CHAPTER SIXTEEN

1K 34 0
                                    

"Bakit ka ba naglasing?!" may galit at pag aalala sa boses ni JP habang pinupunasan si Casey pagkatapos niya itong ilapag sa sofa.

Tumawa ito. "Hindi ako lasheng..." she murmured.

Binatukan niya ito ng mahina. "Pasaway ka talaga."

Text Message Alert Tone

Pakialamero siya dahil kinuha niya ang cellphone ni Casey. Galing kay Rod ang text message. Babasahin ba niya o hindi?

"No. Hindi ikaw to JP!" pinagalitan niya ang sarili at ibinalik ng cellphone ni Casey.

Hinaplos niya ang buhok nito. "Casoy, naglasing ka ba dahil nahihirapan kanang kasama ako? Dahil ba hindi kayo malaya ni Rod? Nasasakal kana ba sa kasunduan natin?" hinawakan niya ang kamay ni Casey kaya hindi niya napigilan ang mapa-iyak.

"Hindi mo ba ako tatanungin? Oo nahihirapan narin ako, eh. Nahihirapan na akong pigilan ang feelings ko para sayo. Mahal na kasi kita, eh. Mahal na kita Casey. Alam mo ba yon? Kaya... nasasaktan ako tuwing nakikita kitang masaya pag kasama mo siya."

"JP..." bumangon si Casey habang nakapikit parin ito. Teka? Gising ba ito? Naintindihan ba nito ang mga sinasabi niya? Naalarma siya.

"Casey about what I said—"

Napatigil siya ng sumuka ito sa dibdib niya.

"Casoy! Kadiri ka talagang babae ka!"

Pikit matang hinubad ni JP ang damit na sinukahan ni Casey. Ewww. Nag shower siya sa silid ni Casey. Ang paradise nitong sinumpa siguro ng mangkukulam dahil sa sobrang kalat. Napatakip siya sa katawan ng pumasok ito sa shower at naki-shower din.

"What the fuck!" hinablot niya ang tuwalya. "What are you doing?!" nakapikit parin ito habang binabasa ang katawan.

"Itchy," sagot nito habang kinakamot ang mga braso nito. Nanlaki ang mga mata niya ng hubarin nito ang damit. Akala ba nito hindi siya nandoroon?!

Nagmamadali siyang lumabas sa shower room at humihingal na pumasok sa silid niya. "She's crazy! Ganun pala siya pag nalasing! Paano pag hindi ako ang kasama niya? Paano pag si Rod ang—"

Napabuntong hininga siya. Siya yata ang baliw. Ipinagpatuloy na niya ang pag sha-shower. Pagkatapos magbihis bumaba siya para kumustahin si Casey.

Nakadapa na ito sa kama. Pero basa parin ang katawan nito. She's just wearing her undies. Pikit matang kinuha niya ang kumot at tinakip sa katawan nito. Umiinit na ang ulo niya at nauubusan na siya ng pasensiya para dito. Katapos lang niya mag shower pero pinagpapawisan na kaagad siya. Shit naaapektuhan na ang pagkatao niya dito. Hinalungkat niya ang closet nito.

Kumuha siya ng damit nito at undies. Bibihisan niya ito? Nanginig ang mga kamay niya ng i-unlock niya ang hook ng bra nito sa ilalim ng kumot. Inhale. exhale. Hindi niya yata kaya! Hindi niya kayang pigilan ang kakaibang nararamdaman para dito.

"JP, walang malisya okay? You're just trying to help her," kumbinsi niya sa sarili. Ipinagpatuloy na niya ang pagbibihis dito. Bahala na.

Alas tres na ng umaga ng mapanatag na sila pareho. Mahimbing na mahimbing na ang tulog ni Casey. Napangiti si JP habang nakatitig dito. "Kakaiba ka talaga," inayos niya ang kumot nito att ini-off ang lampshade nito. "Sleepwell, princess!" mabilis na hinalikan niya ito sa labi.

Mabigat ang ulo ni Casey ng magising, ginusot din niya ang mga mata dahil pakiramdam niya nakadikit ang mga iyon. Napatitig siya sa kesame, pilit niyang inaalala ang nangyari sa kanya kagabi. Naalala niya lang iyong pagpapaalam nila Jane at Shar. Nanlaki ang mga mata niya ng mapansing iba na ang damit niya. Sinilip niya ang panty niya. Namula ang mukha niya ng iba na ang suot niyang undies! Pumasok siya sa shower at nakita niyang nakasampay na doon ang undies niya at ang damit na suot suot niya kagabi.

MARRYING MY BEST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon