CHAPTER 16- Truth About The Car Accident

179 104 100
                                        

☘️Andrea Borjan☘️

KINAUMAGAHAN, hindi na ako nagbadyang isipin ang patungkol kay Mr. Xander at kay Mandy dahil mas itinuon ko ang pokus sa Two-Teams Battle.

"From the south, let's welcome the contenders of UP High!" Patuloy ang aking hakbang papunta sa silangan ng arena habang nagsisi-palakpakan ang madla at kanya-kanyang sigaw sa mga pambato nila.

"Bestfriend kaya mo 'yan! Woooh!" Kumaway ako pabalik kay Vani na kasalukuyang pinaparinig nito ang pangalan ko sa mga katabi niya para i-cheer ako.  Halata sa mga mukha nilang pilit na kawayan ako kaya ngumiti ako pabalik. Paniguradong bago pa lang ako sa paningin nila kaya inintindi ko na lamang.



Kinakabahan ako, marahil ito ang kauna-unahang laban ko sa labas ng aming paaralan. Hindi ako sigurado kung ano ang magiging kahihinatnan ko ngayong araw, naisaulo ko naman ang mga naging ensayo ng aming grupo ngunit may kakaibang presensya ang nararamdaman ko ngayon.

Bumuntong hininga ako at ikinabit ang isang espada sa gilid ng beywang ko.

"Andrea," bumaling ang tingin ko kay Zilt at ngumiti ng maikli rito.

"I'm sorry-" hindi pa natapos ang sasabihin nito ay pumito na ang isang guro hudyat na magsisimula na ang Two-Teams Battle.

"It's okay Zilt, I understand what you want to say."

"We're still friends right?" Humalaklak ako sa sinabi nito at tumango.

"Ehem," bumaling naman ang tingin ko kay Mandy na katabi ko.

Isa pa 'to na dumagdag sa kaba ko eh! Kung hindi niya ako binantaan na makakalaban ko siya kung sakaling matatalo kami e di sana hindi ako ganito ka-kabado.

"If you assume that I saved you, this is your payment. May the elemental powers be with you always!" Dagdag nito.

Ni wala man lang halong sincerity ang pagkakarinig ko. May pagkasadista din naman pala si Mandy, paano kaya nakayanan ni Zilt ang pangbabara niya?

"Good day players! What should you know about the Two-Teams Battle? Here are some points you should remember," pahayag ng announcer sa amin.

"This event includes 10 participants coming from their respective schools. Simply the goal of the game is to cast all the participants and it will determine through points. 10 points will be awarded to the team to each participant they would wish to dispatch."

When we say dispatch, it is not generally to kill the opponent. Instead, it is combined with fatalities. These are the brutal moves you can do in the Two-Teams Battle and are curable if rushed into treatment. We do this also in our school, like the annual tournament and camping we did before.

The Upper LevelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon