☘️Andrea Borjan☘️
                              The tournament for this school year had officially ended with a success. Ang dinumog na arena kanina ay nagsibalikan na sa kani-kanilang dorms.
                              "Vani, tambay muna ako doon ha?" Paalam ko nang madatnan ko ito na kasalukuyang ibinabalik ang damit sa closet galing sa kanyang maleta. 
                              Ngumiti ito ng kaunti, napansin ko ang namumugtong mga mata nito.
                              "Sigurado ka? Anong oras na, gabi na." Pagaalala nitong tanong. Lumapit ako sakanya at binigyan ng isang mahigpit na yakap. 
                              "Don't you worry, atleast hindi pa tayo magkakahiwalay." Tumawa ako at hinarap ito. 
                              "Bawi nalang tayo sa susunod." I patted her head dahil may kaliitan din siya. Vani was one of my closest friend besides Elion. We have this same kind of preferences between foods and stuffs at pagdating na rin sa mga taong gusto at ayaw namin kaya sa tingin ko, doon kami mas lalong naging close. 
                              "Right, sa susunod hindi na talaga ako magsasayang ng oras para magimpake." 
                              "Oo nga, masyado ka kasing excited." Pajoke kong sabi. Once you got promoted to Middle or Upper Level, you will be moved permanently. They have these designated dorms for each level. At dahil nga sa Testing Ability na ginawa saamin, malabong mapupunta kami either of the two.
                              Nakapagpaalam na ako kay Vani na lalabas muna saglit. Inihanda ko ang flashlight at chineck kung may baterya pa ito. Tinahak ko ang back gate ng school. Kamuntikan pa akong huliin ng guards at hindi palabasin pero pinayagan din ako sa huli dahil ang kulit ko raw.
                              Habang naglalakad ako sa kakahuyan naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin kaya niyakap ko ang sarili ko at nagmadaling umakyat sa bundok dahil kung ano-ano na rin ang pumapasok sa isipan ko.
                              "Don't look back Andrea." Paulit-ulit kong sabi at pumito sa kalawakan para mawala ang aking kaba. Sa palagay ko kasi may ibang aninong sumusunod saakin kanina pa. Hindi kaya nawawala na rin ako sa katinuan? Hay, ewan! Wala pang limang minuto ay nakarating na ako sa tuktok. Tinanaw ko ang buong UP High, suminghap ako ng hangin at umupo bahagya sa malaking puno.
                              Bukas, bawat estudyante ay kailangang pumunta sa field dahil iaannounce ang transferees ng bawat levels. Hawak ko ngayon ang isang kahoy at inihagis sa kalawakan. 
                               "I'm still a part of Lower Level, baka nga ito talaga ang destiny mo Andrea." Dismayado kong tugon habang kinuha ang tuyong kahoy at inihagis sa likuran.
                              Napamura ito na siyang ikinangisi ko. Nakaramdam ako ng presensya na siya nga ito dahil sa hindi sinasadyang pagapak nito sa mga tuyong kahoy habang tahimik kong pinagmamasdan ang anino na sumusunod sa akin.
                              "Guess, you didn't see that coming?" I started the conversation while I noticed he hardly tries to sit one meter away from me. Mukhang hindi pa fully recovered ang kondisyon niya.
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
The Upper Level
Fantasy[TAGLISH] This is a story of a girl named Andrea who is willing to give her best to become an Upperian. The fact that she lacked skills and encouragements because of her family's dreadful past, her childhood friend Elion interferes in her life and h...
                                          