CHAPTER 14- Encounter

195 113 203
                                    

☘️Andrea Borjan☘️

TUMULOY kami sa lobby ng Stand University. Ibinaba ko ang aking maleta at pinagmasdan ang buong kalooban nito.

Wow! Hotel ba 'to o paaralan?

Pagpasok ko palang ay pumukaw sa aking pansin ang kumikinang na chandelier. Napakalawak at napapalibutan ng mga mamahaling gamit ang lobby. Mukhang bagong renovate ang kanilang building at malaki ang naipundar nilang pera para dito.

Kasabay ng pagikot ng aking paningin ay siyang pagkawala rin ng ngiti ko. Lumapit ako sa isang napakalaking picture frame na nakasabit sa dingding at pinagmasdan ang litrato ni Mr. Xander na napapalibutan ng mga puting bulaklak. Hinaplos ko ang nakaukit na petsa ng kanyang kaarawan at kamatayan.

"Rest in Peace Mr. Xander, I will be missing you always." Mahina kong tugon na para bang kinakausap ito.

Lumipat ang gawi ko sa paparating na tao."Hi, I'm your lobby attendant. Hayaan mong ako ang maghatid sa'yo papunta sa room number mo." She said and scouted me in the elevator.

"Here's your key ma'am, enjoy your stay!" Masaya nitong paalam kaya nagbow ako pabalik at pinihit ang door keys. Lumantad sa akin ang isang high class suite na pang limang tao ang pwedeng gumamit dito.

Binasa ko ang isang card na nakalagay sa isang mini round table at sinabing kailangan naming magassemble at 6 pm dahil may gaganaping saluhan para sa Two-Teams Battle at pagbibigay pugay sa pumanaw na si Mr. Xander, ang headmaster ng Stand University.

Matapos kong magpahinga at magshower, kinuha ko sa closet ang dati nang nakahanda na susuotin. It was a black ball dress that has a gray ribbon at the end of the silhouette silk in my back. After I changed my outfit, I applied light make-up and curled my long hair for finishing touches.

It's quarter to 6 in the evening. I quickly grabbed my pouch and looked in front of the mirror for the last time. Isinarado ko ang pinto at siniguradong nakalock na nga ito.

Nahagilap naman ng paningin ko ang lalaking nakasandal sa pader. He's wearing a gray tuxedo and a black polo underneath.

I hide my smile and went straighly to him. He changed his hairstyle for today, leaving me to think that he just woke up and made it to look like a messy hair.

"Good evening Elion!"

Nawala ang ngiti ko nang mapansin na hindi siya umimik sa presensya ko.

"Let's go?" Ulit ko pang sabi ngunit hindi pa rin ako ito natinag kaya inilapit ko ang mukha ko sa gilid ng tenga niya at bumulong.

Mabuti na lang at nakasuot ako ng high heels kaya kasing tangkad ko na siya ngayon.

"I know you are stunned to my beauty right now but take it easy dear, you might drool." I tried to make my voice sexier but damn!

Hindi pa natinag ang mokong!

"HOY ELOY TARA NA MALE-LATE NA TAYO!" Hinampas ko ang hawak kong pouch para gisingin siya sa katotohanan.

"The heck happened to you?" Naiinis kong sabi habang tinahak namin ang loob ng hall.

"Nothing" He said in a low tone. Mas lalo akong nainis at pinandilatan ito ng mata.

The Upper LevelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon