CHAPTER 6- Campers

280 175 240
                                        

☘️Andrea Borjan☘️

Maaga kaming nagising ni Vani at nakapaghanda dahil 6:00 A.M ang assemble ng students sa field. Bawat teams ay may limang miyembro, ang dalawang miyembro ay manggagaling sa Lower at Middle Level habang ang leader naman ay galing sa Upper Level.

"Students of the UP High, a blessed morning to all of us! Today, we are going to have a marvellous activity for newly promoted students on higher level. Take note of the card that has been sent by your leaders to your respective dorms. Are you ready Campers?"

"Yes Sir!" Sabay-sabay naming tugon.

"You may now take your lead and go to the Camping site. Good Luck!"

Matapos ang announcement ng isang councellor ay tinahak na namin ang kagubatan habang dala ang mga gamit pang Camping. Hindi ko maiwasang matuwa dahil lahat kami ay kalahok at paniguradong exciting din ang gaganaping activity ngayong araw.

"Andrea, para tayong mga alipin na aligid sa mga amo natin." Pareho kaming natawa sa simpleng pagbibiro ni Vani habang hawak nito ang isang basket ng meat at ingredients para sa bonfire.

"Ang gwapo ni Zilt parang isang matipunong mannequin na walang buhay." Bulong nito tsaka tinapik ako na para bang kinikilig. Sinulyapan ko naman si Zilt na mukhang hindi apektado sa panloloko ni Vani.

"Oo nga, parang binawian ng kaluluwa." Sumbat ng isang miyembro na taga-Middle Level. Tumahimik nalang ako at inilibot ang paningin ko sa gubat.

Kanina ko pa napapansin na nagsisitinginan ang ibang campers sa amin, kita ko kasi sakanila ang inggit lalo na ang mga kababaihan. Hindi maikakaila na masaya din ako at nakakagaan ito sa pakiramdam dahil nasa amin si Zilt at malaki ang posibilidad na makakapunta kami sa Higher Level dahil naririto ang Top one student ng UP High.

Matapos ang isa't kalahating oras sa paglalakad ay lumitaw saamin ang patag na lupa. Lahat ay nangatog ang mga paa sa layo ng tinahak namin. Isa kasing recreational activity ang Camping at hindi pupwedeng gamitin ang mahika para mapunta kaagad dito.

Abala kong inihahanda ang griller at si Vani naman ay nagtutuhog ng magiging barbeque habang inaayos naman ng boys ang tent namin.

"Argh" Napadaing ako sa hapdi sa at kinusot ang aking mata. Masyadong napalakas ang pagbuga ko ng hangin sa uling para lumiyab ito.

"You need my help?" Tumaas ang aking tingin at maluha kong tumango rito. Hinipan niya ito atsaka piay-payan ng dahan dahan. Namangha ako sa ginawa niya kaya minadali kong kinuha ang mga barbeque sa lalagyan at muntik ko pang nabunggo si Zilt sa kamamadali.

"Sorry" I said.

"It's okay. I should be the one to say sorry." Nagkunot-noo ko siyang tinignan habang napahaplos ito sa kanyang batok.

"Yesterday, oh the other day." Simula niya, bumulaslas ako ng ngiti dahil ang epic ng pagkakasabi niya. Pinipigilan kong kiligin dahil hindi talaga ako makapaniwala na inaabangan ko lamang ito noong tournament. Grabe Andrea, kalma!

The Upper LevelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon