CHAPTER 2- Tournament

383 197 377
                                    

 
☘️Andrea Borjan☘️

Nakatingin lang ako sa arena, sasabog na yata yung ulo ko kakaisip sa mga nangyari kanina. Ayoko na sanang manood ng tournament ngunit lalaban kasi ang lahat ng kasali sa Upper Level, kasali na 'yung Elion na iyon na ubod ng yabang. At kung pagbabasehan lang ang bilang ng mga estudyanteng kasali sa tournament, kung sino pa ang pinakamarami ay iyon pa ang mahina. Kakaunti lamang kasi ang mga miyembro ng UL Team ngunit ang tapang at galing nito ay triple pa sa mga Lower Levels. Pero hindi ko tinutukoy na kaming Lower Level ang mahina ha, dahil naniniwala ako na may kanya kanya kaming lakas na ipapakita sa takdang panahon.

"Hindi talaga katanggap tanggap ang ginawang panloloko sa atin no?" Bumaling ako sa aking katabi dala na rin sa pagkagulat dahil ako pala ang kinakausap niya at hindi ko siya kilala. Nagkibit-balikat na lamang ako at ngumiti para bigyan siya ng ideya na wala akong ganang makipag usap sa ngayon.

Itinuon ko nalamang muli ang aking gawi sa arena kung saan itinatanghal ang bawat tournaments ng UP High. Napansin kong nagsisialisan na rin ang mga estudyante dala ng pagkalungkot, halos makikita sa mukha nila ang pagkabigo lalong lao na ang mga Lower Levels dahil panandalian kaming natapos sa tournament.

Ang ginawang paghahanda sa amin ay isang Testing Ability. Bago itong istratehiya sa pagtuklas kung gaano kalakas o katapang ang isang tao sa pamamagitan ng pagharap nito sa karumaldumal na sitwasyon.

Masasabi kong halos lahat ng kalahok dito, kaming mga taga Lower Level ay nabigo. Upper Level ang gumabay saamin sa tournament, karamihan ay na lilong sa pagfocus ng gawain dahil sa laking paghanga sakanila.

"Aish! Nakakainis!" Kumento ko, nag peace sign ako kaagad nang kamuntikang makuha ang atensiyon ng iba. Kung hindi lang sana ako nag alala, humingi ng tulong at umiyak kanina nang dahil kay Elion kaysa tinapangan ang loob sa paghahanap ay sana'y may pagkakataon pa ako na umabot sa Upper Level.

Nagsimulang magsigawan ang mga estudyante nang pumasok ang unang pares ng kalahok sa loob ng barrier at pumwesto sa magkabilang dulo. Naghiyawan ang mga estudyante sa banda ko nang pumito ang guro ng UL team.

Agad na nagpaulan ng malalaking bomba ang isang kalahok at mabilis na iniwasan ito ang isa pang kalahok, ang pagkakatanda ko Ace ang pangalan nito dahil sa sobrang bilis ng katawan niya. Ang ginawang depensa ng isa ay nagimplant ng mines kung sakaling hihinto si Ace at natsambahan ang pagkakatayo sa ibinaon na bomba, at tama nga ang hinala nito kaya nadaplisan ang tuhod ni Ace dahil na rin sa walang katapusang bomba ang pagpapaputok ng kalaban.

Magdamag na nakabukas ang aking bibig sa pagkakamangha dahil kakasimula palang ng laban ay ramdam ko na ang tensiyon sa alitan ng dalawa.

Nagkaroon ng pagkakataon na sugurin ni Ace ang kalaban dahil sa usok na bumabalot sa barrier dala ng sumabog na bomba. Nakarinig ako ng ibang reklamo sa mga estudyante dahil hindi na rin namin maaninag ang ilang aksyong nagaganap sa loob. Nang lumisan ang usok sa gawi ni Ace, nasaksihan na namin ang mga hakbang nito na patahimik habang papalapit ito sa kalaban. Unti-unti nitong hinugot ang isang dagger noong nasa likuran na siya ng kalaban habang abala ito sa paghahanp kay Ace. Nagkunot ang mga kilay ng kalaban dahil mukhang naramdaman niyang may tao sa likuran niya kaya mabilis na tumalikod ito ngunit huli na ang lahat dahil nakatutok ang dagger sa kanyang leeg. Bahagyang gusto pa nitong lumaban ngunit napangisi si Ace sa inasta nito at ibinaon ng kaunti ang dagger sa leeg nito. Nakaramdam ng takot ang kalaban dahil paniguradong isang galaw pa nito at tutuluyan na siya ni Ace.

The Upper LevelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon