino ang pipiliin ko. Mahal ko o mahal ako-

Alanganin siyang ngumiti kay Rod habang tumutugtog ang 'Mahal ko o mahal ako' na kanta.

Naupo si Casey sofa pagkapasok sa bahay. Ang bigat bigat ng pakiramdam niya. Itinaas niya ang paa at hinubad ang suot na high heels. Dumating naman si JP. Nagkatinginan sila, siya ang unang umiwas. Tumabi ito sa pagkakaupo sa kanya.

"Seven months."

Napalingon siya dito. "Seven months?"

"Seven months from now ga-graduate na tayo. And after two to three years magpapakasal na tayo."

Natahimik si Casey. Nalungkot siya, oo nga papakasalan niya ito ngunit wala naman talaga itong pag-ibig sa kanya.

"Papakasalan mo ba ako?" in his most serious voice.

"JP..." hindi niya alam ang isasagot dito. "Oo naman. Papakasalan kita," nasagot niya at tumayo siya binitbit ang heels. Gusto na niya itong iwasan.

"Why?"

Napahinto siya sa pagtalikod dito. Ngayon lang niya naramdaman ang pagka-seryoso nito. Kahit kailan hindi nila napag usapan ng seryoso ang bagay na iyon. Dahil malinaw naman sa kanilang dalawa na kasunduan lang ang lahat ng namamagitan sa kanila.

"Ikaw ba. Gusto mo ba talaga akong pakasalan?" balik tanong niya at humarap na dito.

Tumayo ito. "Yes."

"Why?"

"Because—"

Phone ringing. Nakatitigan sila.

"Someone's calling you," tumalikod na si Casey at nagtuloy tuloy sa silid niya. Napahawak siya sa dibdib. Ano pa ba ang rason nito? Eh di dahil sa mamanahin nila.

Inis na kinuha ni JP ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya. Kung kelan may lakas ng loob na siyang sasabihin ang feelings niya tsaka naman may um-eksena.

"Hello?!"

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon