CHAPTER 1- Tricked

492 206 300
                                    


☘️Andrea Borjan☘️

Isa lang ang pangarap ko, ang makasali sa Upper Level.

Pinapangarap ng bawat isa, kinaiinggitan at maraming nagsusumikap para makasali sa Upper Level. At heto ako ngayon sa bundok kung saan tanaw ko ang buong UP High, napakaganda at napakalawak na eskwelahan, maraming estudyanteng nagsisiingayan kaya hanggang dito naririnig ko pa rin ang tilian ng mga tao, masyado silang na excite dahil ngayon ang araw ng tournament, araw na kung saan pinaghandaan ng bawat isa upang ipakita kung gaano sila kaliksi, kalakas, at bigay todo na pagpapakitang gilas.

"Kailan kaya ako makakasali sa UL?" Napabuntong hininga nalang ako. Iilan lang ang mga kasali sa Upper Level. Sila ang masasabing 'Face of the School'. Bukod sa angking kakayahan, mula pa sila sa mga malalaking  pangalan na bumuo ng UP High.

Napatayo ako bigla nang may narinig akong kaluskos mula sa aking likuran, kinabahan ako nang palapit ito ng palapit. Ang mga yabag ng kanyang paa ang pinagbabasehan ko kung saan siya naroroon.

"Sino 'yan?"

Tahimik, ngunit nangingibabaw ang aking kaba.

"Ah!Aw!" Nagpagulong gulong ako pababa ng bundok nang bigla itong lumitaw sa harapan ko. Nakaramdam ako ng sakit at hapdi panandalian, buti nalang sa kahoy at hindi sa bato ang pagkakabangga ko kundi nabagok na ako ngayon.

"Damn, Eloy!" Tiniiman ko siya ng tingin habang ito ay tawa lang ng tawa, puro galos ang naabot ko sa binti at braso, tournament pa naman din mamaya, nakakainis!

"Lalampa lampa kasi. How can you be one of us?" Napasmirk siya habang lumalapit ito saakin, inabot niya ang kanyang kanang kamay sa harapan ko.

"Palibhasa, Upper Level ka kasi." Tinabig ko ang kanyang kamay at tumayo ng kusa kahit masakit parin ang aking likuran sa pagkakatama sa puno at nagsimulang maglakad pabalik sa UP High.

"You should be thankful, sinundo kita dahil magsisimula na ang tournament maya maya." Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. Ramdam kong nasa likod ko lang siya dala ng kanyang ngiting mapang asar. Sundo his face, naabot naman sa puro galos. Hindi ko ba alam kung bakit niya pa ako sinundo eh may shortcut naman pabalik, hay ewan! Kanina pa siya apak ng apak sa mga tuyong kahoy, naiirita na ako.

Muli akong nabuhayan nang matanaw ko na ang back gate ng school. Ready na ako sa tournament.  Pagtanto ko habang kumukuha ng lakas ng loob. Tumuyo kaagad ang mga galos sa aking binti at braso at muling nakaramdam ng panibagong lakas. Minabuting tinuloy ko na lamang ang pagtahak sa aking dinadaanan kaysa sa pakikipag usap kay Eloy.

"Ahhhhh!"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang tumiling boses. Teka, bakit parang kilala ko iyon? Tumalikod ako para tignan kung saang banda ko ito narinig ngunit hindi ko siya natanaw. Gosh, mukhang si Eloy! Saan nanaman 'yon nagpunta? I can't help but to grin. Baka tinangay na siya ng oso, buti nga sakanya!

The Upper LevelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon