CHAPTER 17- Lost

129 88 43
                                        

☘️Andrea Borjan☘️

TATLONG araw na akong hindi pumapasok ng paaralan. Marahan kong isinara ang aking mga mata at dinama ang napakalamig na simoy ng hangin. Nandito ako sa bundok, ang palagi kong tambayan.

Napaisip ako ng malalim kung bakit nadamay sa kapahamakan ang aking mga magulang, dahil ba sa dami ng kontribusyong nagawa nila para sa unibersidad at ang matalik pa nilang kaibigan ang tra-traydor sakanila para makuha ito?

"That's so absurd! Ginagawa lang naman ni Dad ang kanyang tungkulin sa pagiging headmaster at si Mom na parating suportado sa mga plano niya."

Ngunit kaparehong-kapareho ang mga itim na mata ni Mr. Xander sa mga taong nakasalamuha ko! Si Sandy naman ay sa mock battle at yung kay Zilt na parati kong nakikita!

Muli kong binuksan ang talukap ng aking mga mata at tinignan ang kabuuan ng UP High.

"Ang UP High ay ang pinaka-prestige na school sa lahat, kinauukulan na ito ang pinakamalakas," panimula ko.

"My dad made the UP High to be respected by people. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko maging Upperian, ang sumunod sa yapak ni Dad at magdulot ng kabutihan."

"E ano namang mapapala nila sa UP High?" Tanong ko sa sarili.

"Ah!" Isang ideya ang pumasok sa aking kokote dahil napag-aralan ko ito sa history class.

"They say, UP High was a gift from above and I can't question that. Only this school was blessed by the Elemental Powers and that gift was the Pyramid of Heirloom."

"So bakit nga gusto nilang mapasakamay ang UP High?" Kulit ko sa sarili.

"Meaning, if you own the school you are powerful like them! You have been blessed also to eternity. Kaya siguro gusto nilang makuha."

"Ah..." Tumango ako. Minsan ay sinasampal ko ang sarili dahil ako lang naman ang sumasagot sa katanungan ko. Parang baliw!

Tumayo ako sa kinaroroonan ko at sinimulang tahakin ang back gate ng school.

"People are out of control to get the things they aren't meant for them. Tsk tsk!" Bulong ko sa sarili habang isinuksok ang microchip sa bulsa ng pantalon ko.

Dahil hindi rin naman ako sigurado sa mga pinagsasagot ko, ang daan ko ngayon ay papunta sa Headmaster's office. I can't take any more conclusions! Tito Liyon is only the person who knows this thing at sana'y masagot niya ang mga katanungan ko.





The Upper LevelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon