CHAPTER 11- Falsely Accused

247 148 216
                                        

☘️Andrea Borjan☘️

"Shhh!" Magrereklamo pa sana ako dahil sa biglaan niyang paghila nang bigyan niya ako ng ideya kung ano ang gusto niyang sabihin kaya napalingon din ako kung saan siya tumitingin.

"Stay alert Andrea" He whispered to my ears. Tumaas ang balahibo ko sa ginawa niyang paglapit sa akin.

"Nagawa niyo na ba?" Dinig ko ang isang boses ng babae sa di kalayuan.

"Malapit na pero dapat hindi tayo padalos-dalos." Lalake naman ang kausap nito. Ano ba iyong tinutukoy nila? May masama kaya silang plano? Andaming pumapasok sa isipan ko. Nanatili ako sa pwesto ko at nakinig pa sa iba nilang sasabihin.

"Ang sikip!" Bulong ko sa kausap ko. Elion is giving me a sign to shut up using his fingers. I can't help but to move slightly for me to get some air. I can smell his strong scent for me to puke in any minute.

"Good, make sure everything is clean so that we will not get into any trouble. Understood?"

"Yes"

"I'll contact you for further plans basta't tatandaan ninyo na hindi pupwedeng malaman ito ni Liyon. Kapag nagtagumpay tayo sa plano ay mapapasaatin na ang lahat."

Hindi ko maiwasanag kabahan sa mga salitang binitawan niya. Pinilit kong magtiptoe upang makita ko ang taong iyon at masiguradong mahuhuli namin ito ngunit nawalan ako ng balanse kaagad kasunod ng pagimik ko ng salitang "aw".

Tinignan nito ang paligid kung saan naroroon kami ni Elion dahilan ng pagtago namin ulit para hindi mahuli. Kaagad niyang nasalo ang pagkakahiga ko para sumandal sa kanyang katawan.

"Damn Andrea, you're so careless."

*Lub dub lub dub lub dub*

Hindi ko alam kung kinakabahan ako dahil sa bilis ng pintig ng puso ko. I am now leaning to his broad chest, I can feel how our heartbeats were syncing with each other. How our breathings are thirsty for fresh air. Hindi ako makaalis sa kinaroroonan ko, at hindi rin ako pupwedeng gumalaw dahil palagay ko ay nagmamatyag na ito sa amin. Hindi ko rin alam kung parehas ba ang takbo ng aming isipan at ipaalam ang narinig namin kay tito Liyon.

Anong ibigsabihin nito? Sa usapan palang nila ay paniguradong masama ang intensiyon nila!

"You can go now. It's too dangerous to keep our conversation going. Pagbutihin niyo ang plano natin." Saad ng babae. Nanatili kami nakayuko ng ilang sandali habang pinagmamasdan namin ang tunog ng mga yapak na papalayo sa kinaroroonan namin.

The Upper LevelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon