CHAPTER 4- Traitors

345 192 297
                                    


☘️Andrea Borjan☘️

Naalimpungatan ako sa sikat ng araw na tumatagos sa aking bintana. Humikab ako ng ilang ulit bago bumangon sa pagkakahiga dahil kinakailangang magtipon ang mga estudyante sa field para sa gaganaping announcement of promotions. 

Pagkatapos kong naligo ay pinatuyo ko kaagad ang aking buhok gamit ang twalya.

"Good Morning Andrea!" Bati ni Vani na kakagising palang. Nagunat ito ng kamay at napasinghap.

"Good Morning din, bumangon ka na diyan at maghahain ako ng umagahan natin."

Agad naman itong bumangon at excited na tinahak ang banyo. Kamakailan lang kasi ako huling nagluto, paniguradong namimiss na niya ang hidden talent ko, chos!

Tumungo ako sa closet at isinukat ang bagong tahi ng uniform namin. Napahanga ako sa dating nito na bumagay sa kurba ng aking katawan. The inner part was a dirty white long sleeve. Another was a black chaleco or waistcoat. On top of it was our black university vest with big brown buttons that have side pockets and a logo containing the words of 'UP High' and 'Lower Level' on the upper right. The bottom that I used was a chekered mini skirt in the shade of bronze that also matches the color of my necktie. Lastly, I used black high socks and upper cut leather shoes to complete the set.

Matapos kong magsuklay ng buhok ay minadali kong tinignan ang laman ng refrigerator. Napangiwi ako nang tumambad ang kakarampot na chiken sa loob ng freezer kaya nagsaing nalang muna ako ng kanin. Napagdesisyunan kong magluto ng chiken nuggets ala-king, hash browns at pi-neel ang orange na panghimagas.

"Tss, tss, pwede na siguro 'to" Pagkakamot ko sa batok, akalain mo naman na nagawan ko ng paraan ang sauce para sa ganon ay hindi maging dry ang pagkain.

"Breakfast palang pero busog na busog ako!" Kaniya habang minamasahe ang tyan nito. Napahalakhak ako ng tawa dahil nagoover react ito, mukhang nagustuhan nga niya ang niluto ko.

Natapos kumain at nagligpit ng pinagkainan ay nakisabay kami sa mga naglalakad na Lowerians papuntang field at nagform ng lines kagaya ng naunang levels. Niyaya ko si Vani na pumunta sa likod ng linya para makipagchikahan habang hinihintay ang mga councellors dahil nasa kanila ang opisyal na papeles para sa mga nakapasa.

"Goodmorning UP students, all of you did a great job yesterday!" Napapitlag ako dala ng masayang anunsyo ng guro. Lahat nagsipalakpakan at ang iba ay halos nagtatalon na dahil excited silang makapunta sa higher level. Napabuntong hininga nalang ako, tumingin ako sa parteng linya ng Upper Level at hinanap ang mga mata ko si Elion.

"Nasaan kaya 'yun." Pagtatanong ko sa mahinang boses. Napahikab ako ng malalim at inisip ang kalagayan nito. Madaling araw na kasi kaming nakarating ni Elion sa loob ng UP High. Nakiusyoso pa ang mga guards kung ano ang ginawa namin sa bundok haggang naabot na ito sa kwentuhan.

Habang abala ako sa paghahanap kung nasa linya pa ba ito ay natanaw ko ang taong may katangkaran habang nakikipagusap kay Larry na tumatangong tugon. Seryoso ang pagmumukha ni Zilt, hindi kaya nakaka-awkward ang paguusap nila? Halos wala akong makitang ngiti sa labi ni Zilt sa pakikitungo nito kay Larry, o baka seryoso ang pinaguusapan nila.

The Upper LevelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon