CHAPTER 10- Visitation of Councellors

247 157 201
                                    

☘️Andrea Borjan☘️

Naghanda ang bawat isa sa gaganaping pagdalo ng mga counsellors ng bawat paaralan. Para bang isa itong acquaintance party. Hindi mawawala ang sayawan at saluhan ng mga nakahandang pagkain. Maliban doon ay magaganap ang pagpupugay sa mga naging contribusyon ng mga councellors upang maging isang prestigious school ang UP High.

Busy ang mga estudyante sa pagdisensyo ng kabuuan ng magiging venue sa loob ng UP High. Karamihan ay naglalagay ng tables and chairs, may nagaassemble ng mga bulaklak at iba pa. Kapag natapos na sa kanilang gawain ay maari silang lumabas upang mamili ng susuotin at mapaghandaan ang event na magaganap mamayang gabi.

"Tara na Andrea." Yaya ni Vani saakin, sumunod naman ako sakanya at sumakay ng sasakyan. Sinigurado kong nakakapit saakin ang seatbelt at ligtas ang magiging byahe naming dalawa. May phobia kasi ako pagnakasakay ako sa mga sasakyan. Ayokong matulad sa kahihinatnan ng aking mga magulang.

"Ready ka na ba? Let's go!" Masiklabong sabi ni Vani at pinaandar ang sasakyang nakuha niya sa pagkapanalo ng Treasure Hunt. Bumuntong hininga ako at hindi muna inisip ang nakaraan.

Isang oras ang pagbya-byahe dala na rin ng traffic ay nakarating na kami sa UP Street. Isang malaking mall ang bumungad saamin at napakaraming estudyante ang namimili sa mga stalls ng mall. Bigla akong hinila ni Vani sa loob at masayang tinahak ang ground floor.

"Woah! The last time I've seen this was there are only few stalls. Grabe ang upgrade at dumagdag ang samut-saring signature brands!" Kumento nito.

Nakailang stalls na rin kami sa top floor at wala pang napipili si Vani sa magiging suot ko. Napagdesisyunan ko kasi na siya nalang pumili para sa akin dahil hindi ko naman hilig magsuot ng mga long gowns and dresses. Habang abala ito sa paglalakad ng napili niyang heels ay para bang may umudyok sa akin na tumayo at pumunta sa isang vinatage section sa panakagilid ng mall kung saan mangilan ngilan lang ang lumalabas na estudyante.

"Vani, titingin lang ako sa pinakadulo." Pagpapaalam ko.

"Sige Andrea, dito na ako magpapaayos ng damit" Habol niya saakin bago ako nakarating sa labas.

Dahan-dahan kong hinawi ang nakapalibot na kurtina sa pintuan at bumungad sa akin ang malawak na loob.

"Tao po?" Nilibot ko ang loob nito at hinawi ko ang bawat dresses na nadadaanan ko. Namangha ako sa magagandang disensyo. Papaanong walang masyadong katao dito kung ganito kaganda ang mga kanilang damit? Baka mamulubi ako neto sa sobrang mahal ng presyo nila.

*Kring* Nagulat ako sa anung bagay na tumunog sa bandang lamesa. Bumungad saakin ang bagong gising na may-ari nitong stall kung kayat ipinagtataka ko dahil hindi siya karaniwang tao. Binukaykay niya ang kanyang mga pakpak at kinusot ang kanyang mga mata.

"Good Afternoon, how can I help you?" Walang halong excitement ang pagbati niya sa akin.

The Upper LevelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon